Gusto ko na lang lumubog sa kinauupan ko sa sobrang hiya ko! Arrgghh! Matalino ka pero bakit natatanga ka kapag kaharap mo ang professor mo!? Kainis!

Napanganga ako sa narealize ko, "O-oh..Y-yun ba Ma'am? S-sorry... I really thought... Ugh! Sorry talaga Ma'am." Napasapo na lang ako sa noo ko habang nag iinit ang pisngi ko.

Parehas kaming natahimik ni Ma'am. Hanggang sa makatapos kaming kumain. Matapos magbayad ay sumakay na kaming muli sa sasakyan upang magtungo sa market at maghanap ng mga pwedeng bilhin para sa mga kababaihan sa foundation.







Buong araw lang akong nakabuntot kay Ma'am. Hindi ako makapagsalita mula kanina dahil kung ako lang, gusto ko na muna mapagisa dahil sa kahihiyan ko.







"Can you help me with this?" Lumingon si Ma'am at inaabot sa akin ang isang supot ng napamili niya. Kaya kinuha ko ito agad at sumunod muli kung saan man siyang magpunta habang inaabot ang mga pinamili niya. Ngalay man ang mga braso ay hindi na ako nagreklamo dahil ayaw ko na muna magsalita.







Matapos naming makabalik sa sasakyan nang ilang ulit at ilagay ang mga pinamili ay lumingon siya sa akin, "Do you want ice cream?" She cheekily smiled while pointing at the ice cream vendor near our spot. It's a sorbetes.

Ngumiti ito na tila nagpapahiwatig na siya ang may gusto ng ice cream. "Sige lang, Ma'am." Maiksi kong tugon na kinanguso niya.

"Manghuhula ba uli ako kung ano ang gusto mo o hindi?" May bahid ng lungkot ang boses nito at lalong ngumuso.

Bakit ganito siya? Ang cute niya masyado!

"Okay po, Ice cream tayo. Libre ko na." Pagaalo ko sa kanya kasi para na siyang iiyak kung hindi ko pagbibigyan. Atsaka tanghali na rin, mainit kaya sakto rin kung makapag ice cream kami.

"Kuya dalawang ice cream po," sambit ko sa matandang lalaking nakasumbrero at may puting towel na nakasukbit sa balikat.

"Kahit ano pong flavor, Ma'am?" Tanong ng matanda sa akin.

Sinilip ko ang loob ng lalagyang ng sorbetes. Tatlong flavor ang nandoon. Isang chocolate,vanilla at strawberry. Napangiti ako dahil may favorite ako sa sorbetes ni kuya. Magsasalita na sana ako kaso inunahan na ako ng professor ko.

"Mix na lang po yung akin then yung kanya puro strawberry lang." May ngiting saad nito sa matanda.






Hindi na ako nakareact pa ng sinimulang sandukin ng matandang lalaki ang ice cream para sakin at ilagay sa may apa. Iniabot nito ang apa na may sorbetes kay Ma'am pagtapos ay iniabot ni Ma'am sa akin. "Here, I know it's your favorite." May galak niyang binigay sa akin ang sorbetes na para sakin.

"Paano niyo alam na favorite ko ang strawberry?" May pagtatakang tanong ko sa kanya.

Medyo natigilan siya pero nagsalita rin agad, "Of course, it's obvious. Iba ang tingin mo sa strawberry kapag nakakakita ka noon. Like the last time sa garden, right?" She giggled and tap the tip of my nose playfully.

Hindi ako nakaiwas kaya namula ako ng ginawa niya yun. Parang walang nangyari kanina. Ang bilis niya makalimot.





Kita ko naman kung paano magpukol ng tingin sa aming dalawa ang nagtitinda ng ice cream at napangiti din dahil sa lawak ng ngiti ng kasama ko. Sadyang nakakahawa lang talaga ang ngiti ng propesorang ito at wala siyang malay kung ano ang epekto nito sa iba tulad ko.

"Ito po ang inyo, Ma'am." Abot ng matanda sa professor ko. Dali dali niya iyong kinuha at hindi na pinansin pa ang matanda dahil sa tuwa. Para siyang batang napagbigyan ang gusto.

This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now