Tumango lang ako bilang tugon sa sister at umalis na siya kasama ni Trixie na lumingon muli sa gawi ko at umiling na parang disappointed siya sakin. Ano naman kayang problema ng bata iyon?

Nawala naman ako sa pag iisip nang makaramdam na naman ako ng pagbangga sa gitna namin ni Nervana dahilan para magkahiwalay ulit kami.

"Excuse me, nakaharang kasi kayo sa daan." Usal ng propesora sa amin at dire-diretsong naglakad papalayo sa pwesto namin.

Napamaang ako sa bilis ng pangyayari. Totoo ba ito? Ang sakit na ng katawan ko kakabunggo nila!

I heard Nervana laugh like a satisfied bitch while shaking her head. Kaya tinignan ko siya ng masama.

"Anong nakakatawa doon? Ang sakit na ng katawan ko!" Walang muwang kong reklamo sa kanya.

"Oh dear, that was really an epic show!" Nervana claps her hand like crazy. Hindi ko siya maintindihan. Nababaliw na ata talaga siya kaya nauna na akong maglakad sa kanya.

"Stop laughing, will you?" Naiinis kong usal sa kanya dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Nawawala na tuloy yung malapusang mata niya dahil sa paniningkit kaya hindi niya nakita ang nakausling bato dahilan para matalisod siya.

"Nervana!" I immediately scoop my hands on her waist and serve my body as a shield on the ground.

I groaned again because of the pain in my back. Ang bigat niya!

I opened my eyes and a pair of seductive cat eyes bore into mine. I gulped at the effective attraction she's showing me. Her long lashes, perfect nose, reddish cheeks, and her heart-shape lips were very near my face. I felt her warm breath against me.

Naduduling na ko sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at nang akmang hahalikan niya ako ay nag iwas agad ako ng mukha at tumama ang labi niya sa panga ko.

"Nervana!"

Naitulak ko papalayo sa ibabaw ko si Nervana dahil sa narinig kong sigaw.

Nervana rolled her eyes in annoyance because of the woman who called her name as we stood up together. Ang sakit ng katawan ko! Shemay!

"What are you two doing!?" Lumapit ang kapatid niya sa amin. Si Professor Levine na nandidilim na naman ang aura.

"We are having fun?" Patay malisyang sagot nito sa kapatid.

"Don't answer me like that, Nervana! Why are you here? You should be resting right now because you have a lot of tasks to do later!" Galit nitong usal habang palipat lipat ng tingin saming dalawa.

Napalunok na lang ako dahil magkasalubong na naman ang kilay niya.

"We are resting, obviously." Maarte niyang sagot sa kapatid. Nakakanginig ng tuhod sumagot tong si Nervana. Mapapahamak kami lalo nito!

Professor Levine scoffed unbelievably.

"Ah, Ma'am. We're going back na po, Nervana just accidentally tripped that's why." Kamot ulo kong singit sa usapan nilang nagliliyab na.

Hinatak ko si Nervana para tumigil na siya sa pangiinis sa kapatid niya.

"Make sure to go back immediately to your rooms. If I ever see you around here acting foolish. I'm gonna throw you out of here." Malamig na usal ng propesora sa amin at iniwan na namin siyang mag isa.

"Edi throw us, like I care." Nervana mumbles while we walk inside the building. Sa kwarto na lang kami mag uusap.

"Bakit ba ang init ng ulo niyo sa isa't isa magkapatid?"

This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now