CHAPTER 47 : 𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥𝗦𝗧𝗔𝗡𝗗/𝗧𝗥𝗨𝗦𝗧

742 26 0
                                    

ZHEILY'S POV

Napasubsob ako sa unan at hindi mapigilang umiyak.Nakokonsencya na nagagalit ako.Iwan ang hirap tukuyin ng nararamdamn ko.Naiinis ako sa sarili ko.Oo may tiwala ako sa kaniya peru iba iyong nararamdaman ko.

Mariin akong napapikit, sabi ko kapag nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin ni Kenzo dapat  agad na aayusin namin iyon peru bakit  hinayaan nalang namin na ganito? Iyong part na sinasabi ni Kenzo na nagseselos din siya kay  Zayden.

Akala ko ba okay na siya don? Akala ko ba hindi na siya magseselos? Pinayagan lang niya ako lumapit kay Zayden dahil ayaw niyang masakal ako sa pagiging strekto niya? Oo naappreciate ko iyon.

Ang hirap. Sinisisi ko din naman ang sarili ko, dapat kasi inintindi ko siya, kapag kasi nagagalit ako parang sarado ang puso ko.
" Señorita? Bakit hindi kapa kumakain? " Mabilis na nagtalukbong ako ng kumot.

" Señorita pinapatawag kana ni boss " Tawag ulit ni Ate Jolie.Hindi pweding malaman nila na umiiyak ako,ayaw kong malaman nina Mama at Papa. " Ate, kumain na po ako sa labas kanina, pagod po ako kailangan ko ng magpahinga " Pagsisinungaling ko.

" Sige Señorita, sasabihin ko nalang sa Papa mo " Napahinga ako nang maluwag ng lumabas na ito sa kwarto.Napapunas ako sa luha ko habang iniisip si Kenzo.Parang ang hirap matulog habang ganito 'yong nararamdaman ko.

Kinaumagahan, nag-ayos na ako para makapunta na sa school.Para akong lutang dahil maging sa pagkain ng almusal ay hindi ko naigalaw, nagtata tuloy sina Mama at Papa.Parang wala akong ganang kumain.

Hanggang ngayon ang bigat parin ng nararamdaman ko.Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.Niinis, nagagalit, si Kierra lang naman ang dahilan ng lahat.Hindi ko alam kung galit at pagsisi ba ang mararamdaman ko sa oras na makita ko si Kenzo.

Sa gate  pa lang ako ng campus ay naabutan kona si Sheh, masaya itong lumapit sakin ngunit agad na nagtaka ng makita ang mukha ko.

" Kay aga-aga, ganiyan ang mukha mo, para kang batang inaway " Tumawa ito.

" Hindi ba maganda ang umaga mo? Baka hindi pinaganda ni Kenzo " Pagbibiro nito.Wala siyang alam dahil hindi ko sinabi.
" Hoy babae anong nangyaryari sayo? " Sigaw nito nang maglakad ako.Tumakbo siya at pinantayan ako.

" Ang Señorita marahil hindi nilambing ng jowa niya " Tumawa ito kaya nabatukan ko siya.Umirap lang siya bago hinawakn ang braso ko. " Tara nandon ang jowa natin " Nanlaki ang mata ko ng hatakin niya ako papalapit kina Kenzo.T*ngina.

" Magandang umaga sa inyo " Masayang bati nito bago humiwalay sa'kin at nilapitan si Zhoren bago kumapit sa braso .Nakagat ko ang labi ko.Hindi ko alam ang gagawin ko.Si Kenzo nakatingin lang sa'kin at kapwa pa kami naiilang sa isa't isa.

" Hoy Zheh, bakit ka ganiyan? Hindi mo ba hahalikan ang jowa mo? " T*ngina ka Sheh.Hindi ko magawang tingnan si Kenzo kaya nagmadali akong umalis, nagulat si Sheh sa ginawa ko maging sina Zayden at Jace.

" Anong problema ng babaeng iyon? Kenzo nag-away ba kayo? " Rinig kong boses ni Persia.Diretso ako sa classroom at hindi ko pa maiwasang mapatingin nang makitang tumawa sina Kierra at dalawang kaibigan niya.

" Oh Hii Zheily, good morning " Ngumiti ito sa'kin ngunit hindi ko siya pinansin.Nang magsimula na ang klase para akong lutang ni hindi man lang ako nakaintindi.Hanggang sa natapos ang klase.Lumabas na lahat ng mga kaklase ko maliban lang sa'min ni Sheh.

" Ano ba talaga ang nangyari? Zheh naman sabihin mo sa'kin " Malungkot ang boses niya." May nangyari ba sa inyo ni Kenzo? Nag-away ba kayo? " Napasubsob ako sa armchair.Hindi ko kaya naganito kami ni Kenzo.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now