CHAPTER 61 : 𝗧𝗥𝗔𝗚𝗘𝗗𝗬

765 26 1
                                    

ZHEILY'S POV

Hindi ko alam kung ilang oras na ba nang magising ako dahil sa ingay sa baba.Napabangon ako sa pagkakahiga nang makitang wala sa tabi ko si Kenzo.

Sa hindi malaman na dahilan bigla akong kinabahan, bigla nalang dumagongdong ang puso ko kaya automatikong nahimas ko ang dibdib ko dahil parang masikip ang dibdib ko ngayon.

" Kenzo? " Hinanap ko si Kenzo sa bathroom ngunit wala siya don.Kumunot ang noo ko dahil mas lalong naririnig ko ang ingay sa baba. Napatakbo ako ng sunod sunod kong marinig ang mga ingay na tila mga babasaging bagay.

" Kenzo anong nangyayari- " Natigilan ako.

Gulat na gulat ako nang makita si Papa, paano nila nalaman ang islang ito? " A-anak!" Nanlambot ang ekspresyon ng mukha ni Papa bago tumakbo papalapit sa'kin at nasasabik na yumakap sa'kin.

Napayakap ako pabalik dahil miss na miss ko din si Papa.Ngunit natigilan ako nang makitang hawak ng mga pulis si Kenzo.May sugat siya sa labi niya habang sa mga mata niya ay kita ko ang matinding lungkot.

" K-Kenzo? Bitawan niyo siya! " Hindi ko mapigilang mapasigaw, biglang tumulo ang luha ko bago napatingin kay Papa. " He deserve that anak, hayaan mo siyang makulong "

" P-papa huwag po, huwag niyo po siyang ikulong Papa " Hinawakan lang ni Papa ang pisngi ko bago pinunasan ang luha ko. " I'm sorry anak.Dalhin na siya!  " Utos ni Papa sa mga pulis.

" Tito I'm sorry mahal na mahal ko po ang anak niyo kaya ko nagawa iyon " Sa boses niya may halong pagsusumamo.Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Papa at tumakbo papalapit kay Kenzo.Pinigilan pa ako ng mga pulis peru wala din silang nagawa.

" P-papa mahal na mahal ko rin po si Kenzo " Mahigpit na yumakap ako sa katawan ni Kenzo.Sinabi kong ipaglalaban ko siya kaya ito na oras para ipaglaban ko siya kay Papa.
" Papa huwag niyo pong ikulong ang taong mahal ko, h-huwag sa ganitong paraan Papa"

" He's kidnapper anak! Stay away from him " Sapilitan akong ako nilayo ng mga tauhan ni Papa, umiiyak na nagmamakaawa ako.Nakita ko narin ang pagtulo ng luha ni Kenzo. " Let her go, p-please Tito hayaan niyo na kami, mahal namin ang isa't is- "

" Hindi kayo pwede at ilalayo ko ang anak ko sayo Kenzo!  " Dahil sa sinabi ni Papa kinabahan ako.Nagpumiglas ako sa mga tauhan niya. " P-please Papa h-huwag niyong gawin ito.Pakawalan niyo si Kenzo! " Nasigawan ko na ang mga pulis.

" Dalhin niyo  siya at ibulok sa kulungan ang kidnapper na 'yan ngayon na! " Utos ni Papa sa mga pulis.Nagpumiglas ako dahil balak kong sundin si Kenzo at huwag ituloy ang balak nilang pagkulong.Naluluhang napatingin ako kay Papa.Bakit ganito? Talaga bang hindi ayon ang tadhana para sa aming dalawa?Maging ang mga magulang ko ay ganon din.

" Anak, nakalimutan muna ba ang ginawa ng Dad niya? Alalahanin mong muntik na kaming mawala ng Mama mo sayo nang dahil sa Dad ni Kenzo "

" P-peru Papa walang kasalanan si Kenzo, hindi dapat nadadamay ang relasyon namin Papa pakawalan niyo na siya.Wala siyang kasalanan " Umiiyak kong pagsusumamo.

" But he kidnapped you.Kailangan niyang pagbayaran iyon! " Nanlalabo ang paningin ko habang rinig ko ang sigaw ni Kenzo.Nagpumiglas ako peru hindi ko kaya ang lakas nila.

" Nagawa niya iyon dahil mahal niya ako Papa! " Ang sikip nang dibdib ko habang iniisip si Kenzo, kailangan kong gumawa ng paraan para hindi siya makulong.

" H-huwag niyo siyang ilayo sa'kin Papa " Nagpumiglas ako at tumakbo palabas sa isla, halos mapaluhod ako nang makitang nakaadar na ang yate na sinasakyan ni Kenzo.

Alam kong pagkatapos nito ilalayo na ako ni Papa, baka ito na ang huling  makikita ko si Kenzo.Kung hindi lang nakaposas si Kenzo alam kong lalabanan niya ang mga police peru hindi niya kaya, pinapalibutan siya ng mga police.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now