Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Kabanata 11

286K 5.6K 254
                                    

Kabanata 11
Thallia

"Stand up and let's go." Napamaang ako sa sinabi n'ya at nag-angat ng tingin, itinigil ko ang pagkain ng cake.

"Huh? Bakit?" Nagtataka kong sabi at iniayos ang kulay itim kong dress na medyo hapit sa katawan ko at tumayo.

"May dinner daw." Mahinang sabi n'ya at tumalikod sa akin para ilagay ang puting suit sa sabitan.

"Dinner? Para saan?" Takang tanong ko at iniligpit ang platito at kutsara na ginamitan ko.

"Don't know." He shrugged at malamig akong tiningnan.

"Travis called. Come on." Tumalikod na s'ya sa akin at nagpatiunang naglakad palabas. Agad din akong sumunod at binilisan ang lakad ko para maabutan s'ya.

Ni hindi ko s'ya masyadong kinukulit dahil alam kong wala s'ya sa mood at masama ang pakiramdam n'ya, well I'm you used to it when he's masungit. Hindi naman bago iyon.

Hindi ko inantay na ipagbukas n'ya pa ako at ako na ang kusang nagbukas at pumasok sa sasakyan n'ya. Ako na rin ang nagkabit ng seatbelt ko at wala pang ilang sandali ay lumipat na rin s'ya sa kabila at walang sali-salitang pinaandar ang kotse n'ya.

Nakanguso lang ako habang nakatingin sa kanya na seryoso sa pagmamaneho habang kunot ang noo. Para s'yang constipated kung titignan pero hindi nababawasan ang kagwapuhan n'ya.

"Ano daw ang gagawin? Bakit may dinner?" Mahina at kalkulado kong tanong sa kanya. I don't want him to be pissed because of me being noisy, so I should ask him in a careful way. Lalo na at masama ang timpla n'ya.

"I don't know." Mahina n'yang sabi at ni hindi man lang ako pinasadahan ng tingin. Nakatingin lang s'ya sa daan at minsanang napapangiwi dahil marahil sa sakit ng ulo.

"Are you sure you're really okay?" Nag-aalalang sabi ko sa kanya. Tumango s'ya kaya nanahimik na ako.

Tinignan ko ang phone ko ng maramdaman ang pag-vibrate nito mula sa bag ko.

From: Dad

Natalie, dinner at Autumn's. Come.

Natigil ako at napabuntong-hininga. Kaya pala.

Hindi na ako nag-reply at agad ko nang ibinalik ang phone ko, tahimik lang kami. I mean, ako buong byahe. Agad ding nagpark si Terrence sa parking lot at agad kong kinalabit ang seatbelt ko at naunang bumaba.

Tumayo ako at inantay si Terrence makababa at sabay kaming pumasok sa loob, iginaya kami ng staff sa isang private room at ngumiti ako ng makita si Tita Marian, Terrence's mom.

"Natalie! Gosh, I'm glad you came!" Malawak ang ngiti n'yang salubong at bumeso sa akin at pagkatapos ay bumaling sa anak n'ya na nasa likod ko.

"Terrence, hijo! Magkasabay kayo?" Halong pagkamangha at pagkagulat na tanong nito.

"Uh, yes po." Ako na ang sumagot sa tanong dahil mukhang walang balak si Terrence at malamig lang itong nakatingin sa ina at nakapamulsa.

"Ma..." He greeted his mom and kissed her cheeks. Naglakad ako at nkangiting binati ang Daddy ni Terrence. Binati n'ya rin ako pabalik.

"Dad..." I smiled and approached him, he just smiled at iginaya ako paupo.

"Thanks for coming." Mahinang sabi n'ya at tumango ako. Medyo aloof pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari noon.

Naupo rin maya-maya sina Terrence at si Tita sa harapan namin. Si tita na may malaking ngiti sa labi at si Terrence na walang kahit anong reaksyon at nakatitig lang sa pader. He's being his old self again. Ang masungit at malamig na si Terrence Samaniego.

"Uh, excuse me po." Paalam ko sa kanila habang nagkekwentuhan tungkol sa business na wala naman akong maintindihan kaya magbabanyo muna ako.

"Sure, hija." Ngiti ni Tito. Agad akong tumayo at sinulyapan pa si Terrence na sinundan ako ng tingin palabas. Isang ngisi ang sumilay sa labi ko pagkalabas. My Terrence just looked at me!

