Nagawa niya pang yakapin ang Ina kahit na ilang sandali. Naiparamdam niya pa sa kaniyang Ina kung gaano niya ito kamahal at ganon 'din ang kaniyang Ina.

I felt a biggest regret...

Ito na ang pinakamalaking regret na nagawa ko sa talang buhay ko.

Nang may makita akong dumptruck na patungo sa kinaroroonan ko, ay nanatili ako sa gitna ng kalsada at hinintay ang pagkabangga ko mula rito habang hinahayaan ang walang patid na pagluha ko at kasabay ang pagsayaw ng buhok ko sa hangin.

Nabigla ako ng biglang may yumakap sa 'kin at pilit akong hinila papunta sa kabilang side ng kalsada pero dahil mabigat ako ay gumulong kaming dalawa sa kalsada.

Rinig na rinig ko 'rin ang tili ng mga taong nando'n dahil sa pag-aakalang nabangga na ako ng dumptruck.

Nang tumama na kaming dalawa sa lupa ay agad akong napatayo at napatingin sa braso ko na malaki ang gasgas. Agad akong napalingon sa lalaking sumagip sa 'kin at siya na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makitang si Mj pala 'yun.

Agad akong napatitig sa kaniya habang nag-alala. Iniinda niya ang gasgas na nakuha niya mula sa paggulong namin sa semento.

May gasgas siya sa kaniyang dalawang tuhod at sa dalawang siko.

“Mj, ayos ka 'lang ba?” I asked while my lips are trembling. Lumapit pa ako sa kinaroroonan niya para tulungan sana siya madali siyang nakatayo at lumayo sa 'kin.

————✿————

HABANG ginagamot ko ang sugat niya sa siko ay panay naman ang reklamo niya kasi 'daw mahapdi.

“Tumahimik ka nga diya'n. Mabuti pa ang bata sa 'yo nagpapagamot kapag nasugatan ang siko at tuhod nila pero ikaw...” tiningnan ko pa siya saglit at muling binalik ang mata ko sa kaniyang siko na ginagamot ko.

“...kung makaarte ka diya'n sobra ka 'pa sa bata.” taray ko sa kaniya.

“Kung makapagsabi akala mo naman hindi siya ang dahilan ng lahat ng 'to.” nakanguso niyang sabi kaya napasulyap ako sa kaniya ng sandali at napatawa na lamang ako ng tahimik ng makita kong nanlalaki ang mata niya.

“Haist, ang sabihin mo—.”

“Ahhh, ang hapdi!” reklamo niya at bahagya pang nilayo ang braso niya sa 'kin. Bigla ko kasing napiga ang cotton.

Muli kong hinila ang braso niya at saka diniinan ang pagkakahawak para siguradong hindi na siya makapalag. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at saka napangiti ako ng mapalad ng makitang nakanguso siya habang nakatingin sa braso niya.

“Arte mo,” wika ko at tinusok pa ang ilong niya kaya mas lalo siyang napasimangot.

Napabuntong hininga ako ng mag-flash back ang nangyari kanina. Pati na 'rin ang paglagay ko ng sleeping pills sa tubig niya. Malungkot kong tiningnan ang mga mata niya.

“Kanina, sorry. Condolence na 'rin," wika ko at napayuko. Hinawakan naman niya ang kamay ko kaya napaangat ako ng tingin at napatingin sa mata niya.

“Thanks,” he mumbled.

Confused...

“Thanks for what?” tanong ko bigla.

“Thanks...” he trailed off.

Wait, yung utak ko nasa proseso pa ng...

Processing..۝..

“Thanks for that memory. So, atleast. Hindi na ako magtitiwala sa 'yo,” wika nito at kinindatan pa ako bago tumayo at iwan saka naglakad sa likod ng sofa.

Napabuga na lamang ako ng hangin at napasandal sa sofa.

“Pinapatawad mo na 'ba ako?” mahinang tanong ko. Nararamdaman ko pa kasi ang presensya niya sa likod ko kaya nagtanong agad ako.

“Fine, forgiven but next time I will never trust... you.” napanguso na lamang ako sa huli niyang sinabi.

