Chapter 10

1.4K 41 0
                                    

Ikinuwento namin kay Manager Earl ang lahat lahat.  Napangiti naman sya at sinabing m.u. daw kami ni Ree pero sabay naming sinabi na friends lang kami. Natawa naman si Manager sa naging reaction namin.

"Manager, pwede pong magtanong?" tanong ko kay Manager Earl dahil alam ko may kamukha sya. Teka, sino ba 'yon? Di ko maalala.

"Yes, ano 'yon?" nakangiti nyang tugon. Huminga naman ako ng malalim bago ako magtanong . Nakatawa naman sakin si Ree sa ginawa ko kaya hinampas ko sya. Napa-aray naman sya.

"Manager, pwede ko po bang malaman kung anong full name nyo? May kamukha po kasi kayo"  nakita ko namang nag side comment itong kalapit ko kaya hinamapas ko naman sya.

"Marami akong kamukha dahil gwapo ako" at sabay naman silang tumawa ni Ree. Kaya hinampas ko na naman si Ree.

"Hoy, maawa ka sakin. Hindi mo ba alam na baka magalit sakin ang agency kapag nalaman nilang hinahampas mo lang ako" pagrereklamo naman nitong isang 'to. Nung una ay hindi naman ako maniniwala sa sinasabi ng lalaking 'to pero sinabi ni Manager Earl na totoo ang sinasabi ni Ree kaya nagsorry na lang ako.

"Bakit po tayo sa tanong ko Manager. Promise, kamukha nyo po kasi ung ex ng Ate Charen ko" pagpapaliwanag ko pero kagaya ng kanina ay nag side comment na naman 'tong kalapit ko.

"Ex na pala bat hinahanap mo pa?" kaya hinampas ko naman sya.

"Hoy, nakakarami ka na ah" pagrereklamo nya. Syempre, kailangan kong protektahan ang sarili ko kaya sinabi kong kasalanan naman nya at totoo 'yon dahil kasalanan nya.

"Manager Earl –" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ng ko ng nagsalita na si Manager Earl.

"Ano bang pangalan ng ate mo?"

"Charen po. Charen Cooper po" magalang na sagot ko. Hindi ko alam kung ako lan ba ang nakakita pero nakita kong napangiti si Manager, ung totoong ngiti ah.

"Ikaw ba ang kapatid ni Charen? Kumusta na sya ?" mukhang masayang masaya si Manager – teka, ibig sabihin ba nito sya si Kuya Jan?

"Ikaw po si Kuya Jan?" oo, sinagot ko ang tanong sya sa pamamgitan ng isa pang tanong. Curiosty !!

Nakita kong natawa sya. Napalingon naman ako dito sa kalapit ko pero nag sign syang hindi nya alam kaya nilingon ko na lang uli si Manager .

"Manager, bakit po?"

 "Pasensya na. Hindi ba masyadong halata? Or sadyang nagbago lang talaga ang mukha ko? Lalo ba akong guwapo ?" nakita kong nag thumps up naman itong kasama ko.

"Opo, hindi ko po kasi kayo nakilala eh" at nagkaroon kami ng panibagong kwentuhan at bago kami umalis ay hinihigi na rin ni Ree ung sched ni Ethan. Binigay naman ito sakin ni Manager. Nagpasalamat na kami kay Manager at lumabas na kami ng condo ni Manager ng may nahagip ang mga mata ko.

Si Ethan.

Bakit sya nandito? Dito rin ba sya nakatira?

Huminga ako ng malalim at inisip ko na lang na hindi ko na lang sya papansinin at aasta akong hindi ko sya nakita.  Pero dahil nga sa may kasama ako ay nasira itong plano ko.

"Hoy, dito ang daan! Bakit ka pupunta ng 3rd floor?" napakamot naman ako sa ulo ng nakita kong nakatingin na direksyon namin si Ethan. Masama ang tingin nya samin especially sakin. Teka, anong ginawa ko sa isang 'to? Diba dapat ako ang magalit dahil pinahiya nya ako 1 month ago?

Naglakad na lang ako kasunod ni Ree ng naglakad na rin si Ethan. Nung una ay akala ko ay hindi nya ako papansin ng tumigil pa talaga sya sa may tapat ko.

"Ano na naman 'to? Pati ba naman dito? Masyado ka na bang desperada para lang maging sikat? Tapos kasama mo pa si Reecee para ano? Para maging artista ka rin?" Ung pakiramdam na gustong gusto ko syang sampalin pero hindi ko magawa dahil iniisip ko ung pagtulong ko kay Reecee pero iba na 'to . Masasakit na ang sinasabi sakin ng lalaking 'to. Nakakasakit, akala mo kung sino sya!

Kaya sorry na lang , Sorry Reecee pero hindi ko lang kaya ang sinasabi nito.

Binigyan ko sya ng isang sampal. Ung sampal na sinigurado kong magmamarka dyan sa pagmumukha nya. Umaasa ako na kahit papaano ay mababawasan ang kayabangan nya.

"Mali ang iniisip mo! Hindi kasi ako katulad mong masyadong mataas ang tingin sa sarili. Nagsisisi nga akong sinabi ko sa buong mundo na ikaw ang boyfriend ko. Yuck ! Naaalala ko lang ang nakaraan, nagsisimula ng tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan" at pagkatapos non ay iniwan ko sya. Nakakainis sya.  Akala nya siguro porket hindi ko pinaglaban ang sarili ko nung oras at araw na'yon , hindi ko kayang ipagtanggal ang sarili ko. Pwes! Nagkakamali sya. Masyado lang akong nagsaktan ng araw na 'yon.

Naglakad na ako papalabas ng condo unit na 'to. Nakita ko naman si Ree na mukhang nabigla dahil halata pa sa mukha ko ang inis.

"O, anong nangyari sayo?" hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at naglakad na lang papuntang parking lot. Sinundan nya naman ako at nung nakita na namin ung sasakyan nya ay nagsimula na syang magdrive . Walang nagsasalita ni isa samin, marahil ramdam nyang ayaw kong sabihin kung bakit ako naiinis ngayon .

Narating kami sa may tapat ng bahay ko. Bumaba na ako ng sasakyan nya at plainly na nagpaalam sa kanya . Wala akong sa mood para pag-usapan pa ung nangyari . Ang gusto ko lang ngayon ay magpahinga.

Pagkapasok ko sa bahay ay dumiretso na lang ako ng kwarto ko. Marahil ay napansin din ni Ate Charen na may problema ako kaya hindi na nya ako kinulit. Bukas na lang ako magsasalita, ang gusto ko lang ngayon ay matulog at magpahinga.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon