CHAPTER 25

359 23 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZENNA'S POV

Kasalukuyan akong nasa loob ng classroom ngayon at tulalang nakatingin sa labas ng bintana.

Isang buwan na ang nakalipas simula ng huli kong makita si Sera. Hindi ko na din alam ang gagawin ko. Hindi ako makatulog at makakain ng maayos sa kakaisip at kakahanap sa kanya.

Inutusan ko na din ang ibang agents ng mga Singh pero hanggang ngayon wala pa din akong balita sa kanya. Sinusubukan kong tawagan or imessage siya pero hindi naman din sinasagot.

Sobrang nag aalala na ako sa kanya. Hindi ko alam kung kumakain ba siya ng maayos. Hindi ko alam kung okay lang ba siya. Hindi ko alam kung kamusta na siya or nasaan siya.

"Zen, are you okay?" Nag aalalang tanong ni Athy na tinanguan ko lang.

Actually, nakipalit muna ako ng pwesto kay Athy kaya nandito ako malapit sa bintana.

Napunta ang atensyon namin ng biglang pumasok ang professor. Kahit naman makinig ako sa lesson niya hindi ko din matatandaan dahil walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi si Sera.

Yung mga pasyente ko din sa ospital ay si Aunt ZL na daw ang bahala dahil hindi din ako makapagfocus doon.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Lagi nalang din ako nakakulong sa kwarto at natatagpuan ko nalang sarili ko na umiiyak na pala ako.

I hate crying pero dahil kay Sera ay umiiyak ako.

"Class dismissed."

Agad kong nilabas ang phone ko para tawagan siya ulit pero out of coverage parin ang phone niya.

"Tara na, Zen." Aya ni Sam kaya inayos ko na ang gamit ko at lumabas ng classroom.

Nanghihina akong naglalakad papuntang next subject pero hindi ko pinapahalata kina Sam.

I don't want them to see me na mahina.

Pagkapasok namin sa classroom ay napahinto ako ng makita siyang nakaupo sa swivel chair. Balot na balot ang katawan niya na ikinakunot ng noo ko.

Tumingin ito sa akin pero wala kang makikitang emosyon sa mga mata niya bago siya umiwas ng tingin.

"Mamaya mo na kausapin." Athy whispered kaya naglakad na ako papunta sa upuan ko.

Habang nagdidiscuss siya ay nakatingin lang ako sa kanya. Napansin ko na nangangayayat siya at nagkaroon din siya ng eyebags.

What happened to her?

Bakit ganyan ang lagay niya ngayon?

May nangyari ba sa kanya?

Ang daming katanungan sa isip ko na alam kong siya lang ang makakapagbigay ng sagot.

I miss her.

Ng magdismissed ito ay hinintay kong lumabas ang mga classmate ko at tumakbo ako dito tsaka siya niyakap.

Natigilan siya pero kalaunan ay tinanggal niya ang kamay ko sa waist niya pero hinigpitan ko lang ang pagkakayakap.

"I-I missed you, Sera." Malambing na sabi ko.

"Let me go, Miss Singh." Malamig na sabi niya na ikinailing ko pero patuloy parin siya sa pagtanggal ng kamay ko sa waist niya.

"What's wrong? Why are you acting–"

"I said let me go! Stop hugging me!" She shouted kaya napahiwalay ako ng yakap sa kanya.

Dali dali naman siyang lumabas ng classroom. Kaya tumulo nanaman ang mga luha ko.

Agad kong pinunasan ito at lumabas din ng classroom para habulin siya. Sumakay na ako ng elevator pero paglabas ko ng elevator ng makita siya.

She's hugging aswang.

I smiled bitterly bago ulit sumakay ng elevator. Pinindot ko ang emergency button at doon na tumulo ng sunod sunod ang luha ko.

Damn!

Nagbalikan ba sila? Ito ba ang dahilan kaya nawala siya ng isang buwan?

Ang dami talagang tanong sa utak ko.

~~

"Give me a five glass of Spirytus." Tumango naman ang bartender bago ako binigyan ng 5 glass o spirytus.

Agad kong kinuha iyon at ininom sabay sabay kaya nakita kong nagulat ang bartender.

"Lady Selene, hindi ka po pwedeng maglasing." Bawal niya pero hindi ko na pinakinggan pa dahil humingi pa ako sa kanya.

Pagkatapos ng makita ko kanina hindi na ako pumasok at dumiretso nalang dito sa bar.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagpunta ako dito sa bar para uminom.

Nagpatuloy lang ako sa pag inom ng hindi pinapansin ang oras. Madami na din sumasayaw sa dance floor pero nandito lang ako sa counter at umiinom.

"Hi, beautiful." Malanding sabi ng kung sino pero hindi ko ito pinansin. Babae siya dahil base na din sa tono ng voice niya.

Ang sakit na ng ulo ko.

"Are you alone? Wanna join me?" Tinulak ko siya ng hawakan niya ang braso ko.

"Don't fucking touch me or else...." I stopped and looked at her. "I will fucking kill you." Banta ko pero narinig ko lang itong tumawa.

"You are funny–" Hindi natuloy ang sasabihin niya ng tinutukan ko siya ng baril kaya dali dali siyang umalis.

Napaduko ako sa counter dahil sa sakit ng ulo ko. Masakit na nga tapos dumagdag pa yung sirang ulong malandi na iyon.

"Zezen." Tawag ng kung sino at inalalayan akong tumayo pero tinulak ko siya.

"Don't touch me. Baka magalit si Sera kapag hinawakan mo ako." Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa waist ko pero mas hinigpitan niya ang paghawak.

"Oh, fuck it. I said don't touch me!" I exclaimed.

"Shut up, Zezen!" I mentally rolled my eyes when she screamed at me.

"Saan mo ako dadalhin? Who are you? I want my Sera. Can you call her?" Sabi ko pero hindi siya sumagot.

Naramdaman ko nalang na pinasok niya ako sa kotse niya kaya tinignan ko siya pero blur ang itsura niya.

Parang porn sa japan.

Charot.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako at ng magising ako ay hindi ko alam kung nasaan ako.

Ng maalala ang nangyari kanina sa ASU ay bigla nanaman tumulo ang mga luha ko.

I'm hurting!

I don't know how to explain what I'm feeling right now. All I can say is that it hurts, everything hurts.

My heart feels so heavy that all I wanted to do is cry, even I look like pathetic. I just want to cry all the pain.

"H-Hey, why are you crying?" Nakarinig ako ng isang boses kaya nag angat ang tingin ko pero agad din akong dumuko at tinakpan ang mukha ko.

Humagulgol ako at may naramdaman nalang akong yumakap sa akin.

"I-I miss my Sera....." Hagulgol ko kaya mas humigpit ang yakap nitong kasama ko sa akin.

Dahil sa pag iyak, kulang sa tulog, kulang sa kain, at kalasingan ay nakaramdam ako ng bigat sa katawan.

Pumikit na ako pero narinig kong nagsalita ang kasama ko kaso hindi ko maintindihan dahil nilamon na ako ng kadiliman.

"I love you, Zezen. I'm sorry....."


Please don't forget to vote. Thank you for your support :>

I'm Not Her (Singh series #3)Where stories live. Discover now