CHAPTER 20 : 𝗔𝗦𝗦𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚

1K 39 0
                                    

𝗔𝗦𝗦𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚

PERSIA'S POV

Dismayado ako at halos hindi na ako makapagpigil na kamutin ang mukha ni Kierra, pati ako nagagalit sa Kenzo na iyon.Oh ngayon nasaan na si Zheh? Malamang maapektuhan talaga iyon kasi naabutan niyang naghahalikan ang lalaking gusto niya.

" Wait! What happened? " Naguguluhang tanong ni Zayden. Hindi ko mapigilang kumulo ang dugo ko. " Pagsabihan mo yang kapatid mo, bukod sa assumera na ang landi landi pa! "

" Execuse me Persia, walang kang karapatan para sabihin yan! Iyong kaibigan mong pangit ang pilit na pinagsisiksikan ang sarili kay Kenzo siya ang malandi! " Responde nito sakin.Naikuyom ko ang kamao ko.

" How dare you to fvcking say that? " Kung hindi ako pinigilan ni Zhoren nakalmot ko na talaga ang mukha ng babaeng ito.

" It's true, sino ba sa amin ang assumera si Zheily iyon Persia ang kaibigan mong pangit ang assumera na may gusto sa kaniya si Kenzo! "

" Kierra stop it! Please! " Sigaw ni Zayden sa kapatid.

" But kuya? Hahayaan mo lang bang awayin ako ng babaeng yan? " Turo nito sa akin.

" Aawayin talaga kitang malandi ka! "

" Tumigil na kayo! " Napatigil kami nang sumigaw ulit si Zayden.Ngayon ko lang siyang nakitang nagalit. Napahinga ako ng malalim.Sinusubukang pakalmahin ang sarili.Susundin ko sana si Zheh peru pinigilan ako ni Zhoren.

" Paano kung may mangyaring masama sa kaniya? " Malungkot na tumingin ako kay Zhoren.Hinawakan niya ang kamay ko at umiling iling.

" Hindi yan mangyayari. Nandon si Kenzo walang mangyayaring masama sa kaibigan mo " Nang tingnan ko ang cellphone ko agad na tinawagan ko ang numero ni Zheh peru hindi nito sinagot.

Hinintay kong tumila ang ulan at tinext nalang si Mommy na huwag akong ipasundo.Si Zhoren ang maghahatid sa akin.Hanggang sa nakarating ako sa mansion, si Zheh parin ang iniisip ko.

Ang babaeng iyon hindi man lang nagtext sakin saan na ba iyon napadpad? Kasama niya kaya si Kenzo? Imposible naman hindi siya naabutan ni Kenzo kanina.

To: Zheh

" Hoy ano na? Bakit walang paramdam ha? "

" Nagluksa ka ba talaga? Iniyakan mo talaga ang lalaking iyon kahit walang kayo, Zheh kapag hindi ka nagreply hindi talaga kita papansinin bukas "

" Zheh naman, please magreply ka.Nag-aalala na ako sayo, alam kong nasaktan ka peru sana naman mag update ka sa akin. "

" Pag may nangyaring masama sayo, malalagot sakin ang Kenzo na iyon! Hindi ko siya mapapatawad " Napabuntong hininga ako.Sunod sunod na ang message ko peru wala paring reply.

Nagtext ako kina Zhoren at Jace na tanungin nila si Kenzo kung kasama niya si Zheily peru ang sabi nina Zhoren walang reply si Kenzo, ibig sabihin kaya magkasama sila?

Pinakain ako ni Yaya at pagkatapos non pumunta na ako sa kwarto ko, inilagay ko sa kama ko ang cellphone ko bago ako pumasok sa bathroom, naligo ako ng ilang minuto.Nagsuot muna ako ng night dress bago sumampa sa kama.Nanlaki bigla ang mata ko nang mabasa ang reply ni Zheh.

From: Zheh

" Pasencya kana Sheh ,pinag-alala kita.Peru huwag kang mag-alala okay lang ako. Nandito na ako sa bahay hinatid ako ni Kenzo kaya wala kang dapat ipag-alala. " Basa ko sa reply ng kaibigan ko.

To: Zheh

" Ano ba talaga ang nangyari kanina? Talaga bang okay ka lang?Parang ayaw kong maniwala " Reply ko sa kaniya.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now