Padabog akong bumalik ng kwarto ko at binagsak ang pintuan sa sobrang inis ko.

Binagsak ko rin ang sarili sa kama ng nakadapa at sinubsob ang sarili sa unan para sumigaw.

Gusto ko uminom.


I dialed my best friend's number. Yayayain ko siya mag inom at alam kong hindi siya tatanggi. Maaga pa naman 6:30 PM pa lang, para maaga rin kami makauwi.

Nang sinagot niya ang tawag ay dali dali akong nagsalita.

"Bridge inom. Sa Valentía 7 PM." Pinatay ko agad ang tawag kahit hindi pa siya nakakasagot. Bahala siya dyan need niya ko samahan.

Nagmadali akong maligo at magbihis. Trip kong magsuot ng dress kaya ayun ang kinuha ko sa closet ko.

I wear a black satin silk above the knee backless bodycon dress and partnered it with my silver lace up 2 inches sandals. I put on my simple night make up and sprayed my perfume. Magbibitbit na rin ako ng black leather jacket ko in case na lamigin ako sa loob ng bar. Pero iiwan ko lang iyon sa loob ng kotse ko.

Baka makahanap din ako ng true love don kaya ako nag ayos. Ayaw ko kay Lewis, ang panget niya. Kung ayaw ako tigilan ni Daddy kakaganyan niya edi ako ang maghahanap para sakin.

Maghahanap ako ng fake jowa hanggang grumaduate. Si Bridge ang makikipagnegotiate. Gagawa ako ng kontrata.

Hay! Nahihibang na ako!

"Where are you going? Bakit ganyan ang suot mo? You didn't tell me you'll go to a party tonight?" Sunod sunod na tanong ni dad nang makita niya akong bumaba sa living room.

I mentally rolled my eyes. "Dyan lang, I'll be back."

"Where?"

I frustratedly sighed. "Dad, I'm not a child anymore. I can go anywhere by myself. Uuwi din ako."

Minatahan niya lang ako kaya umalis na ako para magtungo sa garahe at magdrive papuntang sa Valentía.

Once I parked my car ay nagtungo agad ako ng ground floor entrance kung saan marami na ring pumapasok dahil weekend ngayon.

Bahagya akong napangisi dahil mukhang may mabibingwit kami ngayon ni Bridge.
Pagpasok ko pa lang ay may mga mata na agad na sumusulyap sa akin. Kahit hindi ganoon kaliwanag dito sa loob ay pansin pa rin ako dahil sa suot kong satin silk dress.

"Miss, shot?" Aya ng isang lalaki na nakapolo at bukas na ang mga botones nito. Kitang kita ko yung abs niya pero nilagpasan ko lang siya. Pawis na eh, mukhang nakaisa na ito. Ew.

Madami pa ang nagsi approach sa akin pero hindi ko sila pinapansin at dumiretso na lang ako sa bar counter para umorder ng drinks at doon maghintay sa best friend ko.

Nilabas ko ang phone ko para imessage si Bridge habang napansin ko sa peripheral vision ko ang bartender sa tapat ko kaya umorder na ako kahit hindi nakatingin sa kanya at nakatutok lang sa phone ko.

"One bloody mary, please." Umalis na rin agad ang bartender pero hindi pa ako nirereplyan ni Bridge kaya tinawagan ko na siya.

"Hoy! Nasaan ka na?!" Sigaw ko sa kanya.

"Tanga ka! Birthday ni Mamita ngayon at nasa dinner ako! Bobo ka mag invite!" Sagot niya, it's her Lola's birthday pala. So nagtravel na naman pala ang bruha dahil nasa kabilang city ang bahay ng Lola niya.

"Bridgette your mouth, my goodness!" Rinig kong boses sa kabilang linya, I think it's Tita Brielle mommy ni Bridge.

"Mas bobo ka, yung bunganga mo hindi mo mapigilan kahit nasa harap mga magulang mo!" Bahagya akong napatawa dahil sa kagagahan niya.

This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now