CHAPTER 31

262 18 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

-----

SERAPHINE'S POV

"Do you know that I'm really happy right now. Like, I didn't expect na magpoprose siya sa akin." Tili na kwento ko kay Zen pero parang wala lang sa kanya dahil busy siya na nagpupunas ng baril niya.

"Congrats." Tipid na sagot niya ng hindi lumilingon sa akin.

It's been 2 years ng maging kami ni Zei at ayos naman ang takbo ng relasyon namin dahil nalaman ko din na pinatigil na niya ang paghahanap kay Kwey.

Naging maayos din naman ang pakikisama ko sa pamilya nila.

Kay Zel naman ay ayos lang din pero hindi kami nag uusap dahil ang sungit nun. Mas masungit kay Zen.

And about Zen, okay naman kami. Naging close ko na din siya pero kapag may kasama kaming iba ang sungit niya sa akin pero kapag dalawa lang kami hindi naman siya masyadong masungit.

Napansin ko din na iniiwasan niya ako dahil sa tuwing lalapit ako sa kanya sasabihin niya may gagawin muna daw siya.

Kung paano yung pakikitungo niya sa akin nung una kaming nagkita ay naging ganun na din ang pakikitungo niya sa akin ngayon.

Kanina nga ay nagpropose si Zei sa akin at ang pinagtataka ko ay hindi pumunta si Zen pero ang sabi ni Zei ay isa siya sa tumulong magprepare.

"Hey, are you okay? Why are you avoiding me?" Hindi ko mapigilan na itanong dahil kanina pa ako nagsasalita pero ang tahimik niya lang.

"Nothing." Tipid na sagot niya bago naglakad palayo pero may binitiwan siyang salita na hindi ko narinig.

"You forget about what happened to us when I was in the philippines......"

~~

This day is special to us dahil ngayon ang 18 birthday nila Zei at ngayon din iaannounce ang tungkol sa kasal namin.

"Guys, Primo's friend are here." Sabi ni Sal bago umupo na.

Nagulat ako ng makita na nandito si Quinn, hindi ko alam na friend siya ni Primo. Dito kasi sa pilipinas naisipan ng triplets na icelebrate ang birthday nila para daw hindi na mahirapan sila Ayah na pumuntang Switzerland.

Nagkwentuhan lang kami pero napansin ko kay Quinn na hindi siya mapakali at parang may hinahanap siya.

Ilang sandali pa ng pumunta si Zei sa gawi namin at bigla naman umalis si Quinn na ipinagtataka ko.

Nagpaalam na muna akong mag cr sa kanila pero napansin ko si Zen na papunta sa may garden kaya sinundan ko ito para sana makausap.

I was shocked when I saw her, she's hugging Quinn.

Hindi ko marinig ang usapan nila dahil malayo ako sa kanila. Pero bakit pakiramdam ko may tumutusok sa puso ko?

Magkakilala sila?

"You're here." Agad akong lumingon sa likod ko ng marinig ang boses ni Zei.

"What are you-" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng makita niya din sila Zen and Quinn na magkayakap parin hanggang ngayon.

Kumunot ang noo ni Zei habang nakatingin sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"Zei, let's go." Aya ko sa kaniya pero hindi siya nakinig dahil nakatingin lang siya sa kanila.

I'm Not Her (Singh series #3)Where stories live. Discover now