Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Kabanata 10

324K 6K 142
                                    

Kabanata 10
Scarf

"Aba! Aba! Anong drama 'yan? Jusko, ang init-init ng panahon, naka-scarf ka?!" Nanliit ang mata ko ng pagkapasok ko pa lang ng opisina ko ay bumungad na sa akin ang matinis at pang-baklang boses ni Joselito.

"Ano ngayon? Fashion 'yan." Umismid ako at dumiretso sa upuan ko para ipatong ang handbag ko at umupo bago pinasadahan ng tingin ang kaibigan-slash-manager kong si Joselito na prenteng nakasalampak sa couch.

"Fashion? Aba! Kelan pa nagka-snow sa Pilipinas, aber? Eh pagkalabas mo pa nga lang gusto mo ng maghubad ng saplot sa sobrang init e." Maarte n'yang sabi at pinaglaruan ang unan na nandun. Naisip kong naghuhubad ng saplot si Joselito kaya napangiwi ako.

Pero kapag si Terrence kaya? Nakagat ko ang labi ko at halos magliwanag ang mukha mo. Tsalap mo... Napahagikhik ako.

"H'wag kang magulo. Walang basagan ng trip." Umirap ako at nakade-kwatrong sumandal sa swivel chair ko. Bakit ako naka-scarf? Alam na. Ang gwapong babe ko ang salarin!

Kaya pala nagso-sorry kasi hindi sinunod ang gusto ko. Kainis naman! Paano 'to? Sana matanggal agad, halata pa rin kasi kahit may concealer.

"Hoy! Teka! May nakalimutan kang ikwento sa aking bruha ka." Agad na lumipat sa visitor's chair sa harapan ko si Joselito at nakahalumbaba na nakatingin sa akin, nakanguso pa ang bakla at nag-aantay ng sasabihin ko.

"Anong ike-kwento?" Kunwaring hindi ko alam at inayos-ayos ang folder na nasa lamesa ko.

"Aba, maang-maangan ka pa dyan. If I know, kumekerengkeng ka lang kay Papa Terrence kapag wala ako! Isa kang hampaslupa! Mga taksil!" He hissed at pinaawa pa ang mukha. Natawa naman ako bigla sa itsura n'ya dahil sa totoo lang ay mukha s'yang natatae.

"Tumigil ka nga d'yan, Joselito, lumalove-life na ako." Proud kong sabi at pagkatapos ay tumawa na nang-aasar.

"Love life ka d'yan. Magkwento ka! Ano yung nakita ko kahapon? Ha?" Tinaasan n'ya ako ng kilay at humalukipkip sa harapan ko.

"Teka lang, yung fitting. Ano, kumusta?" Tanong ko at nagseryoso naman ang mukha n'ya at tumango.

"Doing fine. Na-check ko na yun, nung nakaraan pa. Wala nang problema doon, ikaw kasi naka-focus sa love life mo!" Ngumiwi s'ya at inagaw ang ballpen na hawak ko.

"Okay, ito na, kasi naiwan ko yung panyo sa office n'ya tapos dinala n'ya dito..." I grinned and wiggled my brows.

"Pumupunta kang office n'ya?!" Gulat n'yang sabi at agad akong tumango. "Kerengkeng ka talaga." Dagdag n'ya kaya umismid ako.

"Para-paraan lang yan, Jose. Tsaka hindi ko naman sinasadya na maiwan e, tapos hindi ko aakalain na dadalhin n'ya dito yun. Knowing Terrence, he's so cold at kung iisipin mo ay pwede n'ya yung ipagsawalang-bahala or throw it instead." I shrugged at nagpatuloy.

"Pero sadyang maganda ako at mahaba ang hair ko kaya hindi n'ya tiniis at pumunta s'ya dito para isauli." I grinned and flipped my hair towards his face kaya tumama iyon sa mukha n'ya at nairita s'ya.

"Akin na 'yang buhok na 'yan nang magupitan!" Matinis n'yang sabi kaya napatakip ako ng tenga.

"Bunganga mo naman, Joselito!" Reklamo ko.

"Joselito ka d'yan. 'Jho' nga kasi. Nasisira tuloy ang maganda kong image sa'yo." Reklamo n'ya.

"Sus. Sira na image mo noon pa." Tumawa ako.

"Tapos 'yun nga, pumunta s'ya dito tapos nagalit s'ya ng malaman na hindi pa ako kumakain tapos niyaya n'ya ako kumain! So thoughtful!" I said dreamily and really feeling proud.

Taming My Billionaire (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon