"Si Sander kaya? Saan diyan?" Tanong nito sa akin.

"Bes. Ilang taon ng wala si Anex. Sigurado ako. Kung saan man siya diyan. Lagi ka niyang pinapanood." Sagot ko naman rito.

"Pero alam mo ba bes. Para sa akin, isa sa mga star na 'yan ay ako." Sabi nito ng halos bumubulong na lang.

"Yun oh. Yung pinakamaliwanag na star, yung may katabi na parang blue na star. Yung blue na 'yon, ikaw 'yon. 'Yan yung star na lagi kong unang nakikita mula nung sinamahan mo ako nung mga bata pa tayo." Sabi nito habang tumuturo sa mga bituin.

"H'wag mo akong iiwan ha, bes? Ikaw na lang ang meron ako." Bulong nito.


Hindi ko na alam na umiiyak na ako sa mga ala-alang naiisip ko. Mga ala-ala namin bilang magkaibigan, magkapatid at halos magkatuwang sa buhay. Napatitig ako sa bituin na katapat ko.

Mag'isa.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa duyan saka na pumasok ng bahay. Kumuha ako ng isang bote ng alak na naiwang nakabukas sa counter. Iniubos ko ito agad kaya naman ramdam ang guhit ng alak sa lalamunan ko. Kinuha ko pa ang isa at napagpasyahang mag'ikot muna sa subdivision.

Naglakad lakad ako sa labas habang inuunti unti ang hawak kong bote ng alak. Halos bawat lugar sa subdivision na ito ay may memorya. Memorya ni Donia. Memorya namin bilang mga bata.

Kaunti na lang ang natira sa iniinom ko ng makarating na ako sa park ng subdivision. Naupo ako sa isang swing doon at tumingala sa tala. Katapat ko pa din ang bituin na tinitignan ko kanina na para bang sinusundan ako nito maging saan man ako pumunta. Tumayo ako para magpunta sa may malaking puno malapit sa seesaw rito. Kinapa ko ang puno hanggang sa maramdaman ko ang pangalang nakaukit roon.

Donia BFF Pain

Napagitla na lang ako ng may marinig akong sinok at hikbi. Naubos ko na ang alak na hawak ko saka pa lang ako tumayo para tignan kung saan galing ang tunog na 'yon. Binitawan ko sa tabi ang boteng hawak ko. Dahan dahan kong sinundan ang papahinang hikbi na naririnig ko. May nakita akong aninong nakaupo sa kabilang tabi ng puno. Lumapit ako rito para tanungin sana kung bakit it umiiyak ng mapansin kong si Donia pala ito. Tumabi ako rito saka tinignan.

"Don." Halos pabulong kong sabi.

Humarap ito sa akin at hinawakan ako sa pisngi. Agad din naman akong binitawan nito at tumawa ng mapakla.

"Kanina sina Mama at Sander. Ngayon, ikaw naman? Alis na ilusyon. Sanay na ako mag'isa." Naiiling na sabi nito habang patuloy na lumuluha.

Nakita ko itong pumikit at sumandal sa puno. Pinanonood ko lang ito sa kadahilanang kasalanan ko lahat kung bakit ganito siya ngayon. Ako ang may kasalanan kung bakit wala na si Alex, ako ang nangako sa kanya na 'di siya iiwan pero eto siya ngayon mag'isa.

Sinubukan kong hawakan ang kamay nito pero hindi ko na ito natuloy nang bumagsak ang ulo nito sa braso ko.

"Don?" Panimula ko.

Tinignan ko ito sa mukha at nakitang may bahid ng dugo ang pisngi nito. Nagulo naman agad ang isip ko at tinignan kung saan galing ang dugong iyon. Nang may makita akong basag na bote sa kabilang tabi nito ay tinignan ko ang kamay nito. Hindi nga ako nagkamali ng inisip. Punong puno ng dugo ang pantalon nito dahil sa dugo galing sa kamay nito.

"Donia. Wake up. Sht. Why did you even thought of doing this!"

Binuhat ko na ito agad at tumakbo papunta sa bahay para maidrive ito papunta sa ospital.

-

I was walking back and forth outside the emergency room not knowing what to do. They didn't want me there because I'm not a family member. I was so nervous when the doctor came out of the ward and walked towards me.

"Dok. Kamusta siya? O-okay na ba siya? Nagising na ba?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"She's fine. Maraming dugo lang ang nawala sa kanya kaya kailangan namin siyang salinan ng dugo. Wala na ba siyang ibang kamag'anak?" Sabi naman niya.

Napailing na lang ako. Napayuko ako sa pagkakataong iyon. Wala akong magawa. Ngayon, ako naman ang nagbibigay sa kanya ng sakit na nararamdaman niya.

"Please dok. Do everything. Kahit magkano babayaran ko." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"We will. Excuse me."

Pumasok ako sa ward at nakita yung nurse na inaayos ang IV ni Donia.

"Sir. Pakipirmahan na lang po dito." Sabi nito.

Pumirma ako saka na umupo sa tabi niya. Sumulyap ako sa nurse at nagtanong.

"Ilang stitches?"

"14 and 12, Sir. Excuse lang po." Sabi nito saka na umalis.

Naluha na lang ako sa nakikita kong maputlang mukha. She looks fragile. Fragile angel who's hurt by a demon.


OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon