Napalingon agad ako sa pintuan ng bumukas 'yun. Unang pumasok si Yaya Helda at sunod naman na pumasok ay sk MJ. May bitbit nga siyang first aid sa kanang kamay. Nakangiti siya sa 'kin ng malapad pero inirapan ko na lamang siya.

Ang lakas ng loob niya na ngumiti sa harap ko pagkatapos niya'ng paduguin ang ilong ko.

“Ano ba talagang nangyari hija?” biglang tanong ni Yaya Helda at saka tinaas ang noo ko.

“Huwag kang yuyuko, senyorita.” Utos nito kaya pinanatili ko na lamang nakataas ang aking noo. Siguro, destiny ko talagang maging psychopath at ang una kong p4patayin ay si Mj talaga.

Mukhang may dala kasi siyang malas araw-araw at sa 'kin mapupunta kapag kasama ko siya. Ano ako tagasalo ng mga malas niya?

AS TIME PASS BY, umalis na si Yaya Helda. Matalim akong napalingon sa lalaking nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng diyaryo. This is all his fault!

Umirap na lamang ako ng hindi siya nag-angat ng tingin sa 'kin. Mukhang busy'ng busy yata siya sa binabasa niya.

“Lumayo ka nga sa 'kin. Minamalas kasi ako kapag kasama kita 'eh. Shoo!” pagtataboy ko sa kaniya sabay kumpas ng kamay ko.

Napalingon ako sa gawi niya at kumunot ang noo ko ng makitang ang lapad ng ngiti niya. Ano ba'ng nangyayari kaya dito?

“Ibig ba'ng sabihin nito na p'wede na akong umalis?" Tanong nito at saka malapad na ngumiti. Nagpa-cute pa siya sa 'kin at lumabas ang dimple niya.

Napabuntong hininga na lamang ako bago napatingin sa tambakan ko'ng school works. Kailangan kong tapusin ang presentation for my reporting, essay, at poster, pero pabida itong math at kanina pa ako nitong nag-so-solve ay hindi ko pa 'rin makuha ang tamang sagot.

“Gawin mo muna ang math assignment ko at papayagan na kitang umalis.” wala sa modong wika ko sabay tulak ng papel ko sa kaniya. Malapad naman siyang napangiti at napa 'yie' pa sabay kuha sa papel at binasa niya 'yun.

“I failed this subject back then,” reklamo niya habang nakatitig doon. “Paano ko ba 'to sasagutan?”

Well, akala ko magaling siya sa math kasi pabida siya. Eh, bakit ngayon namoblema na siya kung paano sagutin. Bagay talaga sa 'yo.

“Senyorita,” tawag nito sa 'kin kaya napataas ang noo ko at tiningnan siya. Sandali ko pa'ng tinigil ang pag-d-drawing ko sa poster ko para tingnan lamang siya.

“P'wede pa hotspot.” tanong nito sa 'kin at nagpuppy eyes pa.

Napatawa naman ako ng marealize ko kung bakit gusto niyang makihotspot. I-r-research niya ang math problem? Nababaliw na ba siya? Mabuti sana kung 'Who invented the zero number?' ang tanong dahil may tsansa pang ibigay ni google.

“Sige na.” nakanguso nitong wika. Napailing naman ako habang nakatingin sa kaniya.

“Fine.” wika ko at saka tiningnan ang phone ko.

“Wifi na 'lang dito sa bahay gamitin mo,” wika ko at saka tumango naman siya.

“Pangalan at password?” tanong nito.

“Pangalan, globeAtHome.” usal ko at muling binalik ko ang mata ko sa poster.

“Password, Small letter 'b' then '5' and then small letter 'v' and then capital letter 'GH'” wika ko habang hindi siya tinitignan.

b5vGH, ang naisipan kong gawing password sa Wi-Fi namin. Hindi ko 'rin alam kung bakit 'yun ang pumasok sa isip ko.

