Chapter 2

20 10 44
                                    


NIMFA'S POV

"Alam mo naman siguro ang ginawa mo sa university kanina, hindi ba?" Panimula ni Nathan. Hindi ako sumagot.

"Maybe, we failed to teach you, iha. That's why we are sending you to your grandparents." Napatayo ako dahil sa desisyong binitawan ni Nathan.

"Ibalik niyo na lang ako sa mama ko. Okay lang ako kahit maghirap ako sa piling niya basta kasama ko siya. Sobrang nami-miss ko na ang mama ko." Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay pinagpasa-pasahan ako.

"Hindi maaari." Tutol ni Nathan.

Tumingin ako ng masama sa kaniya. "Paanong hindi? Pwersahan niniyo akong kinuha sa kaniya. Ngayong ilalayo niyo ako, baka pwede namang ibalik niyo na lang ako." Matigas na sabi kom

Marahas na napatayo si Nimrod. "Para sabihin ko sa'yo, ibinenta ka niya sa amin!"

"Nimrod!" Sigaw nilang lahat. Mula sa galit niyang expression ay lumambot ito. I don't know what to think. Naguguluhan ako. Bakit ako ibebenta ng sarili kong ina?

"Ibenenta? Sa tingin niyo maniniwala ako sa inyo? Mahal na mahal ako ng mama ko at hindi niya magagawa iyon.

"She was begging." Napatingin ako kay Nathan.

"Sinabi niya na hindi niya maaatim na isama ka sa bagong pamilya niya. Your mother was married to someone else. She doesn't want to hurt you kaya ka niya ibinigay sa amin." He explained.

"Kahit kailan ay hindi ako maniniwala sa inyo," pagtatapos ko ng usapan.

Hindi ko na tinapos ang pagkain ko. Nauna na akong lumabas ng hotel. Sinubukan pa nila akong pigilan ngunit ayoko na sila makasama sa iisang kuwarto. I feel like I am suffocating whenever I'm with them.

Umuwi ako mag-isa. Hindi ko alam kung bakit pa ako nananatili sa tahanang ito. The truth is, kahit lumayas ako. Wala rin akong mapupuntahan. Ang layo ng Baguio dito.

...

Pagkatapos ng kaguluhang ginawa ko sa university ay wala nang nagawa si Nathan kun'di ang i drop-out ako. Hindi ko na rin naman papasukan ang klase ko kahit na hindi nila ginawa iyon.

I have been idling, whole day, whole night. Wala naman akong gagawin dito sa bahay, may mga katulong sila sa mga gawain.

Hindi rin nila ako pinagbabawalan na lumabas. It's been months and my life circulated from home, to the computer shop and vice versa.

Hindi naman ako pamilyar sa mga pasyalan dito kaya hindi ako masyadong nagliliwaliw. Nathan is giving me an allowance every week. Hindi ko nga alam kung bakit pa niya ako binibigyan eh hindi naman na ako pumapasok.

Pagkauwi ko galing sa computer shop, walang lingon-lingon akong pumasok sa kuwarto ko. Naligo muna ako at saka nag-ayos ng mga kalat ko kaninang umaga.

I decided to sleep. Hindi naman na ako kumakain tuwing gabi dahil alam kong kompleto sila. Ayokong makita si Nimrod dahil alam kong wala siyang magandang maidudulot sa buhay ko. Sa pagmumukha pa lang niya ay sira na ang araw ko.

Hindi pa man ako nakakapikit ay may kumatok sa pinto ko. I have no choice, but to open it, hindi ko naman 'to bahay para magmatigas.

"Can you join us for dinner?" Bungad na tanong ni Ate Noeme pagkabukas ko ng pintuan. I just started at her, trying to contemplate what to answer. "Kumain na ako ate," palusot ko.

"Dad bought a cake. It's your birthday."

I was stunned for a moment. Kung hindi pa sinabi ni Ate Noemi ay hindi ko maalalang kaarawan ko nga pala ngayon. Kaya pala atat akong lumabas kanina.

I remembered my mom. Tuwing kaarawan ko ay palagi kaming lumalabas ni mama. Kahit wala kaming pera basta masaya kaming magkasama ay okay lang sa akin. At pagkatapos naming mapagod sa kakalakad ay bibili si mama ng isang tinapay na paghahatian namin pagkatapos niya akong kantahan. Ever since I was a kid, I never wanted anything that we couldn't afford. Kahit kailan man ay hindi ako humingi ng kahit na anong bagay sa kaniya dahil naiintindihan ko 'yung kalagayan namin.

"Pwedeng bukas na lang ate? Inaantok na kasi ako," palusot ko. Ngumiti lang sa akin si Noemi.

"Tomorrow then, I will wake you up for breakfast," usal niya at saka ako iniwanan. Isinara kong muli ang aking pintuan at saka bumalik sa aking kama.

I wandered my thoughts for a couple of hours thinking and imagining things, until I didn't noticed that I fell asleep.

...

Nagising ako sa mga katok mula sa aking pinto. Kahit tinatamad ay pinilit ko pa ring bumangon upang pagbuksan kung sino man ang kumakatok.

"Good morning!" Masiglang bati sa akin ng kung sino man. Hinawi ko ang mga buhok ko na tumatakip sa mukha ko.

"Sino ka?" Inaantok pang tanong ko. Hindi ko kasi siya kilala, at ngayon ko lang siya nakita.

"I'm Nike! Your little older brother!" Masigla pa rin niyang anunsiyo. Pinasadahan ko siya ng tingin, mula ulo hanggang paa. In fairness, ang pogi niya. Mas guwapo siyang tignan kaysa kay Nimrod.

"Kain na daw," anyaya nito.

"Sige, sunod ako," sabi ko at saka isinara ang pintuan. Naghilamos ay nag-mouthwash ako. Inayos ko muna ng konti ang sarili ko saka lumabas at tumungo sa dining area.

Napakagat-labi ako nang makitang kompleto ang magkakapatid. Madalas ay si Nimrod at si Ate Noemi lang ang nakikita ko sa bahay. Si Ate Noraiaj at ang kambal nitong si Norsius ay sumusulpot lang kung may family dinner o mga okasyon.

"Have a seat," Nathan invited me. 'Yung sa katabing upuan lang niya ang bakante kaya no choice, doon na ako umupo at katabi ko si Nike.

Aksidenteng nagawi ang mga mata ko kay Nimrod na ang sama ng tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay na siyang ikinunot ng kaniyang noo.

Muntik na nga akong matawa dahil nagmumukha na siyang mas matanda kaysa sa tatay nila kapag ginagawa niya iyon.

The feast have started. Ang dami-daming pagkain ang inihain na akala mo ay buong barangay ang makikikain. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang mama ko. Nakakakain kaya siya ng maayos?

"By the way Gaile, you should come with us later to choose your dress." Narinig ko ang pangalan ko kaya napatingin ako sa kanila.

"Huh?" Tanong ko na walang kaalam-alam kung ano ang nangyayari.

"Our family will be holding the Century party two weeks from now. You should come with us," pagpapaliwanag ni Noraiah.

"Can I not come?" Alanganing tanong ko. Alam ko naman kasi na maa-out of place ako.

"No. We will be officially introducing you as a part of our family. You're the highlight of the party," pagtutol ni Nathan. Hindi na lang ako umimik. What's the point, hindi ba? Wala rin naman akong magagawa.

The Mondragon's Black SheepWhere stories live. Discover now