CHAPTER 12

151 6 1
                                    

CHAPTER 12

Familiar faces

"Vaziana?"

Nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ay sandali akong natigilan saka niligon ang nasa driver seat. Ganoon nalang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita si Louis.

"L-Louis?"

Hindi niya pinansin ang pagtataka sa mukha ko at sa halip, kunot-noo lang siyang nakatingin sa kalsada at paminsan-minsan akong sinusulyapan. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay galit siya. "Why are you crying?"

Napakurap-kurap ako saka nag-iwas ng tingin at itinuon nalang ang paningin sa bintana. "W-Wala... wala 'to."

Ilang sandali rin siyang nanahimik bago muling nagsalita. "What's your relationship with Austen?"

Parang nanigas ako sa kinauupuan nang marinig ang tanong niya. Sa dami nang naiisip ko, nakalimutan kong may relasyon nga pala sila ni Austen! Siya ang legal wife— ay este, boyfriend palang pala. Pero kung may relasyon nga talaga sila, bakit siya ang pinasundo sa'kin ni Austen? Hindi ba siya aware na baka masaktan si Louis dahil kahit arranged marriage lang kami, at kahit asawa lang ako sa papel, masakit parin 'yon para sa kaniya dahil yung mahal niya ay nakatali na sa iba? Tapos pinasundo niya pa talaga sa totoong taong mahal niya? Talaga bang walang pakiramdam ang lalaking 'yon?

Buti nalang talaga at hindi ko siya mahal. Oo masakit yung narinig ko sa kaniya kanina pero hindi ibig sabihin ay malalim na ang nararamdaman ko para sa kaniya. At hinding-hindi ko hahayaan ang sarili ko na malunod sa kung ano mang patibong na ihahain niya para sa'kin.

Nilingon ko si Louis saka saglit na tinitigan. Kung titingnan mo siya ng mabuti, iisipin mong wala siyang kahit anong dinadalang problema dahil sa kapreskuhan ng mukha niya ngayon. Tapos sa tuwing nakikita ko siya, parang palagi siyang gumagwapo. Parang gusto ko nalang sana hilingin kay Lord na sa kaniya nalang ako magkagusto.

Pero nakapagdesisyon na ako. Sasabihin ko kung ano ang totoo at kung anong nalalaman ko. Kung masaktan man siya sa malalaman niya, ako na ang hihingi ng tawad sa kaniya nang walang hinto. At kung hindi naman niya ako mapatawad, ayos lang din, bukal sa loob kong tatanggapin.

"May aaminin ako."

Tumaas lang ang kilay niya at hindi nagsalita. Ang suplado naman. "A-Ano... nakita na kasi kita dati."

Halos humiyaw ako nang biglaan niyang ipreno ang sasakyan dahilan para halos masubsob na ang mukha ko sa harapan. Sa sobrang takot na baka nasagasaan na kami ay halos masinghalan ko na siya. "Louis, ano ba 'yan?!"

Ang parang gulat na gulat niyang mukha ay humarap sa'kin. "Did you remember me? May naaalala ka na?" Parang nananabik niyang tanong, halos kumislap pa ang mga mata sa tuwa. Wala sa sariling napatitig ako sa kaniya.

Bakit ang OA naman ng reaksyon niya?

"Oo... sa mansion nila Austen. Doon kita unang nakita."

Nawala bigla ang emosyon niya sa mukha. Parang nakitaan ko pa nang pagkabigo ang mga mata niya o baka guni-guni ko lang 'yon. "Oh, right." Nag-iwas siya ng tingin saka muling minaobra ang sasakyan. "Noong araw na nagkita tayo sa labas at nahuli kitang tinitingnan ang kotse ko." Malamig ang boses niyang sabi.

Yung kotse na 'yon ay hindi ko parin nakakalimutan. Ah, basta. Kakausapin ko rin siya tungkol doon. "No... hindi doon."

Kumunot muli ang noo niya. "Saan naman?"

"Sa..." Marahas akong napalunok saka inalala ang nakita ko noon. "Kasama mo si Austen no'n... tapos... uh..."

Sabihin mo na kasi Zia!

SS I: Seducing My Gay HusbandUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum