Chapter 5

12 5 9
                                    

Halos magkadikit ang mukha namin, at sa isang maling galaw lang ay mahahalikan na namin ang isa't isa. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mga mata niya. It's like it's hypnotizing my whole sanity.

"Ang ganda ng mga mata mo," wala sa sariling usal ko. Ngunit kaagad itong lumayo sa akin.

"Hindi ka taga-rito?" tanong niya habang pinapagpag ang damit.

"Saan ka nakatira?" dagdag na tanong niya nang hindi ako sumagot.

"Villa Gracia," sagot ko. Bigla itong napatingin sa akin. Nakita ko pa sa mukha niya ang isang emosyon na hindi ko mapangalanan, ngunit kaagad naman itong nawala.

"Mayaman ka siguro 'no," kaswal na usal niya. Nagsimula na siyang maglakad.

"Sila lang," sagot ko habang sinusundan siya. Huminto siya at humarap sa akin. Naglakad pa ito papalapit.

"Bakit mo ako sinusundan?" tanong niya. Hindi ko maintindihan ngunit parang ang sexy ng pagkakatanong niya. Uminit ang pisngi ko. Mabuti na lang at madilim kaya hindi niya siguro mapapansin.

"Hindi ko na alam kung saan ako pumasok," nahihiyang usal ko.

"Ang lakas ng loob mong gumala ng ganitong oras," pangangaral niya sa akin. Yumuko na lang ako. Nagsimula na siyang naglakad. Tahimik ko lang siyang sinusundan.

Pagkaraan ng ilang minutong paglalakad ay nakarating kami sa hindi pamilyar na lugar. Napahinto ako dahil may mga alaalang nagbabalik sa akin.

Ganito ang lugar kung saan kami nakatira ni mama dati. Madumi ang kapaligiran at maraming basura ang nagkalat sa paligid. Mga magkakadikit na bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping mga sirang yero. Nagkalat sa paligid ang mga mababahong kanal.

"Huwag kang hihiwalay sa akin kung ayaw mong mapahamak ulit."

Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan nang hilahin ako ng lalaking nagligtas sa akin kanina. Ilang mga kabahayan pa ang dinaanan namin bago kami huminto sa isang barong-barong na bahay. Kung titingnan ay iyon na ang pinakamalaking bahay dahil sa tingin ko ay dalawang palapag iyon.

Sumunod ako sa lalaki papasok ng bahay. Namangha ako dahil sa kalinisan nito, taliwas sa makikita sa labas.

"Umupo ka muna," anyaya sa akin ng lalaki habang nakaturo sa halos pasira ng sofa. Alangin akong nakatingin doon.

"Huwag kang mag-alala, matibay iyan," nakangising usal niya. Kahit hindi ako sigurado kung nagsasabi siya ng totoo ay umupo ako roon. Tumungo siya sa maliit nilang kusina at saka inilapag ang hawak niyang dalawang paper bag, ni hindi ko napansin na may dala pala siya kanina.

"Kumain ka na ba?" tanong nito. Tumango naman ako bilang sagot.

"Mabuti naman. Kukulangin itong pagkain na dala ko," kaswal na usal niya. Inilabas niya mula sa paper bag ang tig-kalahating supot ng pansit at Pan de Sal.

Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya. Napangiti ako ng mapait. Nakikita ko si mama sa kaniya, 'yung pilit niyang pinagkakasya ang pagkain para sa aming dalawa.

Pagkatapos hatiin ng lalaki sa dalawa ang pagkain ay umakyat ito sa ikalawang palapag ng bahay. Pagkababa niya ay may kasama siyang dalawang bata. Karga nito ang isa, habang ang dalagita ay nakasunod sa kanila.

"Pasensiya na at ngayon lang naka-uwi ang kuya," sabi ng lalaki sa batang babaeng karga niya.

"Okay lang kuya. Dumaan naman si Ate Kaykay kanina. Binigyan niya kami ng tinapay," usal nu'ng batang karga niya.

"Binayaran mo ba 'yung tinapay?" tanong niya sa dalagita, sa tingin ko ay nasa sampung gulang na ito.

"Hindi kuya. Hindi naman po niya pinabayad," sagot nu'ng dalagita.

"Nagpasalamat ba kayo?" tanong ulit nu'ng lalaki.

"Opo!" masiglang sagot nung dalawa. Pina-upo niya ang siguro'y mga kapatid niya sa upuan at saka pinakain ang karga niyang bata kanina. I don't know why, but my heart warmed up. I even feel like I am smiling.

"Kuya, girlfriend mo po ba? Akala ko girlfriend mo si at Kaykay?" tanong nu'ng dalagita. Nag-init ang pisngi ko nang tignan ako nu'ng lalaki. Hindi ko alam pero parang may something sa mga mata niya na inaakit ako.

"Hindi ko siya girlfriend at hindi ko rin girlfriend si Kaykay. Baka kung anu-ano na naman ang sinabi niyo kay Ate Kaykay niyo ah," marahang pangangaral nu'ng lalaki.

"Kumain na kayo. Mamaya na tayo magkuwentohan," suway ulit nu'ng lalaki nang maghagikhikan ang mga kapatid niya. Ibinigay nito ang bunso nila sa dalagita. Nagpainit ito ng tubig at saka nagtimpla ng kape at lumapit sa akin.

Inilapag nito ang isang tasa ng kape sa kaharap kong maliit na lamesa. Ayoko mang magkape dahil gabi na ay hindi na ako nakatanggi.

"Bukas na kita ihahatid sa labasan. Gabi na kasi, wala silang kasama. Isa pa ay delikado ang daraanan natin, siguradong maraming lasing na nagkalat diyan," mahabang sabi niya. Tumango na lang ako.

"Bakit ka ba naglayas?" tanong niya. Hindi ako umimik. I don't feel like talking today. Besides, he's a stranger.

"Ate, ano pong pangalan mo at saka ang ganda niyo po." Tumabi sa akin 'yung dalagita.

"Nimfa ang pangalan ko, ikaw?" tanong ko rin.

"Ako po si Lara at Luna naman ang pangalan niya," pagpapakilala niya at ipinakilala niya rin ang kaniyang kapatid.

Kinukulit ako ng mga bata at tinatanong ng kung anu-ano. Minsan pa nga ay nginingitian ko lang sila.

"Lara, huwag kayong makulit diyan. Umakyat na kayo ng kapatid mo," suway sa kanila nu'ng lalaki.

"Opo, Kula Lurk." Sumunod naman kaagad ang mga bata sa utos niya. Umakyat na nga ang mga ito at naiwan lang kaming dalawa sa ibaba.

"Lurk pala ang pangalan mo," naibulalas ko nang hindi ko namamalayan. Nahihiya akong napatingin sa kaniya na kaagad ko ring binawi dahil nakatingin siya sa akin.

"Oo," tipid na usal niya. Pumunta siya sa maliit nilang kusina at iniayos ang pinagkainan ng mga kapatid niya.

"Mauna ka na sa itaas. Tumabi ka na lang kay Lara." Hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi. Parang nakakahiya kasi kung makikipagsiksikan pa ako sa kanila.

"Eh, ikaw?" tanong ko sa kaniya.

"Dito ako sa baba natutulog. Babae 'yung dalawang kapatid ko kaya hindi ako puwedeng makitulog sa kanila," paliwanag niya. I really admire his principles in life. I mean, he has a point. Alangan namang makikitabi pa siya sa mga kapatid niya, lalo na at nagdadalaga na si Lara. Kahit magkapatid pa sila ay ang pangit tignan.

"Huwag ka nang mahiya pa," sita niya sa akin. Tumayo na ako at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

<><><><><>

Napag-ud na rin hehe. I hope you enjoy this chapter.

The Mondragon's Black SheepKde žijí příběhy. Začni objevovat