Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Kabanata 6

306K 6.1K 193
                                    

Kabanata 6
Busy

Busy ako sa mga sumunod na araw, palapit na palapit na kasi ang launching ng clothing line ko kaya kailangan kong palaging nasa shop ko para ma-check lahat ng kakailanganin pa.

Naging busy ang schedule ko at sunod-sunod ang pagpunta ko sa pinagkukuhaan ng tela ng mga damit na nanggaling pa sa Germany. Mapili kasi ako sa mga ganitong bagay, hindi baleng mahal basta ang mahalaga ay ang kalidad nito.

"Kathy, please inform Mr. Legaspi, padalhan mo s'ya ng invitation para sa launching. Pati na rin ang mga nasa listahang ito."

"Yes, ma'am." Agad n'yang kinuha ang papel na hawak ko at lumabas na para maumpisahan ang pagbibigay ng invitation. Mahalaga ang preparasyon ng event na ito dahil sa marami ang mga kilalang tao ang pupunta pati na rin ang iilan sa inimbita ko sa media para makuhanan ang event at iilang magagaling at kilalang mga fashion analyst.

We are known for a quite long time pero ngayon ang biggest break ng team ko dahil sa malalaking taong imbitado.

I settled myself sitting like a queen on my swivel chair while playing with my pen. Napanguso ako dahil sa excitement at kaba para sa magaganap sa susunod na event pero hindi ko pa rin makaligtaan si Terrence.

Kumusta na kaya s'ya? Kinakain n'ya kaya ang cake na pinapadala ko? It's almost three days since I last saw him, masyado na kasi akong busy.

I fished my phone out of my handbag at agad na tumipa para mag-text sa kanya.

To: Babe

Hi, Babe! How was your day? I missed you!

I waited for a few minutes pero wala pa ring reply kaya mas sumambakol ang mukha ko. Well, kung sabagay hindi naman talaga n'ya nirereplayan ang text messages ko kaya anong bago? Kaya sa halip na mag-hintay ng reply n'yang napakaimpossible ay agad kong inabot ang telepono sa lamesa ko at agad di-nial ang telepono ng opisina n'ya.

Tignan natin kung hindi pa n'ya masagot 'to.

"Terrence Samaniego, speaking..." Lumaki ang ngisi ko ng marinig ang baritonong boses n'ya sa kabilang lin'ya at pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko sa saya.

"Who is this--"

"Hi, babe!" Malakas kong sabi sa kanya.

"Who the fuck-- Sena?!" Gulat n'yang sabi at narinig ko ang marahas n'yang pagbuntong-hininga sa kabilang lin'ya.

"Uh-huh! How's your day, babe?" I said sweetly. Nakangiti pa ako.

"Why did you call?" Tanong n'ya at hindi sinagot ang sinabi ko.

"I missed you already na! Did you miss me?" Sumandal pa ako sa swivel ko.

"I have something to do..." He stopped me and before I could even speak ay narinig ko ang dial tone.

"Teka, hoy, Babe! Hello?! Madaya naman e!" Padarag kong binalik ang telepono sa pinaglalagyanan at naiiritang sumandal sa upuan. Napakasungit talaga ng gwapong 'yun!

Hindi ba n'ya ako namiss? Miss na miss ko na s'ya eh! Nakakairita naman...

Naputol ang pagmumuni-muni at pagtatrantums ko ng mapukaw ang pansin ko sa kumatok sa pinto.

"Come in!" Malakas kong sabi at agad bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Kathy.

"Ma'am, I already informed them at inaasikaso na po ni Krissa ang pagdi-distribute ng invitations." Ngiti n'ya, tumango at sumimsim ako ng kape bago tumingin sa kanya.

"Good, thank you." I smiled. Nagpaalam na s'ya paalis pero agad ding bumalik sa pwesto at humarap sa akin.

"I totally forgot, Ma'am kayo na lang po ang inaantay sa conference room at mag-uumpisa na ang meeting." Napaayos ako ng upo sa sinabi n'ya at agad na inubos ang kape na kakaunti na lamang at bumaling sa kanya.

Taming My Billionaire (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon