CHAPTER 28 : 𝗧𝗜𝗡𝗚𝗟𝗘𝗗

864 38 0
                                    

ZHEILY'S POV

Ang sagutin siya ay buo iyon sa desisyon ko.Hindi ko na kayang patagalin pa dahil subrang mahal ko naman siya, si Mama narin mismo ang nagsabi na kung mahal ko bakit ko pa patatagalin?

Masaya ako dahil sumusuporta si Mama sa magiging desisyon ko.

Gusto ko, ako iyong kauna-unahang babaeng iintindi sa kaniya lalo pa't puro nalang siyang problemado.Habang iniisip kung ano pa ang mangyayari sa relasyon namin tila diko maiwasang malungkot.

Paniguradong maraming susubok sa katatagan naming dalawa. Ang pag-ibig ay maraming pagsubok na dadaan para sa taong may relasyon, paano kung ang pagsubok na iyon ay hindi namin kayanin?

Nakakatawa ngunit ganito talaga ako.Advance mag isip, parang hindi iyon maiiwasan.Walang relasyong perpekto.

Hays Zheily tumigil ka sa kakaisip mo ng ganyan nagsisimula pa lang kami ganito na ang naiisip ko.

" You won't regret making me your boyfriend, Zheily. I will do everything just to make you happy. " Mula sa pagkakatitig sa kawalan bigla akong natigilan sa sinabi niya.Subrang lambing ng boses niya habang sinasabi iyon.

Marahan na tumingin ako sa kaniya.Ang gwapo niyang mukha ay nadagdagan pa lalo sa kagwapohan nang ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. " Salamat. Gagawin ko din ang lahat mapasaya ka lang Kenzo " Ngiting sambit ko.

Subrang bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong saya, ang sarap pala sa pakiramdam, ang sarap sa pakiramdam na maging kayo ng crush mo.Kinikilig tuloy ako.

" Iyong sugat mo, mahapdi ba? " Biglang tanong ko, nakakailang kasi nang tumitig siya, hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya mas lalo akong naakit sa mapupungay niyang mata.

" Yeah, I'm okay " Sagot niya.Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko habang nakahawak siya sa kamay ko.Napangiti ako sa ginawa niya. Naging tahimik na siya na para bang komportable siya sa balikat ko.

" Thank you for giving me the opportunity to be your boyfriend " Mahina niyang sambit matapos ang katahimikan sa pagitan namin.

" Thank you din Kenzo " Mahinang sambit ko.Natigilan siya saglit at marahan na inalis ang ulo sa balikat ko.Nakakunot pa ang noo niya kaya ngumiti ako.

" Thank you? "

" Thank you for courting me, actually maswerte ako dahil niligawan mo ako, imbes na si Kierra, a-akala ko h-hindi ko na makukuha ang atensyon mo Kenzo, d-dahil pangit ako at malabong mahalin mo ako " He chuckled.

" Zheily, I want to tell you that I didn't fall in love with you, because you looked beautiful, the beauty of your face is not important to me. " Hinawakan niya ang mukha ko.

" It was the first time I saw you that I immediately got my attention, I'm sure they were disfigured by your face, but believe me, I'm not disfigured by your face, I just don't want to show it but I'm always watching you."

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. So noong hindi pa ganito ang mukha ko, napapansin na niya ako? Talaga ba?

" I knew you were my young friend back then, because you had a birthmark on the back of your neck. And I confirmed that you were my friend when I saw your photo in your book.Nagalit ako sayo cu'z you don't even know me, hindi mo man lang ako naalala " He said.

Dumaan ang lungkot sa mga mata niya.

" Bakit hindi mo kasi sinabi na ikaw ang batang iyon? "

" Gusto ko ikaw mismo ang makaalala sakin"

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora