Hindi ko na rin namalayan na nakaidlip na pala kaming dalawa ni Bridge dito sa sahig. Nagising na lang ang diwa ko nang may tumapik tapik ng pisngi ko.



"Zamora,"



"Just slapped her hard! You're so gentle, paano mo magigising iyan kung ganyan? Tss!"


"Shut up! Baka magising."


"That's the point, stupid!"



"Tsk. Umalis ka na nga!"


"Ganito manggising. Watch and learn, hm?"


"Hey," I heard a loud slap from my right side.



"Pot— M-ma'am," si Bridgette iyon. Sa kanyang boses iyon na parang nakakita ng multo.


"See? Effective!" Teka sinong Ma'am ba yan.




"Gosh, you're unbelievable!" Teka boses ito ni Ma'am Adler.



Napadilat ako bigla nang marealize ko ang mga boses na kanina pa nagtatalo sa paligid ko.




Napalaki ang mata ko at dali daling napaupo dahil sa nakita ko.




Kinusot ko ang mga mata ko para makasiguradong tama ang nakikita ko.




"A-ang sakit," rinig kong mahinang reklamo ng katabi ko. Si Bridgette na ngayon ay hawak hawak ang pisngi niya at mukhang maiiyak na ata.



"I told you so, Natalie! You're so brutal."
Ma'am Adler hissed and went to my side where my best friend is sitting with her hand on her cheek gently caressing it.




"Hey, let me check.. Oh my, I'm sorry about that. Wala kasing gentleness sa bukabularyo ng prof niyo. Ako na ang humihingi ng pasensya." She gently said while checking Bridge's face.



"Tsk, at least I did what's effective. Masyado mong binebaby ang mga estudyante mo. Kaya gumagaspang ang mga ugali." Pagtataray ni Ma'am Levine na ngayon ay nakasandal na sa pader habang nakahalukipkip ang mga braso at tila bored na bored sa nakikita niya.



Agad kaming napalingon sa gawi niya nung nagsalita siya pero inirapan lang kami nito. "What?" she innocently uttered.



Ramdam ko ang pag irap ni Ma'am Adler sa propesorang pinaglihi ata sa sama ng loob.

Nakakainis pala kapag may magaspang na ugali kang naeencounter eh noh?





Kuha mo ba, self? Buti na lang medyo lang ako at ang mahalaga don, maganda rin ako.



"Hey, come follow me to my office." Naramdaman ko naman ang biglang paglapat ng kamay ni Ma'am Adler sa balikat ko kaya sa kanya naman natuon ang atensyon ko.




"What are you still doing, Natalie? Take Bridgette with you and treat her cheek. Tutal ikaw naman ang sumampal diyan." Nagtitimping utos ni Ma'am Adler kay Ma'am Levine.




"Po? Ma'am? H-huwag na po, malayo ito sa bituka Ma'am." Umiiling na usal ng kaibigan ko, halatang ayaw niya sumama sa prof naming isa. Kumapit pa kasi ito sa braso ni Ma'am Adler na akala mo ay batang pinapasama sa taong hindi niya kilala.




Rinig ko naman ang malakas na pagtikhim ni Ma'am Levine sa gilid at dali daling pumunta kay Bridge at hinatak ito nang pabalang palayo kay Ma'am Adler.



Napamaang na lang ako sa nakikita ko ngayon. Grabe, naglinis at umidlip lang naman kami ng kaibigan ko pero ganito pa ang maabutan namin paggising.



This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now