Chapter 7

8 2 7
                                    

I've been staring at the dress for almost an hour. Limang oras na lang ay magsisimula na ang Century Party ng mga Mondragon.

Nathan told me that if I am not ready to show myself to their world, then they will not force me. Pero heto ako ngayon, namimili sa dalawang bagay na parehong  hindi ko gusto: ang pumunta o hindi pumunta. Parang unti-unti ko na rin kasing natatanggap na isa na akong Mondragon ngayon.

As usual, nagkulong ako mula noong makabalik ako hanggang ngayon. Kinamusta lang ako ni Nathan kanina at doon na rin niya sinabi na hindi nila ako kailanman pipilitin sa mga bagay na ayaw kong gawin. Ngayon ko lang na realize na simula noong una ay naging mabait sila sa akin.

My hatred right now is subsiding, and that I realized that they never forsaken me. Inilalapit nila 'yung sarili nila pero ako itong lumalayo. Minamahal nila ako pero ako itong sarado na ang puso para mahalin sila pabalik. But now, I think I am ready. I'm ready to be a Mondragon.

After 5 hours...

Tahimik lang akong nakatayo sa gilid habang ino-obserba ang kilos ng mga Mondragon. Mabuti na lang ay Masquerade Party ang naisipan nilang theme, kung hindi ay hindi ako makakapagtago ng ganito.

Sumunod ako kay Nathan nang lumapit ito sa emcee. Tumayo ako sa kung saan ay makikita at maririnig ko ang pag-uusapan nila.

"Sir, it's almost time with the highlight of this party," the emcee informed Nathan.

"Let's cancel that segment. Let's change it for my speech since my daughter can't attend the party today." Tumango lang ang emcee. Hinintay ko munang lumayo si Nathan saka ako lumapit sa emcee.

"We will proceed as planned," bulong ko at saka lumayo. I tried to mingle in the crowd. Parati lang akong nakasunod sa mga Mondragon at nakikinig sa mga pinag-uusapan nila. And thirty minutes before the highlight of the party ay pumunta na ako sa back stage.

"Are you sure about this, Nimfa?" Jordan asked. Siya 'yung emcee ngayong gabi. Nakilala ko siya sa computer shop na palagi kong pinupuntahan, at siya rin ang may ari nu'n.

"Very much," sagot ko. I know that my life will change, the moment na maipakilala na ako bilang parte ng Pamilyang Mondragon, pero handa na akong harapin ang lahat ng iyon.

Lumabas na si Jordan para paghandaan ang plano namin. It's not easy for him, at mas lalong hindi rin madali para sa akin.

I've waited for a couple of minutes before Jordan's announcement.

"Ladies and gentlemen, before we continue to rock the dance floor, let's give it a chance to welcome a very important guest this evening!"

The crowd went silent. Kahit isang palakpak man lang ay wala akong narinig. Sumilip ako sa labas at nakita kong kinokompronta ni Nathan si Jordan. I heaved a heavy sigh before exposing myself in the crowd of renowned business tycoons.

Gulat na nakatingin sa akin si Nathan at mga kapatid ko habang puno naman ng katanungan ang reaksiyon ng mga bisita. Hindi ko mapigilang mapakagat-labi dahil sa kaba.

"Good evening everyone," bati ko. I'm very thankful that I didn't stutter. That would be very embarrassing.

"Before I'll introduce myself, let me first tell you a story. Four months ago, I woke up in an unfamiliar room. It was different from what I have before. The room is filled with things that I couldn't afford before. I even have the most expensive chandelier hanging in my room. It was my dream room and being in a wealthy family was my dream life." Huminto muna ako saglit upang tingnan ang mga Mondragon. That proud look from Nathan hits me. Lahat sila ay nakangiti sa akin at hindi ko mapigilang mapangiti rin.

"All of a sudden, I wast lost. I felt like I never belonged in that kind of life. I rebelled, I have done everything just to disappoint them. I didn't even realized that I'm growing fond of them. That to the deepest of my heart, I accepted them as my family."

"I would like to take this opportunity to apologize to all the things I've done," tumitig ako kay Nathan. "I know that you've been trying your best. I know that it's not your fault, but I blamed you. Daddy... I'm so sorry." Pagkasabi ko nu'n ay para akong nakawala sa lubid na matagal nang nakatali sa akin. I can now breathe normally.

"Before I forgot to introduce myself, I am Nimfa Gaile Mondragon. Thank you everyone." Bumaba na ako ng stage at dumeretso sa kinatatayuan ni Nathan, or should I say daddy?

I smiled at him genuinely and I hugged him. I felt like I am reunited to something I have lost the moment I did that.

"I'm speechless," iyon lang sabi ni daddy na tinawanan namin ng mga kapatid ko.

Matapos kaming mahimasmasan sa kadramahang ginawa ko ay proud akong ipinakilala ng daddy ko sa mga business partners niya.  Napansin kong wala si Nimrod dito pero binalewala ko na lang. Hindi naman siya importante.

The party ended at 12 midnight. Hinintay muna naming maka-uwi ang aming mga bisita saka rin kami umuwi. Sumabay na ako kay Nike dahil kanya-kanya silang dala ng sasakyan.

Mas na una kaming nakarating sa bahay. Dumeretso na ako sa kuwarto ko kasi ramdam ko talaga ang pagod. Ilang oras din akong nakatayo at palakad-lakad kanina.

Nang makaligo na ako ay matutulog na sana ako nang makarinig ako ng katok mula sa pinto ko. Nang buksan ko iyon ay nakatayo roon si Nathan na may dala-dalang gatas.

"May I come in?" usal niya. Nilawakan ko ang pagkakabukas ng pintuan at saka naunang naglakad patungo sa sofa. Nang makaupo kami ay ini-abot niya sa akin 'yung gatas.

"Drink this. I know you're tired," nakangiting sabi niya. Tinanggap ko naman iyon at saka uminom.

"Uh... I want to say thank you," he sincerely said, "And I am sorry for all you've been through."

Niyakap ko na lang siya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"May hihilingin po sana ako," sabi nang kumalas ako sa yakapan namin.

"Yes. Tell me everything you want and need. Babawi ako sa iyo." Napangiti naman ako sa sinabi ni Nathan.

"I want go back to school."

<<>><<>><<>>

Nimfa will address Nathan at Nathan, until she can completely call him daddy.

Na miss ko si Nimrod haha.

The Mondragon's Black SheepWhere stories live. Discover now