CHAPTER 30: 𝗖𝗢𝗢𝗞𝗜𝗡𝗚

815 36 1
                                    

ZHEILY'S POV

Kabado ako at hindi mapakali sa inuupuan ko.  Zheily bakit mo ginawa iyon?

Kahit kailan hindi ako nakakapanakit ng tao nang subra subra at ang nangyari kanina kay Kierra subra akong kinabahan.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, halos mamutla ako nang makitang may dugong dumaloy sa ulo niya.Hindi ko sinasadya, hindi naman talaga malakas ang pagkakatulak ko sa kaniya.

Oo tinulak ko siya peru hindi talaga iyon malakas kaya paanong tumilapon siya? Ang napansin ko lang kanina habang hawak ko si Kierra biglang dumating sina Zayden at Kenzo at hindi namalayan ang biglang pagtilapon niya.Marahan lang iyon kaya paanong nalagay siya sa ganoong sitawasyon?

Parang kusa siyang nagpadala sa tulak ko nang makita niya sina Kenzo, hindi ako mapakali nang may makitang dugo sa ulo niya.Ayaw kong may mangyaring masama kay Kierra nang dahil sakin.

Sinasadya niya bang tumilapon sa bangko? Malabong masasaktan siya at malabong titilapon siya sa bangko na iyon kung hindi siya nagpadala, kusang nagpadala siya sa mahina kong pagtulak.Peru nangyari na eh! Ako parin ang dapat sisihin.

Nakarating ako sa bahay at hindi na dumeritso sa skwelahan,  nanginginig pa ang kamay ko. Wala dito si Mama nasa palengke, ngayong araw nagsimula ulit siyang mag tinda ng mga gulay.

Hindi parin maalis sakin ang hindi mag-alala kay Kierra.Malalagot ako nito kay Mama kapag nalaman niyang may tao akong nasaktan at dahil sakin nadala sa ospital.Nang tumunog ang cellphone ko agad na sinagot ko iyon, si Sheh.

" Zheh, nandyan ka pa ba sa hospital? Si Kierra? Kumusta siya? " Sunod sunod niyang tanong, ikinalma ko muna ang sarili ko bago ako napahinga ng malalim.

" Sheh, nandito na ako sa bahay, si Kierra gising na siya, nagkaroon siya ng sugat at h-hindi naman naapektuhan ang utak niya.P-peru Sheh k-kinakabahan parin ako, h-hindi ko sinasadya ang nangyari " Halos tumulo ang luha ko sa takot.

" Zheh wala kang kasalanan, at tsaka buti nga sa kaniya iyon! Huwag mong sisihin ang sarili mo, nakita ko kung papaano umakto si Kierra kanina Zheh. As in kitang kita ng dalawang mata ko na sinadya niya talagang tumilapon, ang galing niya talaga " Napahinga ako ng maluwag dahil napansin din pala iyon ni Sheh.

" Choice niya iyon Zheh, siya dapat ang sisihin dahil ginusto niya ang nangyari na masaktan siya.Ang galing niyang umakto, porket nakapanood ang kuya niya at si Kenzo, pinapalabas lang niya na ikaw ang masama at para ikaw ang sisihin " Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko.

" P-peru nangyari na Sheh, sa palagay ko galit sakin si Zayden "

" Kilala ko si Zayden Zheh, maiintindihan ka rin niya seguro nagulat lang siya sa nakita kanina, huwag kang mag-alala kinausap ko na ang Dean, nasabi ko narin na hindi mo kasalanan, kaya lang Sheh nagreklamo ang mga magulang ni Kierra, pag uusapan narin ang nangyari kasama ang Lolo ni Kenzo at kailangan nandito ang Mama mo " Mas lalo akong kinabahan.

Pinunasan ko ang luha ko . Umiiwas na nga ako sa gulo ngunit bakit hindi mailagan?

Nakayuko lang ako habang iniisip ang nangyari, ano nalang ang sasabihin ni Mama? Sakit sa ulo na naman ito kay Mama.Nakakainis dapat kasi hinayaan ko nalang sina Kierra hindi sana hahantong sa ganitong sitwasyon.

" Zheily? " Gulat na napatingin ako sa pintuan at hindi ko inaasahan na si Kenzo ang makikita ko. Anong ginagawa niya dito? Abala siya kay Kierra kanina.

Napapunas ako sa luha ko at napaiwas ng tingin sa kaniya. Natigilan ako ng yakapin niya ako at para bang inaalo niya ako at dinadamayan ako. " Stop crying, sorry kanina " Napatigil ako sa sinabi niya.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now