Chapter 8

11 2 7
                                    


"I want to go back to school pero ayokong mag-aral dito." sabi ko.

"Why? Ayaw mo ba kaming makasama?"

"Gustong-gusto ko po kayong makasama pero sa tingin ko ay hindi ako makakapag-aral ng maayos kung dito ako sa siyudad mag-aaral. You know me, I'm stubborn," paliwanag ko. I'm sick of city life. I want to breathe fresh air this time.

"Okay then. If that's what you really want. What about sending you to your grandparents? I'm sure you'll love there," pagpapasya ni Nathan.

Medyo nangamba ako dahil hindi ko kilala ang lolo at lola ko sa father's side. Paano kung hindi nila ako magustohan? Likas pa naman akong sutil.

"Don't worry princess, they already knew about you. Excited na rin silang makita ka," sabi ni Nathan na akala mo ay nababasa ang nasa isipan ko.

"It's late. You should go to bed." Tumayo na si Nathan. Sumunod din ako.

"Good night, princess," usal niya.

"Good night, daddy," sagot ko.

Napabuntong-hininga ako nang malalim. Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin sa piling ng lolo at lola ko, pero alam kong hindi nila ako pababayaan.

Pagkalipas ng ilang araw ay kailangan nang bumalik ni Nike sa ibang bansa. Ngayong taon din matatapos na niya ang kaniyang Masters Degree.

"Here," abot niya sa akin ng isang kahon. Nakabalot pa iyon sa gift wrapper kaya hindi ko kaagad mabubuksan.

"Mag-aral kang mabuti ha?" payo niya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. So, this is how it feels to have a caring brother? I'm lucky to have them.

"Mag-iingat ka kuya," sabi ko. Tumingin siya kay Nathan at kay Nimrod na nasa likuran ko. He nodded and the he left.

"Gaile, sumabay ka muna sa Kuya Nimrod mo. May urgent meeting ako ngayon," nagmamadaling bilin ni Nathan. Hindi pa man ako nagsasalita ya umalis na ito.

Parang gusto ko na lang mag-commute. Ayoko siyang makasama.

Walang sabi-sabi itong lumabas ng Airport kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Ang sama talaga ng ugali niya!

Nauna na rin itong sumakay sa sasakyan niya nang hindi man lang ako hinintay. Sukdulan ng sama ng ugali!

Binuksan ko ang pintuan sa backseat at papasok na sana ako nang magsalita niya.

"I'm not your driver, Nimfa. Take the front seat," utos niya. Napasimangot ako. Hindi niya ba kayang magsalita nang maayos? Ano kayang problema nito sa akin? Kahit nayayamot ay sumunod na lang ako kesa makipag-away pa sa kaniya.

Nang maka-upo ako ng maayos ay inilagay ko ang earphones ko. Mas mabuting makinig na lang ng music kesa ang hininga niyang napakasama. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman kong hindi na umaandar ang sasakyan. Kinusot ko muna ang mga mata ko saka inalis ang seatbelt at lumabas. Mukhang nasa basement parking kami dahil sa mga sasakyan sa paligid.

Nakita kong nakatayo si Nimrod sa hindi kalayuan at mukhang may kinakausap sa phone niya. Lumapit ako ng konti sa kinaroroonan niya.

"Don't worry dad. We'll be home before the sun rises tomorrow." Iyon lang narinig kong sabi niya at saka niya ibinaba ang tawag at humarap sa akin.

"We'll be staying here for the night," sabi niya at saka tinungo ang sasakyan niya. Kinuha niya mula sa backseat ang kaniyang backpack.

"Bakit?" tanong ko.

"I can't drive," iyon lang sagot niya at saka nagsimulang maglakad. As usual, wala na naman akong nagawa kung hindi ang sumunod lamang.

Pumasok kami sa elevator. Nang makarating kami sa lobby at dumeretso si Nimrod sa front desk. Nakasunod lang ako sa kaniya.

"Two rooms," maikling usal niya. Tinanggap naman nu'ng staff 'yung card na iniaabot sa kniya.

"Sir, we have available Deluxe Room for couples. You and your girlfriend might want to try." Kumunot ang noo ko sa sinabi nu'ng staff. Malapad pa ang ngiti nitong nakatingin sa akin. Sasabat na sana ako nang maunahan ako ni Nimrod.

"Then do you want to stay with me in that room?" Namula ang mukha nu'ng babae. "It would be my pleasure if you agree."

Gulat akong nakatingin kay Nimrod. Hindi ko alam na mayroon pala siyang side na ganito. Flirtatious.

"Sir, huwag naman po sana kayong bastos!" singhal nu'ng babae sa kaniya. Pinipigilan pa siya ng kasama niya.

"Then before you assume, ask. I would never be in that room with my sister. You stupidly offered it to me. Poor customer service. Fire her!"

"At sino ka naman para sisantehin ako? Kung umasta ka naman parang sa iyo itong hotel!" Nag-aalburoto na 'yung babae. Nagtataka nga rin ako kung bakit ganito umasta si Nimrod. Pero nu'ng bakita ko 'yung logo ng Mondragon sa uniform nila ay naiintindihan ko na.

"Dumb," bulong ko.

"Sir Nimrod!" Napatingin ako sa lalaking tumawag kay Nimrod.

"Marvin, is this how you train your staffs?" seryosong tanong ni Nimrod sa tinawag niyang Marvin. Tumitig siya sa babaeng sumagot-sagot kay Nimrod.

"I apologize for her misconduct, Sir Nimrod. Tuturuan ko po siyang mabuti," halos lumuhod na pagmamakaawa ni Marvin.

"No need. Just fire her," matigas na sabi ni Nimrod.

"Parang awa mo na, Sir. Aayusin ko na po ang trabaho ko. Hinding-hindi na po mauulit," umiiyak na usal nu'ng babae. Lumapit si Nimrod sa kaniya.

"If you really want me to forgive you. Book that suite for the two of us. Hihintayin kita . Kapag hindi ka dumating, alam mo na ang mangyayari sa iyo." What is he planning to do? Bakit parang natatakot ako para sa babae?

Inasikaso naman kaagad ng mga staff 'yung kailangan namin.

"Here's your room key. Huwag na huwag kang lalabas. Ipapahatid ko na lang ang mga kakailanganin mo doon," utos sa akin ni Nimrod.

Nauna na akong umakyat. Sa 7th floor ang room ko. Nilibot ko muna ang buong room nang makapasok na ako. At dahil nalalagkitan ako sa sarili ko ay naligo na lang ako. Lalabhan ko na lang ang mga underwear ko at ibo-blower para matuyo.

Habang nagbo-blower ako ay may kumatok sa pinto. Sumilip muna ako sa peephole upang tingnan kung sino iyon nang si Nimrod ang nakita ko ay binuksan ko ang pintuan.

Gulat itong nakatingin sa akin kaya napakunot-noo ako.

"Bakit?" tanong ko pero nanatili lang siyang nakatulala. Nang mapagtanto ko kung bakit ay kaagad kong isinara ang pinto.

Bakit nakalimutan kong naka-robe lang ako at ang nipis pa! Nakakahiya!

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito.

'Your necessities are in the paper bag. I left it outside your room.'

Tinext ako ni Nimrod. Pero bakit hindi niya na lang kasi ini-abot sa akin kanina? Binuksan ko na lang ulit ang pintuan at saka kinuha ang paper bag.

<<>><<>><<>>

Hindi ko nagugustuhan ang takobo ng utak ko mga maree haha.

Incest is waving na ba? 😆

The Mondragon's Black SheepWhere stories live. Discover now