Nakarinig ako ng yabag papalayo sa 'kin kaya siguro akong umalis na siya. Napatingin ako sa first aid na nasa mesa at muling napailing.

Siguro, kapag hindi niya ako niligtas kanina maaring pinaglamayan na ako ngayon.

Napangiwi ako ng magawi ang tingin ko sa siko ko. Ayaw ko ng gamutin ito dahil sigurado akong masakit 'to.

“Ahh” tili ko ng biglang ilapat ni Mj ang cotton na may alcohol sa braso ko.

Napatawa naman siya sa naging reaksyon ko. May pahawak-hawak pa siya sa kaniyang tiyan habang tumatawa. Ngumiwi na lamang ako habang nakatingin sa kaniya.

Pvtcha, parang naisahan niya ako 'ah.

“Akala ko 'ba umalis ka 'na?” tanong ko habang hinihipan ang sugat ko sa siko.

“Haist, tama nga ang karma. Ayan nakarma ka 'na sa pananakit mo sa mga sugat ko. Akala mo hindi sisigaw kapag nalapatan ng alcohol ang sugat.” napakamot na lamang ako sa aking kilay dahil sa naging turan niya.

“Oo na, we're same. Pareho, tayong takot sa al-co-hol.” pabulong na wika ko kaya marahan naman siyang natawa.

“E'de wow,” bulong nito at muling nilapatan ang sugat ko ng alcohol kaya nilayo ko mula sa kaniya.

“Tama na nga— ahh!” tili ko ng bigla niyang buhusan ng alcohol ang kamay ko.

“Ba't ang— hapdi,” reklamo ko habang hinihipan ang siko ko. Panay naman ang tawa ng g*go at tuwang-tuwa siya pa siya sa 'kin.

Tiningnan ko naman siya ng masama kaya natahimik siya bigla at napalunok. Habang nakatingin ako sa mata niya ay ang isa ko namang kamay ay busy naman sa paghahanap ng alcohol.

Nang mahawakan ako ay bigla akong nag-devil smile at kapansin-pansin ko naman ang pagkunot ng noo niya.

“Ahhh!” tili niya ng buhusan ko ang gasgas niya sa tuhod. Napatalon pa siya sa inuupuan niyang sofa at nagpatalon-talon.

“Hapdi?” mapang-asar ko na tanong.

“Alangan naman hindi!” he hissed.

“Tapos bigla mo akong binuhusan ng alcohol?!” pinanalalakihan ko siya ng mata pero natawa lamang siya.

“Oyy, ang dami mo ng atraso sa 'kin! Yung sa sementeryo! Nilagnat ako do'n ng isang linggo!” I hissed.

“Ehh, kulang pa nga 'yun sa mga ginawa mo.” nakanguso niyang wika kaya napakagat labi na lamang ako.

Ang dami ko na pa 'lang kasalanan sa kaniya. Pero nevermind. He said that he already forgiven me!

“Atleast, you said last time that you forgive me!” masayang wika ko at saka lumapit sa kaniya para lagyan ng alcohol ang siko niya kaya panay ang layo niya sa 'kin.

“Huli ka!” sigaw ko ng ma-corner ko siya sa isang sulok. Napataas pa siya ng tingin at napalunok siya ng mapansing wala na siyang takas.

Aakmanh lalapit na sana ako sa kaniya kaso nahawakan niya ang dalawang pulso ko kaya siya naman ngayon ang napangisi. Agad niyang kinuha ang alcohol kaya sa pagpupumiglas ko 'ay bigla akong napatalisod.

Sinubukan niya akong saluhin pero natalisod 'rin ang Paa niya kaya pareho kaming bumagsak sa sahig.

Napadaing pa ako sa sakit ng likod ko. Dumagan pa sa 'kin si MJ kaya mas lalong nahirapan akong huminga.

Napatitig ako sa mukha ni Mj. Namumula ang buong mukha niya at agad na nag-angat ng tingin sa 'kin at bigla siyang natuop ng mapansin na malalim akong nakatingin sa kaniya.

TO BE CONTINUE....

SenyoritaWhere stories live. Discover now