Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Kabanata 5

338K 6.1K 260
                                    

Kabanata 5
May bitin!

"Hi, babe!" I smiled widely ng pumasok sa clinic ni Terrence at kumaway pa.

"What are you doing here..." Iniangat n'ya ang tingin. "Again?" Malamig n'yang sabi at pinagpatuloy ang pagpindot sa keyboard ng laptop n'ya.

"I just missed you." I pouted, halos dalawang linggo na akong pabalik-balik sa clinic ni Terrence para mangulit, mang-istorbo at akitin s'ya pero wala pa rin atang masyadong effect!

"The feeling isn't mutual. Wala ka bang ginagawa sa buhay mo?" Hindi sumusulyap n'yang sabi at uminom ng kape n'ya sa lamesa.

"Wala naman akong ginagawa sa buhay ko kundi ang mahalin ka..." Madrama kong sabi at humagikhik. Naalarma naman ako ng biglang masamid si Terrence at umubo.

"A...Ayos ka lang?" Lumapit ako sa kanya at hinimas ang likod n'ya para maging maayos ang pakiramdam n'ya.

"What the..." Natigilan s'ya sa ginawa ko at inabot ang kamay ko para patigilin ang paghimas ko sa likod n'ya.

"Why?" Tanong ko, nakakunot-noo n'ya akong tinignan at malalim s'yang huminga.

"Just... Just don't touch me." Marahang sabi n'ya at iniling pa ang ulo. Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya at sinulyapan ang kamay ko.

Hindi naman madumi a?

"Huh? Bakit?" Tanong ko.

"Basta, just stay away..." Malamig n'yang sabi at umayos ng upo sa upuan. Padarag akong naupo sa sofa at pinagmasdan na lang s'ya.

I sighed. Parang may virus naman ako kung tratuhin ng gwapong 'to, pero di bale... Gwapo pa rin s'ya.

Sumulyap s'ya sa akin kaya agad akong ngumiti at umiling na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa sa laptop.

Saglit akong pumunta ng pantry para mag-slice ng cake para sa aming dalawa pagkatapos ay lumabas para ilagay sa harapan n'ya ang cake at inilagay ko sa lamesa malapit sa sofa ang akin.

"What's this?" Tinaasan n'ya ako ng kilay at tinuro ang platito sa harapan n'ya.

"Cake?" Patanong kong sagot.

"Pinapataba mo ba ako?" Tanong n'ya at kumuha ng maliit para tumikim. Gosh, parang pangarap ko na atang maging kutsara!

"Hindi naman, just eat it." Tinitigan n'ya lang ang pagkain sa lamesa n'ya pero wala namang sinabi at kinain pa rin ang bigay ko.

I grinned. Tignan mo, daming satsat kakain din pala!

"What are you doing?" Hindi ko mapigilang tanong dahil gusto kong mag-usap kami pero hindi n'ya ako sinagot at parang wala s'yang narinig. "Sungit.." Umirap ako sa hangin.

"Did you just roll your eyes at me?" Napaayos ako ng upo sa sinabi n'ya at tumindig ang balahibo ko sa tindi ng epekto ng pagsasalita n'ya. Damn his effect!

"H..Hindi ikaw yun!" Pilit akong ngumisi at nagwala ang puso ko ng umayos s'ya ng upo sa swivel n'ya at inikot iyon paharap sa pwesto ko.

"Really?" He titled his head sidewards na parang sinusuri ako, 'yung tinging tagos sa kaluluwa! Ganun!

"O... Oo naman." I stuttered. Nakagat ko ang labi ko at napigil ko ang hininga ko ng tumayo s'ya sa swivel at padiretsong naglakad papunta sa pwesto ko.

Geez! Kahit paglalakad n'ya ang hot!

Parang kakapusin ako ng hininga ng tuluyan na s'yang nakalapit at inilapit ang mukha n'ya sa mukha ko. Hindi ko maiwasang sipatin ang mukha n'yang napakaperpekto at gusto kong maglupasay at hampasin si Joselito dahil sa kilig ko.

Taming My Billionaire (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon