CHAPTER 7:𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗛𝗜𝗠

1.5K 47 1
                                    

ZHEILY'S POV

Makapigil hininga ang ginagawa nina Kenzo at Zayden, mas lalo lang akong naiilang dahil kanina pa sila nakatitig sakin, parang gusto ko nalang lamunin ng couch na inuupuan ko ngayon.

Kinakabahan narin ako sa uri ng titig sakin nina Kierra na kulang nalang umusok na ang ilong nito dahil sa galit, pinapatay nila ako sa uri ng tingin nila sakin, at si Persia naman walang balak na lapitan ako kaya heto ako ngayon parang bato na ang katawan sa aking inuupuan.

Nang magsimula na ang seremonya, naiwan kami saglit ni Zayden dahil may hinandang speech pala ang Press ngayon, tumayo si Kenzo at saglit lang akong tiningnan bago pumunta sa entablado.

Napapahanga parin ako sa kaniya, kahit wala na dito ang katawan niya ngunit ang mabango niyang perfume ay naiwan sa kinauupuan niya, maski tuloy ako ay nadikitan ng mabango niyang perfume.

Seryuso parin ang mukha niya nang makapunta siya sa taas, bahagya pang may binulong ang Lolo niya bago siya tapikin sa braso, sa palagay ko 60+ na ang edad ng Lolo niya ngunit halatang malakas at healthy ang katawan nito.

" Hello, and good evening everyone " Paninimula nito. " This is 51th anniversarry of our school, I hope this night we will enjoy." Marami siyang sinabi sa entablado ngunit hindi ko na napagtuunan ng pansin iyon dahil nakipag-usap sakin si Zayden.

Nakalimutan kong makinig sa mensahe niya, habang ako sarap na sarap sa pakikinig sa usapan ni Zayden.Hindi ko alam na subrang nakakalibang ang boses niya.

"We don't know, but I think nagseselos lang siya kay Kenzo " Napatango ako.Tungkol Kina Jake at Kenzo ang topic namin ngayon.

" But Kenzo, he still want to control his anger, lalo pa't siya ang ssg president kailangan niyang ibalanse ang galit niya at pabayaan ang grupo nina Jake, hindi makatanggap ng pagkatalo ang isang iyon, but we hope, that everything will be okay " Seryuso parin ang mukha niya habang nagsasalita siya.Napakagwapo niyang pagmasdan.

" Ngayon ko lang ito nalaman, p-pwede namang iwasan nalang, huwag lang magkagulo ang grupo niyo at grupo ni Jake " Tumango siya. " Iyon ang ginagawa namin, kami nalang ang nag aadjust. But you really okay? " Ngumiti ako at sumulyap sa pasa ko.

" H-huwag kang mag-aalala okay lang ako, ngayon ko lang nakaharap si Jake, he's dangerous, kinabahan ako kanina " Mahina siyang natawa. " It's obvious namutla ka nga" Natawa narin ako, hindi kase mapigilang mamutla muntik ba naman akong halikan.

Ngayon ko masasabi na napakasarap niyang kausapin, hindi ko maintindihan ngunit hindi ako naiilang kapag siya ang kausap ko, komportable ako palagi.

Kinuha niya ulit ang kamay ko at sinuri ang pulsuhan kong may pasa, ang bilis ng tibok ng puso ko habang ginagawa niya iyon. " I think you should put ointment on your bruise " Napatitig ako sa mukha niya.

" O-oo, kapag nakauwi na ako tsaka ko lalagyan " Umiwas siya ng tingin sakin at tumingin sa mukha ko, ngumiti siya bago ako pagmasdan. " Your voice is familliar " Kinabahan ako sa sinabi niya.

" Don't worry hindi ako magsasalita, I think kilala na kita " Nanlaki ang mata ko.Manghuhula ba ang lalaking ito?Agad na kumuha ako ng tubig at ininom iyon dahil nanunuyo na ang lalamunan ko.

" Your so cute " Napaubo ako habang umiinom.T*ngina para akong nabilaukan ng tubig kahit hindi naman, natawa siya saglit at nagmadaling kinuha ang tissue, pinunasan niya ang gilid ng labi ko na basa dahil sa tubig.

" A-ako na " Naiilang kong kinuha ang tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko habang nakatingin kay Zayden. Napaiwas lang ako ng tingin sa kaniya nang may tumikhim.Nagtaas ako ng tingin at subrang bilis ng tibok ng puso ko nang makita ang seryusong mukha ni Kenzo.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now