Chapter 9

4 1 8
                                    


Maaga akong nagising dahil naalala kong dapat ay makauwi na kami bago magliwanag. 3 AM pa lang ay nasa lobby na ako.

"Excuse me, ma'am. Do you want some coffee?" tanong ng isang staff sa akin.

"Do you serve breakfast at this hour?" tanong ko. Nagugutom kasi ako. Naalala kong hindi pala ako kumain kagabi.

"Yes ma'am. What kind of breakfast do you want to have?" tanong niya. Kinuha ko ang menu na nakalagay sa gilid at binasa ang mga nakasulat doon.

"Tocino rice, with 1 extra rice. 2 egg and cheese burger. 1 slice of choco-moist cake. 1 hot choco and water," order ko. Hindi naman siguro ako halatang gutom.

"Your order will be served in 15 minutes," informed sa akin nu'ng staff at saka umalis.

Exactly 15 minutes ay dumating na 'yung order ko. Dalawang staff ang nag-serve nu'ng kasama na yu'ng kumuha ng order ko kanina.

"Enjoy your meal," sabay nilang sabi nang mailapag na nila lahat ng pagkain at saka sila umalis. Nagsimula na rin akong kumain.

Natapos na ako't lahat ay hindi pa rin bumababa si Nimrod. Akala ko ba maaga kaming uuwi?

Tumingin ako sa relo ko. 4:30 na ng umaga. Humihikab-hikab na ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos, idagdag mo pang maaga akong nagising.

Umidlip na lang ako sa inuupuan ko. Wala namang tao sa mga oras na ito kaya walang makakakita sa akin.

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay sa paligid. Nang magmulat ako ay marami nang mga tao ang palakad-lakad sa paligid. Pagtingin ko ng relo ko ay nagulat ako dahil mahigit isang oras na akong nakatulog.

Noong umayos ako ng upo ako nakita ko si Nimron sa harapan kong nagtitipa sa laptop niya.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko. Umangat ang tingin niya sa akin ngunit kaagad din nitong ibinalik sa laptop niya.

"Gising ka na pala," sabi lang niya habang patuloy lang ito sa ginagawa.

"Akala ko ba maaga tayong uuwi?" naguguluhang tanong ko.

"Says who?" kunot-noong tanong niya pabalik.

"Narinig kita kahapon," sagot ko.

"I'm so caught up with my works. Idagdag mo pa na may kailangan akong tapusing learning materials. Going home is the least in my priority. So, if you really want to go home, take the bus," sunod-sunod na sabi niya. Kumunot ang noo ko dahil sa inis.

"Nagtatanong ako nang maayos, dapat sumagot ka rin nang maayos," inis na sabi ko. Palagi niya nalang akong pinag-iinitan. Nakakainis na!

"Look, you didn't asked me in the first place and now you're blaming me with your stupidity?" Napatayo ako dahil sa galit. Buong buhay ko ay wala pang nakakapagsabi nang ganoon sa akin. Siya lang at wala siyang karapatan.

"Ang bastos ng bunganga mo! Hindi ko alam kung ano ang problema mo sa akin eh. Tinagurian ka pa namang isang guro pero bulok ang pag-uugali mo! Isa kang malaking putang ina!" Sigaw ko. Sa lahat ng ugaling ipinakita niya sa akin mula noong dumating ako sa buhay nila ay kaya ko pang tiisin. Pero ang sabihan niya akong bobo, ibang usapan na iyon.

Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon. Basta ang alam ko lang ay mali siya at kailangan kong protektahan ang sarili ko laban sa pang-aalipusta niya.

"How dare you, Nimfa!" Sigaw niya rin sa akin. Nakakuyom ang mga kamao nito na para bang kayang-kaya niya akong saktan. Umalis na lang ako para hindi pa humaba ang away namin. Galit na galit akong tinungo ang exit ng hotel. Bahala na kung saan ako mapadpad, basta gusto ko nang umalis sa lugar na ito.

