CHAPTER 32

356 25 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

SERAPHINE'S POV

Five years have passed......

"Sera sige na. Kulang kami ng isang Professor sa Engineering Department, eh. Tsaka wala ka naman ginagawa, oh."

Kanina pa ako kinukulit ni Tita Aki na mag turo sa university nila.

"Tita Aki, how many times did I tell you that teaching is not my passion?" I exclaimed but she just laughed at me.

"Sige na kasi Sera. Bibigyan kita ng sarili mong office and isa pa papasok din si Quinn sa university."

Natigilan ako sa sinabi niya. Si Quinn papasok sa university? Sa pagkakaalam ko isa siyang Architect.

"Tsaka may nagrequest lang na ipasok ka sa university para magturo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya pero ngumisi lang siya ng nakakaloko.

"Who?"

"Secret, pero magiging students mo siya."

Sino bang tinutukoy ng babaeng ito?

"Isa siya sa anak ni Zekiah." Mula sa sinabi niya ay nanlaki ang mata ko kaya tumatawa siya.

"They will study again?"

"Yes. And she said na ikaw ang kukunin kong professor sa engineering dahil mag aaral siya ng engineer." Tumatawang sabi niya.

It's that Zei?

Oh My Ghad.

"Ano payag kana?" I nodded. "Aasahan ko, ah. Aalis na ako at aasikasuhin ko ang papeles mo."

Napabuntong hininga nalang ako at napailing iling.

Limang taon na ang nakalipas at wala akong contact sa mga Singh tapos ngayon pupunta dito sa Italy si Tita Aki at kinukuha ako bilang Professor sa ASU.

Pero sino ang tinutukoy niya na may gustong kunin ako? And mag aaral ulit ang triplets?

Sa pagkakaalam ko kasi stable na ang trabaho na meron sila at kahit hindi sila mag aral o magtrabaho madami naman silang pera.

Ano nanaman bang trip nung tatlong iyon?

~~

Nagsimula na nga ang pagpasok ko dito sa ASU and naging maayos naman ang pagtuturo ko.

Pero hindi ko naging students si Zei dahil ang naging students ko kay si Zen. May nagsabi din na Architect ang kinuha ni Zei na course and hindi engineer.

So, ang tinutukoy ni Tita Aki na nagpapasok sa akin dito ay si Zen? Pero imposible dahil hindi niya iyon gagawin.

Pero ng makita ko si Zen kanina bigla nanaman bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

Pero sinabi din niya na isa sa anak ni Tita Zekiah at mag aaral ito ng engineering.

Argh!

~~

"Oh, hi Sera." Bati ni Aza ng makita ako sa hallway kasama niya sila Alena at Mau. Sila ang friends ni Quinn.

"Kakain kana din ba ng lunch? Sabay kana sa amin." Aya ni Alena

"Kaya nga. Tara na." Bigla akong hinila ni Mau kaya wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanila.

I'm Not Her (Singh series #3)Where stories live. Discover now