Chapter 4

16 7 13
                                    


NIMFA'S POV

"I'm very sorry, anak pero hindi ko alam." I was dumbfounded. Anong hindi niya alam?

"Hindi ko alam na may anak pala kami ni Grace. Magmula nu'ng nag-resign siya ay wala na akong balita sa kaniya. Hanggang siya na mismo ang nagpakita sa akin, telling me that I had a kid with her. I wasn't sure at first kaya nagpa-DNA test ako, and it turned out that you are really my daughter."

"Pero bakit ako lang 'yung kinuha niyo?" tanong ko pa.

"I don't want you to hate your mother, but she gave you to us in exchange of money," sagot niya na hindi ko alam kuna paniniwalaan ko ba o hindi. Bakit naman iyon gagawin sa akin ng sarili kong ina?

"Kailangan ko munang makausap ang mama ko," sabi ko na lang at saka siya iniwanan doon.

I went back to what I was when I first came here: aloof, and want to be alone. Magmula nu'ng nagkausap kami ni Nathan ay hindi na ako lumabas ng kuwarto ko. Pinapadalhan na lang nila ako ng pagkain.

It's two days before the century party, pero mukhang hindi talaga ako makakapunta. Kahit pa sinabi ni Nathan na hindi niya alam na may anak siya kay mama, hindi ko iyon madaling paniwalaan. Kailangan ko munang makausap ang mama ko.

I heard a knock from my door.

"Gaile, can I talk to you for a moment?" Napabuntong-hininga ako. As much as possible, ayoko munang makausap si Nathan. Hindi ko kasi alam kung paano siya haharapin.

"Please," pakiusap niya. Wala akong nagawa kun'di ang pagbuksan siya. Inaya ko siya sa loob ng kuwarto ko upang doon kami mag-usap.

"I've contacted your mother. She is already in her flight. She'll be back tomorrow evening. Tatawagan ka niya kung nakarating na siya," pag-iinporma nito sa akin.

"Talaga? Makikita ko na ang mama ko?" Excited kong tanong. Tumango naman ito. Tila ba nawala lahat ng sakit na naramdaman ko nang mawalay ako sa kaniya, at napalitan iyon ng saya.

'Ang bagal ng oras', bulong ko sa sarili ko. I've been staring at the wall clock in my room from time to time. It's already 5:00 PM. Lumipas pa ang dalawang oras na wala pa akong tawag na natatanggap. I'm losing my hope. Baka pinapaasa lang ako ni Nathan.

Naalimpungatan ako dahil sa mahihinang tapik sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. It must be a dream. Nakita ko si mama, nakaupo siya sa harapan ko.

"Mama?" tawag ko sa kaniya at saka siya niyakap ng napakahigpit. Kung panaginip man ito ay ayaw ko nang magising.

"I've been calling you after I arrived, but you didn't picked my calls kaya pinuntahan na lang kita," sabi niya sa akin.

"Mama, is this real?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo, anak. Nandito na ako," maluha-luhang sagot ni mama. Hindi ko napigilang mapahagulhul.

"I miss you so much mama. Isama mo na ako," pagsusumamo ko. Ngunit hindi sumagot si mama. Patuloy lang siya sa paghaplos sa likod ko. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Mama ayoko na dito. Isama mo na ako," pakiusap ko.

"Anak, may aaminin ako sa iyo," pag-iiwas ni mama sa tanong ko.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit galing ako sa ibang bansa?" panimula niya. Ni minsan ay hindi iyon pumasok sa isip ko.

"May nakilala akong lalaki sa dating pinagta-trabahuan ko. Pinangako niya sa akin ang marangyang pamumuhay, ngunit..." huminto si mama. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ayokong pakinggan ang susunod niyang sasabihin.

"Ngunit hindi ka kasama sa plano niya," napaiyak si mama nang sabihin niya iyon. Hindi ako makapaniwala.

"At kinaya mo akong iniwan dahil lang diyan sa karangyaan na iyan?" deretsahang tanong ko. Umiling si mama.

"Hindi ko sinasadya anak. Nabulag ako ng pera." Excuses! Hindi ko alam na magbabago nang ganito ang mama ko. Nasasaktan ako dahil nagawa niya akong iwan, ngunit mas masakit palang makitang ganito ang mama ko. She's the lovely person I have ever met.

"Mama, you should have told me everything. Maiintindihan naman kita. If that man doesn't want me then so be it. Ibibigay ko ang kaligayahan mo. Pero bakit mo ako ibinenta? At sa sarili ko pang ama! Bakit hindi mo na lang ako ibinigay?" Hindi ko inakalang masisigawan ko nang ganito ang sarili kong ina, the woman I loved the most.

Sinubukan niya pa akong hawakan pero lumayo ako sa kaniya. Her touch, and her presence are what I'm longing the most. Akala ko gumagawa siya nang paraan upang makita ako. Akala ko nami-miss niya rin ako.

"I'm very sorry, anak. Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya." Sinubukan pa niyang lumapit ulit ngunit lumayo na ako.

"Ma', I'm giving you all the freedom you want. Masaya ka naman siguro sa kaniya hindi ba? Ngayon, pinapalaya na kita. Kalimutan mo na lang na may anak ka." I left my room.

Paglabas ko ng kuwarto ko ay nakita ko silang malungkot. Noraiah's even crying too. Pero nilagpasan ko lang sila. Susundan pa sana ako ni Nike nang pigilan ko siya.

"Gusto kong mapag-isa," malamig na usal ko.

"Then you should take this." Ini-abot sa kin ni Nimrod ang jacket na suot niya. Kaagad ako iyong kinuha at saka lumabas ng bahay.

I don't know where to go. Hindi naman ako pamilyar sa lugar na ito. Naglakad na lang ako nang naglakad hanggang mamalayan kong nasa isang iskinita na ako. Luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko matandaan kung saan ako pumasok.

Naglakad na ako pabalik sa kung sa tingin ko ay saan ako nanggaling, ngunit sa kasamaang palad ay may makakasalubong akong dalawang lasing.

"Uy p're! Chicks oh," turo sa akin ng isa sa kanila. Halos papikit na tumingin sa akin 'yung isa.

"Oo nga, no. Kung sinu-swerte ka nga naman." Ngumisi sa akin 'yung matabang lalaki. Pasuray-suray pa itong lumapit sa akin. Hahawakan niya na sana ako sa balikat nang umatras ako.

"Pare! Pumapalag oh," usal nu'ng kasama niyang malaki 'yung tiyan saka sila nagsi-halakhakan.

"Naliligaw ka yata, miss. Ihahatid ka na namin," makahulugang usal nu'ng mataba at saka sila dahan-dahang lumapit sa akin.

Tatakbo na sana ako nang wala nang ibang daanan. Dead end na. Halos maiyak ako habang ini-imagine ang kahahantungan ko sa dalawang lalaking ito.

"Miss, huwag ka nang papalag. Alam ko namang magugustuhan mo ang gagawin natin ngayong gabi," mala-demonyong usal nu'ng malaki ang tiyan. Ilang dipa na lang ang layo nila sa akin ay halos matumba na ako sa kintatayuan ko.

Sana hindi na lang ako lumabas. Sana hinayaan ko na lang si Nike na sundan ako.

Nakapikit akong napasandal sa pader habang nagdarasal na sana ay may magligtas sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas ngunit hindi ko maramdaman ang presensiya nu'ng dalawang lasing. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko na sana ay hindi ko na lang pala ginawa.

...

New character/s? Ano ang role nila sa story na ito?

The Mondragon's Black SheepWhere stories live. Discover now