Chapter 1

31 14 48
                                    


NIMFA'S POV

I composed myself before entering the University gate. Alam ko na kasi ang mangyayari pagpasok ko sa loob. Siguradong pagpi-piyestahan ako ng mga kapwa ko estudiyante. But, who cares. Hindi iyon ang inaalala ko, kun'di iyong pagkakaroon ko ng bad records for the nth time.

When I am satisfied with my physique, pumasok na ako sa loob. I grinned how people stop what they are doing to give an attention to me. Karamihan sa mga babae ay masama ang tingin sa akin, but for the boys? There's nothing but amusement.

Noong makarating ako sa building namin, I saw her. The woman I ruined, just last night. Dali-dali niya akong sinalubong at kaagad na sinampal ng pagkalakas-lakas. I even tasted my own blood, but that's the spice of it.

"Pinagkatiwalaan kita, Nimfa! Itinuring kita bilang totoong kaibigan, how could you do this to me?" She was raging in hatred that her face almost turned red. Pipigilan siya ng mga alipores niya na makalapit sa akin.

"Why Karl? Bakit boyfriend ko pa? Kating-kati ka na ba at hindi mo na napigilan ang libog mo na pati jowa ng kaibihan mo ay pinatulan mo?" Sigaw niya pa.

Lumapit ako sa kaniya. "Who said you're my friend? I only approached you for the reason that you're very beneficial for me. And for the record, hindi naman masarap ang jowa mo."

Nagpumiglas ulit siya sa pagkakahawak ng kaniyang mga kaibigan. Nang makawala ito ay kaagad niya akong sinabunutan. Hindi naman ako nagpatalo at gumanti rin ako.

I scratched my long nails on her scalp that made her agonize. Nabitawan niya bahagya ang buhok ko kaya ginamit kong pagkakataon iyon para makawala sa kaniya. I slapped her hard that made everyone grasped.

"Nimfa Gaile Mondragon!"

Nahawi ang kumpulan ng mga tao nang magsimulang maglakad si Nimrod, ang kuya kong professor sa paaralang ito.

"What is it this time?" Kalmang tanong niya ngunit alam kong gustong-gusto na niya akong kaladkarin palabas ng paaralan dahil kahihiyan.

"Well, it's my fault. Now, bring me to your dad, and got me spelled. I'm sick of this school." Walang ganang sabi ko. Kumuyom ang kamao nito habang tinitingnan ako ng masama.

"Kulang ka ba sa aruga o talagang papansin ka lang? Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo?" Out of the blue ay sabi ni Nimrod. Gulat akong nakatitig sa kaniya. Noong makita niya akong hindi nagsasalita ay tila ba natauhan ito.

"Go to class, everyone." Bigla ay anunsiyo niya at akmang tatalikod na sana nang magsalita ako.

"Huwag na huwag mong babanggitin ang nanay ko dahil wala kang karapatan. Pinalaki ako ng maayos ng mama ko, pero kayo! Anong ginawa niyo?" Mahina kong sabi ngunit sinisiguro kong puno ng galit iyon.

Hindi na nakapagsalita si Nimrod at tuluyan na siyang naglakad papalayo.

Sinisiguro kong pagkatapos ng araw na ito ay mapapa-alis na ako sa impyernong ito.

...

Hindi ko pinasukan ang mga klase ko. Lumayas kaagad ako ng university pagkatapos ng mga eksena. I am desperate to meet my mama again. Kaya ginagawa ko ang lahat para mapahiya ang pamilyang Mondragon.

Kung hindi dahil sa kanila ay hindi ako mapapalayo sa mama ko. Mas okay nang maghirap ako at magutom kasama ang taong totoong nagmamahal sa akin kaysa ang mabuhay ng marangya ngunit hindi naman ako masaya.

I don't know the story, but I just found myself waking up in a luxurious bed three months ago Wala silang sinabi o ipinaliwanag sa akin. Basta na lang nila pinalitan ang apilyedo ko at ang buo kong pagkatao.

I've been doing things to make the Mondragon give up on me, but they never kicked me out of the house. Gusto ko nang bumalik sa mama ko.

I've checked the time on my wrist watch. It was already six in the evening and I am sure that they are already looking for me. Well, ano bang pakialam ko sa kanila?

Lumabas ako sa net shop na pinagtatambayan ko pagkatapos kong magbayad. Dahil kaibigan ko na ang nagbabantay roon ay pinapayagan niya ako tumambay maghapon.

Maglalakad na sana ako nang may tumawag sa akin.

"Miss, your father is waiting for at Finyin Hotel." Sinamaan ko kaagad ng tingin iyong lalaki. Nakayuko ito habang hawak ang pinto ng limousine.

Huminga ako nang malalim bago naglakad papalapit sa sasakyan at pumasok dito.

Nagulantang pa ako nang makitang naka-upo si Noeme sa loob. Isa siya sa mga ate ko.

Pinasadahan niya lang ako ng tingin bago ibinalik ang atensiyon sa laptop. Tahimik lang kami habang binabaybay ang pagkalayo-layong lugar kung nasaan ang tatay nila.

"Hindi mo ba gustong mabilang sa pamilya namin?" Noeme asked. Nagulantang ako ng bigla itong nagsalita.

Lima ang anak ni Mondragon, maika-anim ako, pero hindi ko ibinibilang ang sarili ko sa kanila. At si Noime ang pangalawa sa mga magkakapatid.

Hindi ko siya sinagot. Iniiwas ko na lang din ang tingin ko sa kaniya.

"You know, everyone was excited when we learned that you will be coming in our life. Nike is already in his master's degree and kadalasan ay wala siya sa bahay. I've been wanting to have a baby sister." Si Nike ang panglima sa magkakapatid. Kasalukuyan itong nasa ibang bansa upang doon tapusin ang pag-aaral niya.

"We may not show it Gaile but we care for you, especially Nimrod. He may scold you most of the time, but he's glad that you are in our family." Paliwanag niya pa.

"When did you become talkative?" Hindi ko namamalayang naibulalas ko. Gulat akong nakatingin sa kaniya habang hinihintay na pagalitan ako. Ngunit nagkibit-balikat lang ito.

"I don't know, maybe because you're so quiet and I don't like it?" Hindi siguradong sabi niya. Hindi na lang ako umimik hanggang sa marating namin ang hotel.

Sumusunod lang ako kay Noemi dahil hindi ko alam kung nasaan ang tatay nila.

Sana pagkatapos ng araw na ito ay makabalik na ako sa dati kong buhay, noong masaya kaming magkasama ni mama.

Nang makarating kami sa private room ng hotel, naroon ang lahat maliban kay Nike. Nakapalibot ang lahat sa isang round table. Naabutan namin silang nag-uusap tungkol sa trabaho ng bawat isa.

Tumayo ang lahat nang makita kami. Pumunta naman kami ni ate sa kaniya-kaniya naming upuan. Uupo na sana ako nang tawagin ako ni Nathan, ang tatay nila.

"Dito ka sa tabi ko Gaile. Nimrod, lumipat ka muna ng upuan," utos noong matanda na kaagad naman naming sinunod.

"Kumain muna tayo bago natin pag-usapan ang mga bagay-bagay." Sabi ni Nathan. Inutusan nito ang mga staff ng hotel para ihain na ang mga pagkain.

Mukhang hindi ko makuhang lunukin ng maayos ang pagkain ko.

The Mondragon's Black SheepOù les histoires vivent. Découvrez maintenant