Naglakad ako papuntang banyo at ginawa ang dapat gawin at pagkatapos ay tumingin sa salamin para ayusin ang itsura ko. Nag-aaply ako ng powder at ng lipstick sa aking labi ng magbukas ang pintuan. Natigil ako sa ginagawa at nagulat ng makita ang pumasok.

What the hell is this bitch doing here?

"Oh! Hi, Natalie!" Sarcastic at kunwaring gulat nitong bati sa akin at binigyan pa ako ng isang plastik na ngiti. Agad na umusbong ang galit ko dahil sa babaeng ito at gusto kong sampalin ang pagmumukha n'ya pero inawat ko ang sarili ko.

That won't do any good.

"What are you doing here?" Malamig at mariin kong sabi sa kanya at pinagpatuloy ang paglalagay ng lipstick sa labi ko.

"Doing? Oh, why would I tell you, Ate?" Nagpanting ng tenga ko sa sinabi n'ya at padarag na ibinaba ang lipstick at inilagay sa handbag ko.

"Stop calling me that. You'll never be my sister." Naiirita kong sabi sa kanya at tumingin sa salamin para ayusin ang buhok ko.

"Woah! Sorry dear but you can't deny the fact that we have the same blood." Nakangisi at tila nang-aasar na sabi nito sa akin.

"Well, unfortunately..." I laughed sarcastically. "What are you doing here, huh? Thallia?"

"Well, getting anything you have, I think?" Mariin akong napapikit sa sinabi n'ya at kinagat ang labi ko para hindi s'ya masampal.

"Try." I smiled at inayos ang handbag ko at padarag na naglakad paalis. That bitch was obviously my half-sister. She's the daughter of my dad and the reason why I was left here alone. No friends, no family and just me.

Pumasok ako sa private room at napatingin sila sa pwesto ko pagkapasok. Ngumiti ako ng tipid sa kanila at bumalik sa pwesto ko. Sumulyap ako sa ama ko na nakikipag-usap at nagtanong.

"Sinong inaantay?" Bago pa man nakasagot ito ay agad na nagbukas ang pinto at siya ring pagkagulat ko ng makita si Thallia, wearing a red maxi dress na halos makitaan na s'ya, hindi ko pansin ang suot n'ya dahil sa hindi ko ito pinagtuunan.

Bitch.

"Sorry, I'm late!" Maarte n'yang sabi at napasinghap ako ng tumabi s'ya kay Terrence.

What the hell?

"So, we are now complete." Pagkasabi nun ni Tita ay agad na nagbukas ang pinto at si-nerve na ang pagkain. Agad kong pinagdiskitahan ang vegetable salad at tumingin kay Terrence na seryosong nakatingin sa akin.

I smile pero sinimangutan n'ya lang ako at tumingin sa pagkaing kinuha ko.

I get it.

"Sorry." I said almost a whisper at kumuha ng totoong pagkain. Nagkwentuhan na naman sila habang tahimik lang ako at pinapatay na si Thallia sa utak ko sa sobrang inis dahil sa pakikipagflirt sa Terrence ko.

Oo, akin s'ya. No one will have my fiancé but me. Only me.

"As I was saying..." Natigil ako sa pagsubo at bumaling kay Tita na nagsalita at tumingin sa amin.

"So, uhm, let's talk about the wedding..." Napangiti ako sa sinabi ni Tita at naging attentive bigla.

"So, this dinner is all about the wedding?" Maarteng putol ni Thallia na nagpakunot ng noo ko.

"Yes, so as I have noticed ay close na sina Terrence and Natalie at dahil d'yan ay mas mapapadali ang preparasyon." Bumaling si Tita sa akin. "I told you, Natalie. You can get him." She smiled and winked at me kaya napatawa ako.

"Kailan pala natin paplanuhin ang kasal? It has to be fabulous like me and of course the-bride-to-be Natalie." She giggled kaya mas napangiti ako. I really like her.

"We can start now." Pasubali ni Dad.

"Sure! Kailan tayo magpi-fitting? We must have a wedding planner! Terrence, hijo, may kilala ka ba?" Excited na sabi ni Tita at maging ako ay ganun din, nakangiting bumaling ako kay Terrence pero agad ding nawala dahil sa sumunod na sinabi n'ya...

"No. I won't marry anyone. Definitely not her..."

Taming My Billionaire (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon