Chapter 3

18 8 44
                                    

NIMFA'S POV

I almost fainted. Hindi pala magandang idea na sumama ako kina Noemi at Noraiah. Halos hindi ko alam kung sino ang susundin ko sa kanila kanina.

They've been showing me dresses and gowns na parehong hindi pasok sa taste ko. Mabuti na lang at tinawagan sila ng kung sino man.

After couple of hours, I am able to choose a dress. Isa siyang Mermaid Tail, red dress. Sinukat ko na rin at pina-adjust according sa size ko. Hindi ko nga alam kung bakit pinaggugulan ko pa ito ng oras eh hindi naman ako dadalo.

Ala-sais na nu'ng makarating ako sa bahay. Dumaan pa kasi ako ng net shop kaya nagabihan ako.

"Ba't di ka pa pumasok?" Napapitlang ako nang makarinig ako ng pangit na boses mula sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko na naman ang pinakapangit sa pamilyang Mondragon.

"Make way. Haharang-harang," masungit na usal niya siya niya ako siniko ng marahan para gumilid.

"Pangit na nga, masungit pa," bulong ko habang pinupunasang ang mga germs na kumapit sa damit ko na galing sa kaniya.

"What did you say? Can you stop murmuring?" Galit na sigaw ni Nimrod. Napahakbang pa ako patalikod dahil nakakatakot talaga siya. Buti na lang at bumukas ang pintuan.

"Bakit mo na naman inaaway ang kapatid mo?" bungad na tanong ni Nathan.

"She started it!" protesta ni Nimrod. Umiling na lang si Nathan at saka kami pinapasok. Tiningnan pa ako ng masama ni Nimrod bago pumanhik sa kaniyang kuwarto. Problema kaya nu'n?

Pupunta na sana ako sa kuwarto ko nang pigilan ako ni Nathan. "Come down for dinner later," anyaya niya akin.

"Kumain na po ako," tanggi ko. Hindi ko talaga makuhang makisalamuha sa kanila eh ilang buwan na rin naman akong nandito.

"We'll be discussing important matters. I'll be expecting you," pagtatapos niya sa usapan at saka ako iniwan. Napabitaw na lang ako ng malalim na buntong hininga.

I went to my room to take a shower and to change my clothes. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng kuwarto ko at tumungo sa dining area.

Iba talaga pag mayaman. Iba na nga ang kusina, iba pa ang kainan. Pero kung ako ang palipiliin ay masguto ko 'yung buhay na mayroon ako kasama ang mama ko. Hindi man kasing rangya ng natatamasa ko ngayon pero at least masaya ako.

"Nimfa, dito ka," turo ni Nike sa bakanteng upuan sa tabi niya. Kaso sumama ang mood ko nang makitang katabi ni Nimrod ang uupuan ko sana. No choice naman ako, iyon lang 'yung bakante eh.

Sinamaan pa ako ng tingin ni Nimrod pero kinunutan ko lang siya ng noo. Tanungin ko nga mamaya kung ano ang problema niya sa akin? Hindi na ako natutuwa.

"Gaile," panimula ni Nathan nang matapos kaming kumain, or should I say...sila.

"Kailan mo balak bumalik sa pag-aaral?" tanong niya. Tumahimik lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nawala na sa isip ko ang bumalik pa sa pag-aaral.

"Kung wala pa ay mag-internship ka muna sa isa sa mga businesses natin. Maybe you can find what's your forte." Napa-isip naman ako sa sinabi niya. I've been doing nothing since I dropped school, and I can't continue to be like this. Ayokong maging palamunin.

"Pwede naman po," pagsang-ayon ko. Nakita ko pa ang pagliwanag ng kaniyang mukha dahil sa sinabi ko.

"Nimrod, you should assist your sister," utos ni Nathan na ikinagulat ko. Magpo-protesta na sana ako pero inunahan na ako ni Nimrod.

"Dad! Why me? There's Noemi and Noraiah!" eksaheradang pagtututol ni Nimrod. "I don't want to babysit!" Dagdag pa niya na ikina-init ng taynga ko.

"Sige po. Payag po ako," pagsang-ayon ko kay Nathan. Napalingon silang lahat sa akin. Ngayon, ako naman ang tumingin nang masama kay Nimrod. May the best Mondragon win. Sabi ko pa sa utak ko habang tinititigan siya.

"It's settled then. You will start on. Monday," pagpapasya ni Nathan. Gusto kong belatan si Nimrod pero hindi ko iyon magagawa sa harap ng ibang tao. Nakakatawa kasi 'yung expression ng mukha niya na akala mo'y nalugi ng ilang beses.

"Suit yourselves!" Marahas na tumayo si Nimrod at saka umalis ng dining area. Umiling-iling lang si Nathan. Nagkanya-kanya na kaming balik sa aming kuwarto.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko alam kung tama ba 'yung pagpayag ko na magtrabaho, ang masama nu'n ay kay Nimrod pa.

Ilang beses na akong pagulong-gulong sa kama ko habang kinukuha ang posisyon ng pagtulog na komportable ako. Kaso, lumipas pa ang mga oras at minuto ay gising na gising ang diwa ko.

Napagpasyahan kong lumabas ng kuwarto upang uminom ng gatas. Ako na ang nagtimpla kahit na ipinagpipilitan ng mga kasambahay na sila na lang. Well, hindi naman ako baldado at kaya ko naman. Sa huli ay hinayaan lamang nila ako.

Lumabas ako sa patio at doon muna tumambay. Nagmumuni-muni ako nang may bumasag sa katahimikang nagugustuhan ko.

"Why are you here?" tanong ni Nathan. Umupo ito sa katapat ko.

"Nagpapahangin lang po," sagot ko. Namayani ang katahimikan sa amin dalawa.

"Ayokong pumunta sa party," basag ko sa katahimikan.

"You're the highlight of it. You should be there," pagtutol niya.

"Bakit ngayon pa?" tanong ko. Naguguluhan siyang nakatingin sa akin.

"What do you mean?" tanong din niya pabalik.

"Bakit ngayon mo lang kami hinanap? Bakit ako lang 'yung kinuha niyo? Paano naman ang mama ko?" sunod-sunod na tanong ko. Pilit kong hindi maluha ngunit huli na nang sunod-sunod din silang pumatak.

"Alam mo ba na dumating kami sa point na wala na kaming makain? Halos ipagtabuyan kami ng mga tao. At kahit isang tinapay o konting kanin man lang ay hindi nila kami binigyan. I'm almost dying." Nanghihina ako habang ikinukuwento ang mga pangyayari sa buhay namin ni mama.

Isinisi ko sa kaniya lahat ng paghihirap na narasan namin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong sumabog, lahat ng kinikimkim kong sakit at galit ay inilabas ko.

Medyo kumalma lang ako nang yakapin ako ni Nathan. "I'm very sorry, anak. I'm very sorry that you have to experience all of that. I'm sorry that you have to suffer."

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at deretsong tumitig sa mga mata niya. "Hinanap mo ba kami?" nagsusumamong tanong ko. Ngunit imbes na sumagot ay naiyak na rin siya.

Hindi ko lubos-maisip na darating kami sa puntong ganito.

"I am very sorry, anak pero hindi ko alam."

....

Author's note:

Awiieeee, nairaos ko na rin ang chapter na ito.

Tell me about the scenes in this story, lalo na sa last part. Sana naiyak kayo.

The Mondragon's Black SheepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon