CHAPTER 24

368 25 1
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZENNA'S POV

"Hoy mukha kang tanga." Tumatawang sabi ni Sky kaya sinamaan ko ito ng tingin na ikinatigil niya sa pagtawa.

Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung nasaan si Sera. Simula ng makabalik kami dito sa pilipinas hindi ko na siya nakausap or natext man.

I tried to hack her phone again but I failed. Yung tracker din na nilagay ko sa phone niya ay nawala. And I know someone knows about what I did.

Sinubukan ko din puntahan siya sa house niya at doon sa condo niya pero wala akong Sera na nakita.

And I'm so fucking worried about her.

Halos nandito din ang lahat pero siya lang ang wala. Hindi ko din nga alam bakit nandito sila sa mansion, eh. Hindi naman kasi sila Singh and hindi din sila agents.

Si Pen tinanong ko anong ginagawa dito sagot ba naman kasama niya ang bebe niya at si Athy ang tinutukoy niya. Sira ulo siya, ang sungit nga sa kanya ni Athy, eh.

"Let's eat na. Buddle fight!" Sigaw ni Ayah at patakbong lumabas ng mansion. Sumunod naman ang mga alipores niya sa kanya na kala mo mauubusan ng pagkain.

Napabuntong hininga nalang ako bago sumunod sa kanila.

Kamusta na kaya si Sera?

Is she okay?

Damn, I can't think properly because I'm so worried about her. Sa bawat minuto na lumilipas wala akong ibang iniisip kung hindi siya.

Bago pa ako tuluyang makalabas ng mansion ay may biglang yumakap sa akin kaya bumilis ang tibok ng puso ko ng maamoy ang sweet scent niya.

"Sera...." Humigpit ang pagkakayakap niya kaya napakunot ang noo ko bago siya hinarap.

I clenched my jaw when I saw wounds in her lips.

"What happened to you? Who did this? Are you okay?" Sunod sunod natanong ko pero umiwas lang siya ng tingin.

"Sera, tell me the truth. Who did this?!" Hindi ko napigilan na mapataas ang boses ko kaya gulat siyang nakatingin sa akin.

Damn, bakit ba may sugat ito sa labi?

Ng hawakan ko siya ay napadaing siya kaya tinanggal ko ang suot niyang jacket at tumambad sa akin ang mga sugat at pasa niya sa braso.

"Damn it!" I cursed before I looked at her seriously. "Who the hell did this to you, Sera?" Tanong ko ulit pero umiling iling lang siya.

Inis akong lumabas ng mansion at pinuntahan sila Ayah na kumakain sa may garden.

Kung ayaw niyang sabihin, ako ang gagawa ng paraan para malaman kung sino ang may gawa.

"All of you!" I shouted kaya napunta sa akin ang tingin nila. "Find the person who hurt my girl, now!" Sunod sunod silang tumango at tumakbo papunta sa loob ng mansion.

Naiwan naman dito ang mga professors na nagtatakang nakatingin sa akin pero wala akong pake.

"Zezen....." Tawag ni Sera kaya lumingon ako sa likod ko. May mga luhang gusto ng tumulo sa mata niya kaya nilapitan ko ito at niyakap.

Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko kaya I caressed her back.

"I'm sorry, Zezen. I missed you." Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya at ganun din siya.

I'm Not Her (Singh series #3)Where stories live. Discover now