“Thanks, naka-access na ako. Basta kapag nasagutan ko 'to, aalis na ako.” pabulong na wika.

“Goodluck,” tugon ko na lamang sa kaniya.

“Ikaw magsulat, Senyorita?” biglang tanong nito.

“Siyempre ikaw.”

“Fine, matatagalan talaga ako nito,” usal nito. Sandali ko pa siyang sinulyapan. Nag-t-type siya sa phone niya at pag-scroll-scroll pa.

“Siguraduhin mo'ng perfect ako, huh?” wika ko. Sandali naman siyang napalingon sa gawi ko at binigyan ako ng thumbs up at saka ngumiti ng malapad.

Ilang minuto pa siyang nag-scroll sa kaniyang phone kaya hinayaan ko na. Isantabi ko muna ang math. Uunahin ko muna itong poster dahil pakiramdam ko inuubos lang ng math ang brain cells ko.

An half our later, napainat ako ng kamay habang nakatingin sa poster ko. Sa wakas, tapos na 'rin. Napatingin ako kay Mj. Nakatitig siya sa papel at parang chine-check niya ang kaniyang ginawa.

Mukhang may alam pero ang totoo nahihirapan pala.

Napairap na lamang ako sa naisip ko at saka tumungo sa kaniyang kinauupuan. Inagaw ko sa kaniya ang papel at napa'o' ang bibig ko sa bigla. Nasagutan niya ang ten items in 30 minutes.

Chi-neck ko pa kung tama ba ang pagkakasolve at namangha ako dahil tamang-tama talaga ang step-by-step.

“P'wede na 'ba akong umalis?” inaantok na tanong nito. Napatingin naman agad ako sa kaniya at pinanliitan siya ng mata.

“Saan mo 'to nakuha?” tanong ko sa kaniya.

Iniwagayway niya agad ang phone sa 'kin kaya nanlaki ang mata ko ng may naisip.

“Nagpatulong ka 'ba kay Amaya?” nanlaki ang mata niya sa paratang ko at ilang sandali pa ay napahagikgik.

“You know, ang galing ko kaya mag-search.” Nakangising wika nito kaya agad ko siyang pinagtaasan ng kilay.

“Makikita ba sa google ang buong solving?” I hissed.

Tumango-tango naman siya kaya agad kong na-intriga.

“Paano?” naguguluhang tanong ko.

Ini-open niya ang kaniyang cellphone at pinakita sa 'kin ang isang app. Gauthmath? Kaya pala ang dali lang niyang nakataps.

“Aalis na ako.” turan nito at tatayo na sana ng hinila ko ang kaniyang likod.

“Sagutan mo muna ang essay ko. The world theory, Zero plagiarism!” inis na wika ko sabay tulak sa kaniya ng isang papel. Napangiwi naman siya at napahaplos pa sa kaniyang likod.

“1000 words.” dagdag ko. Tingnan natin kung makaalis ka 'pa. Lumabas ako ng silid at iniwan siya sa loob. Dumiresto ako sa kusina at nagtimpla ng kape.

Napatingin ako sa aking cellphone. 10 minutes since I left him. Nakangisi naman akong bumalik sa aking silid habang bitbit ang aking kape.

Nabigla na lamang ako ng iniwagayway niya sa 'kin ang papel na puno na ng sulat. Binasa ko pa ang introduction nito at ang ganda. Walang grammatical error man lang.

Napalingon ko siya habang pinanliitan ko ng mata.

“Plagiarized ba 'to?” umiling naman siya bilang sagot at nag-open sa kaniyang phone. May ipinakita naman siyang isang app sa 'kin. Huh? Chat with AI?

“I asked him to give me a 1000 word essay for the world theory at binigyan niya naman ako. Easy peasy.” nakangisi nitong wika. Naisahan na naman niya ako.

“Aalis na ako Senyorita, see you tomorrow morning.”

TO BE CONTINUED....

SenyoritaWhere stories live. Discover now