CHAPTER 41

314 16 1
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

SERAPHINE'S POV

"Bobo mali ka!" Sigaw ni Ayah sa pagmumukha ni Kyle.

"Edi ako na mali. Palibhasa panay babae ang tama, eh. Wala na akong ginawang tama." Sabi naman ni Kyle.

Nandito kami sa mansion nila para icelebrate ang pagbabalik ni Zei.

Kanina pa ako nakatingin kay Zezen na ang tahimik at parang ang lalim ng iniisip niya. Kahapon na nawalan siya ng malay nagpanick ako at hindi alam ang gagawin.

Agad kong tinawagan ang parents niya and thankful dahil dumating sila agad. Pero kanina na magising siya hindi pa siya nagsalita.

Napansin ko din na panay ang tingin niya sa akin na parang inaalala niya ako.

Hindi kaya may naaalala na siya? Or baka may pumasok sa isip niya na nakakapagpaalala sa akin?

Nakausap ko na din naman si Zel at sinabi niya na hahayaan niya akong makasama si Zezen para daw kahit paaano ay bumalik ang ibang ala ala niya pero wag ko daw bibiglain or sasabihin sa kanya ang lahat hayaan ko daw siya yung makaalala.

"Sera, are you okay?" Biglang tanong ni Tita Zeki kaya natahimik sila at napunta sa kanya ang atensyon namin.

"I'm okay po, Tita." Sagot ko at ngumiti.

"Do you have a problem ba? Kanina ko pa kasi napapansin na nagnanakawan kayo ng tingin ni Zen. Para kayong tanga. May problema ba kayong dalawa?" Walang kamalay malay na tanong niya

Muntik pa akong mabulunan sa sarili kong laway kaya dali dali akong inabutan ng water ni Fiora.

Wala naman kaming nagawa nila Zel kung hindi magpalitan lang ng tingin.

"Alam niyo mommies, doon nalang kayo kina Tita Pryn. Usapang bata yung nandito tapos kayo gurang na. Kaya doon nalang kayo." Pagtaboy ni Zei sa magulang niya kaya napairap yung dalawa bago umalis.

"Are you really okay?" Bulong na tanong ni Fiora na tinanguan ko lang.

"Hoy kanta nalang tayo bilis!" Sabi ni Ayah bago kami naglakad sa may mini bar nila dito.

Agad naman naglapag ng alak si Gav sa gitna namin kaya nagningning ang mata nila Ayah.

"Ayos lang ba sa inyo na uminom?" Tanong ni Sal

Sumagot naman kami maliban kay Zezen na tahimik parin sa tabi ni Zel.

"Zen?" Tawag sa kanya ni Sam

"What is it?" Takang tanong niya kaya nagkatinginan ulit kami ni Zel.

"Let's drink?"

"Oh, okay."

Nagsimula na nga kaming uminom habang nagkakantahan.

"Sige na please 'wag nang mainis bumalik ka na sa'kin
Sorry mahal ika'y nasaktan bumalik ka na sa'kin"

"Sige na please 'wag nang mainis bumalik ka na sa'kin
Sorry mahal ika'y nasaktan bumalik ka na sa'kin"

"Galing talaga ni Kyle kumanta." Komento ni Ayah kaya tumayo si Kyle at nagyabang.

"Pwede ka ng magcover." Sabat naman ni Leah.

"Really? Ganun na ba talaga kaganda ang boses–"

I'm Not Her (Singh series #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