CHAPTER 3

300 23 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZENNA'S POV

Hindi ako nakapasok kanina sa first subject dahil pinatawag ako sa ospital kaya inasikaso ko yung pasyente na nandoon.

And sa 2nd subject na ako pumasok pero late na ako dahil nakasarado na ang door kaya kumatok ako.

"Who are you, Miss?" Malamig na bungad ng babae na nagbukas ng pinto.

"Zenna Singh." Tipid na sagot ko kaya tinaasan ako nito ng kilay bago ako tignan muna ulo hanggang paa.

I saw how she smirked bago tumingin ng diretso sa mata ko.

"I'm the new professor of this university, Miss Singh." Oh, kaya pala. Hindi ko tinatanong. Charot.

Pinapasok na ako nito kaya umupo na ako sa tabi nila Sam.

"I'm Fiora Sutton the new Professor. I hope we get along guys." She stated bago nag proceed sa lesson niya.

"Group yourself into 5 for your final activity next meeting." Nagdismissed na din ito kaya inayos na namin ang gamit namin nila Athy bago lumabas.

Pumunta na kaming cafeteria para kumain na. Ako at si Sam na ang nag order ng food para si Athy at Sky na ang hahanap ng table namin.

Ng maka-order kami ay pumunta na din kami sa table namin pero napansin ko na may kasama sila.

"Zen, nakitable sila dahil wala na daw vacant." Sabi ni Athy kaya tumango ako bago umupo sa tapat ni Prof Sera.

Apat na professor ang kasama namin pero hindi ko kilala ang isa. Si Pen, Prof Fiora, Prof Sera and yung isa na hindi ko kilala.

"Bwhahahahahaha."

"Gago ka Ayah hahahahah"

"Tanga ni Kyle hahahahaha."

"Hahahahahah."

Umalingaw ngaw ang malamicrophone na boses na iyon sa kabilang table kaya napairap ako.

Lagi silang ganyan. Parang sila lang yung tao dito sa cafeteria.

"Ganyan lang kakainin mo?" Tanong ni Pen na tinanguan ko. "Dagdagan mo nga kainin mo kaya hindi ka tumataba, eh." May binigay siyang pagkain sa akin pero napansin ko na humigpit ang hawak ni Prof Sera sa phone niya.

Nakatingin naman sa amin ang dalawang professor. Siguro nagtataka sila bakit ako nilalagyan ng food ni Pen.

"Do you know each other?" Prof Fiora asked Pen.

"Yeah, she's my girl friend." Pen answered pero hindi ko na pinansin pa at kumain nalang ako.

"What?!" Gulat na tanong ni Prof Fiora kaya natawa si Pen.

"She's my GIRL FRIEND."

Ang mga friends ko naman ay wala din pakealam sa kasama namin dahil patuloy lang sila sa pagkain.

"By the way, wala kana palang stock na oreo sa condo mo dahil inubos ko na kagabi." Tumango lang ako sa sinabi ni Pen. "Hindi ka galit?"

"Why would I?" I asked and I looked at her.

"That's your favorite, right?" I nodded. "Ubos na."

"We can go grocery shopping later and buy a lots of oreo." I smiled at her kaya niyakap niya ako na ikinatawa ko ng mahina.

Ang clingy talaga nitong babaeng ito.

"Kaya love kita, eh."

Nagpatuloy naman kami sa pagkain at ng matapos ako ay kinuha ko yung oreo sa bag ko para kainin.

Pake ba nila? Favorite ko ito, eh.

"You want?" Tanong ko kay Prof Sera dahil ang seryoso niyang nakatingin sa akin, eh.

She shook her head.

"Prof Sutton, sayo na. Kanina ka pa kasi nakatingin sa akin, eh." Sabay abot ko ng isang plastic ng oreo sa kanya.

Nabaling naman ang tingin ko sa harap ko pero ang sama na ng tingin sa oreo na inabot ko kay Prof Sutton.

"Prof Beatrice, may gusto ka po ba kay Sav? Kanina ka pa po kasi nakatingin sa table nila." Sabat ni Sky kaya napatingin ako sa tinawag niyang Beatrice.

Dumuko ito habang namumula na ang mukha niya.

"Gusto mo po tawagin namin siya para sayo?"

"N-no!" Medyo napataas ang boses niya kaya napunta sa amin ang atensyon nila. "W-what I mean, I don't like her."

"Okay po, if you say so."

"Hi, you're Zenna Singh, right?" Napunta ang atensyon namin sa isang lalaki na lumapit sa table namin. Maputi ito and gwapo din, but hindi ko siya type.

"Yes, why?" I asked in my monotone voice. You can't blame me kung ganon ang boses ko 'no. Hindi naman talaga ako masungit pero sadyang malamig lang ang boses ko.

"I'm Dion, and I want to ask you if we can take a picture?" I frowned. "Actually, I have a crush on you. Matagal na kasi pero nahihiya lang ako pero ngayon ay nagkaroon na ng lakas ng loob." Kamot batok na dagdag niya.

"Okay." Tipid na sagot ko kaya lumawak ang ngiti niya. Hindi naman kasi ako si Zel para hindi siya pansinin 'no.

Kinuha niya ang phone niya sa bulsa and nag selfie na. Ng matapos ay nagpasalamat siya kaya at umalis na din agad.

"Pogi, sis." Nakangising sabi ni Sam kaya umirap ako.

"Hoy, sa pagkakaalam ko sikat yun." Sabat ni Sky kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"So?"

"Malay mo siya na para sayo."

"Iww!" Maarteng sabi ko na ikinatawa ni Pen.

"Ayaw mo talagang sirain yung sinet mong rules for yourself, huh." Natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Isa pa yung batang nakilala niya nung naligaw siya. Nalove at first sight si anteh niyo." Dagdag naman ni Athy.

"Shut up!" Inis na sabi ko pero hindi parin siya tumitigil kakatawa kaya nagtataka na yung tatlong professor pero yung mga friends ko ay nakangisi lang.

Nagset kasi ako ng rules ko para sa sarili ko kung magkakaroon man ako ng partner. And ayaw kong ibreak ang rules ko na iyon.



Please don't forget to vote. Thank you for your support :>

I'm Not Her (Singh series #3)Where stories live. Discover now