CHAPTER 33 : 𝗧𝗛𝗘𝗜𝗥 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗥𝗘𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦𝗛𝗜𝗣

859 33 0
                                    

ZHEILY'S POV

" Zheh, dalian mo nandito si Kenzo sa labas hinihintay ka! " Naibaling ko ang tingin ko sa pintuan ng classroom namin at nakita ang kinikilig na mukha ni Sheh.Mula sa pagbabasa ng libro ibinaba ko nalang iyon at tumayo sa kinauupuan ko.

" Saan? "

" Dalian mo! " Nakangiting tumakbo ako sa gawi niya at nagulat pa ako nang makita si Kenzo.

" B-bakit ka nandito? " Ngumiti siya ng tipid at lumapit sa akin bago ako halikan sa noo, amoy ko na naman ang hindi nakakasawang pabango niya.

" I miss you "

" Masyadong maaga para makipaglandian Pres K baka langgamin ang kaibigan ko niyan! "

Mahina akong napatawa sa sinabi ni Sheh. Ilang araw narin at ganito na palagi ang set up niya, kapag tapos na ang klase niya, siya talaga ang susundo dito sakin.

Marahil naging palaisipan narin sa lahat kung ano ba kami ni Kenzo.Kung ano ba ang namamagitan sa amin, naging isyu narin kami sa campus at iyon talaga ang ikinakahiya ko.

" Luhh magkasama na naman sila "

" Halata na talaga ang relasyon nila hindi ba?"

" Hayaan niyo na bagay naman sila. "

" He's very sweet nga eh, ang swerte naman ni Zheily "

Kapwa kami napatingin ni Kenzo sa mga kapwa naming studyante na nakatingin sa amin.

Napakunot noo nalang ako nang bigla silang tumakbo kaya nang tumingin ako kay Kenzo seryuso ang mukha niya.

" Luhh tumakbo?! " Nagtatakang tanong ni Sheh.

" Hoy anong ginawa mo? Sinamaan mo ba ng tingin? " Serysuso parin ang tingin ni Kenzo sakin at nagkibit balikat lang ito sa tanong ko.Kinikilig na sinundot ni Sheh ang tagiliran ko. Tinaasan ko siya ng kilay nang mapatingin siya sakin.

"Nakakainggit naman kayo, sige magdate muna kayo dyan " Paalam ni Sheh.Alam ko kung saan iyon pupunta paniguradong mangungulit na naman yon kay Zhoren.

Nang mapatingin ako kay Kenzo ngumiti siya bago marahan na hinawakan ang kamay ko, kaya ang ibang studyante napako na naman ang tingin sa kamay namin. " H-hindi ka ba nahihiya? "

" Nope! " Napangiwi nalang ako sa inasta niya.Peru talagang nakakakilig, halata na hindi niya ako pinagdedeny, parang mas lalo pa niyang gustong ipagsigawan kung ano ang relasyon namin.

" Are you hungry? "

" M-medyo " Nahihiyang sagot ko.

He chuckled. " It's kinda cute " Aniya ,mabilis na nag init ang magkabilang pisngi ko.

Magkahawak kamay na pumunta kami sa cafeteria at hindi parin maiwasang pagtinginan kami ng studyante sabay bulong.

Katulad ni Kenzo hindi ko nalang pinansin iyon hanggang sa  makarating kami sa loob ng cafeteria, subrang daming studyante sa loob, subrang daming matang nakamasid sa amin. Nang makita ko si Kierra dumaan na naman ang galit sa mukha niya.

Patuloy lang kami sa paglalakad sa gitna.Naghahanap ng bakanteng lamesa nang biglang may humawak sa pulsuhan ko kaya napatigil kami ni Kenzo.

" Press K dito na kayo, may bakante naman "

" Jace " Masayang banggit ko, nang mapatingin ako sa tabi niya si Zayden iyon at tila seryuso na siya ngayon, minsan nalang siyang ngumiti sakin.

Noong nakaraang araw pa na ganiyan ang pakikitungo niya sakin.Tinanong ko siya kung galit ba siya sa ginawa ko sa kapatid niya peru sabi niya hindi.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now