Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Kabanata 14

271K 4.8K 56
                                    

Kabanata 14
Reasons

"Ay sorry, Ma'am. Hindi po pumasok ngayon si Doc." Sabi sa akin ng secretary n'ya pagkarating ko. Napapikit ako at biglang kinabahan sa sinabi n'ya.

"Ganun ba? Nagpasabi ba s'ya kung bakit?"

"Hindi nga po eh. This is very unusual. Hindi po nag-aabsent si doc ng walang rason." Tumango ako sa sinabi n'ya at agad kinuha ang phone ko sa bag para tawagan ang number ni Terrence.

Napapalatak ako at napapadyak sa inis at inulit ang pagtawag pero katulad kanina ay hindi pa rin n'ya ito sinasagot at nag-aalala na ako.

"Uhm, siguro naman ay may address ka n'ya, di ba?"

"Opo. Bakit, Ma'am?" Tanong n'ya sa akin.

"Gusto kong puntahan, nag-aalala ako eh. Ayos lang ba?" Nagbabakasakali kong tanong sa kanya, alam ko namang pwedeng hindi s'ya pumayag dahil sa confidential ito pero nag-aalala talaga ako.

"Ay ayos lang, ma'am. H'wag nyo na lang po sabihing ako ang nagbigay. Baka kasi magalit si Doc.." Ngiti n'ya kaya agad akong tumango at napabuntong-hininga.

"Sure." Agad s'yang tumipa sa computer n'ya at maya-maya ay nagsulat sa isang maliit na papel at iniabot sa akin.

"Ma'am, ito po." Agad ko itong inabot ang nagpasalamat bago umalis. Mabilis akong naglakad paalis at hindi na pinapansin ang mga nasa paligid.

"Natalie!" Natigil ako sa paglalakad ng may marinig akong boses ng isang babae kaya agad akong luminga para hanapin at medyo nagulat ng makitang si Tita Marian iyon.

"Tita!" Ngumiti ako at nilapitan s'ya. Patakbo s'yang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Naku, hija. Pasensya na kagabi. Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong n'ya at hinaplos ang buhok ko, pakiramdam ko ay nangingilid ang luha ko sa ginawa n'ya dahil naalala ko bigla ang mommy ko sa ginawa n'yang paghaplos sa buhok ko.

"Gosh! Oh no, don't cry Natalie! A-Anong gagawin ko?" Nagpapanic n'yang sabi at pinunasan ang luha ko sa pisngi.

"Gosh, I'm sorry.." Umiling ako sa sinabi ni Tita at ako na mismo ang nagpunas ng luha ko.

"No, Tita. No need to say sorry. It's just that I suddenly miss my mom." Malungkot kong sabi na ikinalambot ng mata n'ya.

"Natalie," she caressed my hair at hinawakan ako sa kamay. "Halika, hija. Join me, I'm having a snack. Let's talk." Nakangiting sinabi n'ya at hinila ako.

Napangiti ako ng mapait sa ginawa ni Tita. I wish my Mom is here.

"Hija, what's yours?" Tanong nito habang nakatingin sa menu ng resto na pinuntahan namin.

"Uh, vegetable salad and a glass of water will be enough." Sagot ko. Napangiwi naman si Tita sa sinabi ko at napailing.

"Nakakain mo ba yung mga damong yun? Gosh, hindi ko kaya kumain 'nun." Napatawa ako sa sinabi n'ya at napailing.

"Parehas po kayo ni Terrence na ganyan." Nanlaki ang mata ni Tita sa sinabi ko at nagtanong.

"T-Teka, I don't understand. How often did you two see each other?" Tanong n'ya at saglit na binalingan ang waiter sa gilid at sinabi ang order naming dalawa.

"Uh, minsan lang naman po." Napatango-tango si Tita sa sinabi ko at napahawak sa baba n'ya.

"Happy to hear that." Bumuntong-hininga s'ya pagkatapos at tumitig sa akin.

"Hija, I want to apologize for my son's behavior last night..." Natahimik ako sa sinabi ni Tita at napatungo.

"Ayos lang po..." Umiling s'ya at hinawakan ang kamay ko.

Taming My Billionaire (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon