CHAPTER 35 : 𝗖𝗢𝗡𝗙𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡/𝗖𝗢𝗡𝗙𝗨𝗦𝗜𝗢𝗡

838 35 0
                                    

ZHEILY'S POV

" Mama okay kana po ba? Bakit kayo nagmadaling umalis sa ospital? Ano po ba ang nangyari sa inyo? " Nag-aalalang tanong ko kay Mama habang nakahiga siya sa maliit naming kama.

Hanggang ngayon nag-aalala parin ako sa kalagayan niya. " Pagpahingain mo muna si Tita, she need to rest Zheily mamaya muna siya kausapin " Napatango nalang ako sa sinabi ni Kenzo.Hindi na ako nagtanong pa at hinayaan na munang magpahinga si Mama.

" Kaya ko naman anak, medyo umikot lang ang paningin ko ,nawalan ako ng malay sa gilid ng kalsada kanina" Pagkwekwento ni Mama.Ito na nga ba ang sinasabi ko, marahil dahil sa matinding pagod at init ng araw.

" Kumusta si Tita? " Agad na naitanong ni Sheh na halatang hinihingal pa. Nang makita niya si Mama agad na naupo siya sa tabi ko at sinuri niya si Mama na puno ng pag-aalala.

" Tita, kinabahan ako sayo! Okay ka lang po ba?"

" Oo Hija, huwag na kayong mag-alala " Napanguso ako sa sinabi ni Mama.Paanong hindi mag-aalala eh kinabahan nga ako nang tumawag ang nurse, may narinig pa akong muntik na siyang mabangga.

" Salamat naman Tita, grabe iyong kaba ko " Napahawak si Sheh sa dibdib niya. Nang mapatingin ako kay Kenzo na nasa tabi ko halata na nag-alala din siya. Diretso na kaming umuwi at hindi man lang nabayaran ang bill sa ospital, iyon nga ang problema ko.

" Samahan mo ako mamaya sa ospital " Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.May pera pa naman akong naipon, iyon nalang ang ibabayad ko sa hospital bill ni Mama.

" Why? "

" Nakakahiya kasi, hindi ko nabayaran ang hospital b-bill " Nahihiyang usal ko at napayuko. Hinawakan niya ang kamay ko at tipid na napangiti.

" Huwag kang mag-alala Zheh ako na ang bahala sa hospital bill ni Tita, magkano ba iyon? " Singit ni Sheh.

" It's already paid " Natigilan kami sa sinabi ni Kenzo, maging si Mama ay natigilan sa sinabi niya. Binayaran niya ba? Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon dahilan kaya napatingin siya sakin.

" Huwag munang problemahin iyon, nakausap ko na ang nurse ni Tita kanina " Sambit niya bago ngumiti.Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa niya.Parang nakakahiya sa kaniya.

Kinalabit ni Sheh ang braso ko. " Ang swerte mo naman, ospital iyon ng sarili  mong boyfriend ayie. " Bulong nito sakin.Tiningnan ko si Mama ngunit tila tahimik na siya ngayon.Parang malalim ang iniisip.

" Pagdating namin kanina sa ospital wala na kayo don, and wait nandon si Tito Averon sa ospital, nagtataka ako kung bakit siya nandon " Napatigil ako sa sinabi ni Sheh.Mas nauna kasi kami kanina sa ospital at nang makarating na sila wala na kami don.

" Oo nandon nga si Tito Averon "

" K-kilalala niyo iyon anak? " Mahinang tanong ni Mama na tinanguan namin ni Sheh.Muli siyang natahimik.

" Mama siya iyong sinasabi ko sayong Tito ni Sheh, iyong mabait? " Ngiting sambit ko.

" Sa susunod h-huwag ka ng lumapit sa lalaking iyon " Biglang usal ni Mama na ikinakunot ng noo ko, maging si Sheh ay kumunot ang noo sa sinabi niya.Nang mapatingin ako kay Mama tila natataranta siya.

" Tita bakit naman? "

" Mama, mabuti pong tao si Tito Av- "

" Basta makinig kana lang sakin anak, please! " Naguguluhan ako. Bakit bigla nalang niyang sinasabi ito? Anong masama kung lumalapit ako kay Tito Averon? Eh ang bait bait non.

Nagkatinginan kami ni Sheh.Kapwa naguguluhan kung bakit umaaktong ganito si Mama, nang makitang napahawak siya sa ulo niya hindi ko na naman mapigilan kundi ang mag-alala.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara