CHAPTER 3 :TWEAKING

1.5K 46 0
                                    

PERSIA'S POV

I'm with her, my new best friend.Subrang hinhin niya at nakakaawa siyang tingnan.Wala siyang pakealam kahit pinagtatawanan at pinagbubulongan siya ng mga kapwa namin studyante.

Isang linggo na simula ng maging magkaibigan kami.Actually hindi naman ako mapiling tao, basta mabait don ako. Ako ang naawa sa kaniya ,hindi niya deserve ang pahiyain sa harapan ng mga tao, hindi niya deserve ang pagtawanan at laitin.

" I think maganda ka naman, hindi ka lang marunong mag-ayos " I uttered, nilingon niya ako at mahinang natawa. I'm just saying the truth she's really beautiful, kunting ayos lang perfect. May tigyawat siya at para sakin madali lang naman ayusan ang mukha niya.

" Sanay na ako sa pagiging pangit " Ngumiti siya matapos sabihin iyon.Umiling ako at hinawakan ang kamay niya. " Ako ang bahala sayo, pagagandahin kita" Ngumiti ako ngunit umiling siya.

" A-ayuko, tanggap ko na ang pagiging pangit ko, wala naman magbabago, kahit mag ayos pa ako pangit parin ako " Ang weird ng babaeng ito.Pinilit ko siya ng pinilit peru ayaw niya talaga. " Sige na kase, para mapansin ka ng crush mo " Kumindat ako.

" S-sinong crush? " Nanlaki ang mata niya.Nagmamaang-maangan ka pa talaga ha? I saw her love letter for Kenzo.Doon ko nalaman na crush niya pala ang press namin.Sa bagay ang gwapo naman kase, maski ako napapatitig sa lalaking iyon peru hindi ko siya type.

" It's Kenzo " Napatakip siya sa bibig niya.Gulat na gulat. " H-hindi ah! " Napatawa ako. Hindi daw. " Anong hindi, nakita ko ang love letter sa bag mo, mag dedeny ka pa, kailan mo balak ibigay? " Napayuko siya.Nahihiya.

" H-hindi ko alam, hindi niya kase tinatanggap " Naging malungkot ang mukha niya.Peru lumipas ang segundo ay ngumiti ulit siya bago nagbasa ng libro. I loved being friends with her. Subrang talino niya sa klase at higit sa lahat masipag.

Habang nagbabasa kinuha ko ang suot niyang salamin " See? Ang ganda mo pagwala kang suot na salamin " Ngiting bigkas ko.Hindi siya nagsalita at kinuha ulit ang salamin bago sinuot.

" Hindi ko pweding tanggalin to' hindi malinaw ang paningin ko.At tsaka ikaw at si Mama lang ang nagsabi na maganda ako " Umiiling niyang anas. " Bakit ba kase hinayaang mong apihin ka nila? " Nagbabasa parin siya habang tinatanong ko iyon.

" You can just fight naman don't you? Ang hirap kaya ng sitwasyon mo "

" Walang mahirap Persia, sanay na ako " Ayan na naman siya sa pagiging sanay. Matapos ang klase namin ay naupo na siya sa bench at muling nagbasa.

Nagpaalam ako sandali para mag banyo at mag retouch, inalok ko pa siya kung gusto niyang sumama peru umiling siya. Abala ako sa pag-aayos ng buhok ko ng makarating ang iilang studyante sa loob ng comfort room.

" Ikaw ang bagong kaibigan ni pangit? " Taas kilay kong tiningnan ang isang babae na maikli ang buhok.Kung makasabi ng pangit akala mo namang kagandahin e hindi naman!

" And why? " Mataray ko siyang hinarap ngunit mahina itong natawa bago ang kasamahan niyang mga babae.Ganon na ba sila kasama? Ano bang ginawa ni Zheily para maging masama sila at pagmalupitan ang kaibigan ko?

" Really girl? Kinaibigan mo talaga ang pangit na iyon? " Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.

" Hindi siya pangit! Ano naman kung kaibiganin ko siya ha? " Natawa ang kasamahan niya.

" She's really pangit at ikaw lang ang hindi nakapansin non bulag ka ba? "

" Jeje nga ang babaeng iyon, papansin pa e ang pangit pangit! "

" Yeah girl, as in! "

" Kung ako sayo, layuan mo siya, or ang gawin mo pahirapan mo at ipahiya mo ang pangit na iyon! " Naikuyom ko ang kamao ko at handa ng suntukin sa mukha ng babaeng kaharap ko ngunit napatigil ako ng makarinig ako ng nag-iingayan sa labas.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now