Dire-diretso lang lakad ko. Ni hindi ko alam kung saan ako papunta. Nang makaramdam ako ng pagod ay saka ko lang namalayan kung nasaan ako. Lumingon-lingon ako sa paligid upang tingnan kung nasaan ako. Ito na yata ang tinatawag nilang deja vu. Napakapamilyar na pangyayari.

Nakakita ako ng signage sa harapan ko. Imbes na bumalik ako sa kung saan man ako nanggaling ay parang na-engganyo akong tunguhin ang Apollo Beach Resort.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay narating ko na ang gilid ng karagatan. Sa ganda ng tanawin ay mukhang naibsan nito ang galit ko.

Paisa-isa lang ang nakikita kong turista dito. Karamihan ng tao rito ay mga mangangalap. May mangilan-ngilan ding mga kubong itinayo sa mga gilid.

Naglakad ako sa pinakamalapit na kubo sa kinatatayuan ko. Mabuti na lang at may locker room pala rito. Gusto ko pa namang maglaro kahit saglit lang, bago ako bumalik sa hotel.

Mabuti na lang at may pera akong dala-dala. Ang mahal pala ng renta ng mga lockers. Kaso, wala naman akong choice, kesa naman dala-dala ko ang bag ko.

Gusto kong magtampisaw dahil napaka-init ng sikat ng araw. 10 AM pa lang pero halos nakakapaso na ang init. Mabuti nanlang at medyo mahangin kaya kahit papaano ay naiibsan din ang init ng. Panahon.

Nagsimula na akong libutin ang isla. Sa dulong bahagi ay may mga kainan at bilihan ng mga souvenirs. Napakaraming tao roon kumpara sa pinanggalingan ko.

Bumalik na ako at nilibot naman ang kabilang dulo. Mga bangka naman ang nandoon.

Paglipas ng mga oras ay hindi ko na napigilan ang lumangoy. "Bahala na nga diyan. Matutuyo naman siguro ito maya-maya," bulong ko sa sarili ko.

Umahon na ako nang makaramdam ako ng pagod. Umupo ako sa may dalampasigan habang pinagmamasdang ang mga alon na paparoo't paparito. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam.

Nang natuyo na ang damit ko ay kinuha ko na ang bag ko sa locker at pumunta sa unang pinuntahan ko kaninang umaga. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom. Habang naghahanap ng mapagkakainan ay tumingin-tingin muna ako sa mga souvenirs na nadaraan ko.

May nakita akong Mang Inasal at napagdesisyonan na doon na lang kakain. Binagalan ko ang pagkain upang makatambay roon ng kahit ilang oras. Malamig kasi sa loob.

Halos mag-iisa't kalahating oras na ako nakatambay roon kay umalis na ako. Bumalik ako sa dalampasigan ay naglakad-lakad doon hanggang sa magsimula nang dumilim.

Ilang minuto lang ay baba na ang araw. Umupo ako sa buhangin upang hintayin ang paglubong ng araw. Napakaganda siguro noon na panoorin.

Sa unti-unting paglubog ng araw at siya na ring simula ng pagbagsak ng aking mga luha. Ang bigat ng pakiramdam ko. Kung wala lang tao sa paligid ay baka nilakasan ko na ang pag-iyak.

It is as if everything I kept inside me can't take it anymore. Yung sakit ng pag-iwan sa akin ng mama ko. 'Yung pagmamahal na ipinapakita ni Nathan at mga kapatid ko sa akin. Ang bago at marangyang buhay na meron ako ngayon. At kung paano ako tratuhin ni Nimrod simula nang dumating ako sa kanila.

Gulong-gulo ang utak at pakiramdam ko. Alam kong hirap akong tanggapin ang lahat ng ito.

Natigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang may sumigaw ng pangalan ko. Hindi ko sigurado kung ako talaga 'yung tinatawag pero lumingon pa rin ako.

<<>><<>><<>><<>>

Sino kaya 'yung tumawag kay Nimfa?

It might be Lurk. It might be Nimrod. Drop your guess haha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Mondragon's Black SheepWhere stories live. Discover now