Kabanata 31 Ignis Irae

30 4 0
                                    

Fire of Fury

Naitakas nga ng mga tulisan si Don Tiburcio mula sa bilangguan. Sa pamumuno ni Severino (lalaking may pilat) nagawa nilang pabagsakin ang puwersa ng mga guwardya na nagbabantay doon. Tatlumpong guwardiya sibil laban sa limampung tulisan. Ang pagkatalo na iyon ay isang malaking kahihiyan para sa kanilang bayan. Paano nila magagawang protektahan ang San Diego kung ang mga tulisan na mismo ang naglakas ng loob na tumapak sa Kapital upang maghasik ng kasamaan sapagkat alam nila ang kahinaan ng segurdidad ng bayan. Hindi man lang nagawang ipaglaban ng mga guwardya sibil ang kanilang mga sarili. Kalahati sa mga guwardiya sibil na nakatalaga sa bilangguan ang nasawi sa hindi inaasahang pagsalakay ng mga tulisan. Samantalang ang natitirang kalahati ay sugatan at nasa bahay-pagamutan.

Noong gabing iyon agad na nagtungo sa daungan si Tuason at bumyahe patungo sa Intramuros upang iparating sa Gobernador-Heneral ang kaguluhang kinakaharap ng San Diego. At kagaya nga ng inaasahan ni Amil, walang pagdadalawang isip na nagbigay ng tulong ang Gobernador-Heneral. Limang daang armadong sundalo ang ipinadala nito kay Heneral Tuason pabalik sa San Diego. Ipinagutos rin nito ang pagdeklara ng bayan sa ilalim ng digmaan. Dahilan upang lahat ng kapangyarihan ay mapasakamay ng Gobernadorcillo. Lahat ng mga desisyon at ipag uutos niya ay protektado ng Punong-pamahalaan at ang lalabag sa pamamalakad ng Gobernadorcillo ay papatawan ng parusang kamatayan. Ang mga salita ni Amil ay katumbas ng isang batas.

Isang linggo na ang nakalipas magmula nang makatakas si Don Tiburcio at hanggang ngayon ay hindi parin nila naliligtas si Juli. Noong gabing sinalakay ng mga tulisan ang bilangguan, lumipat naman ng lungga ang mga naiwan sa kanilang kampo. Dinala nila ang dalaga patungo sa isang maliit na nayon kung saan mayroon silang depensibong posisyon. Ang nayon na iyon ay hindi na sakop ng San Diego ngunit malapit lamang sa bayan. Pinamumuhayan ito ng isang sinaunang tribo na hindi nasakop ng Katolisismo at ng pamahalaang Español. Hindi marunong magsulat at magbasa ang mga mamamayan sa naturang nayon. Ang kanilang kagawian ay napag iwanan na ng panahon. Pati ang paraan ng kanilang pagsasalita ay hindi rin pangkaraniwan. Ang mga kababaihan sa nayon ay walang suot na pang itaas, pintado ng iba't ibang guhit ang kanilang mga balat at paniguradong mayroon itong kaakibat na simbolismo. Ang mga kalalakihan ay hindi rin pangkaraniwan. Mahaba ang kanilang buhok at mayroong malalaking hikaw ang kanilang mga mukha hindi lamang ang kanilang taenga kundi pati narin ang kanilang mga ilong, labi, at dila. Noong una silang masilayan ni Tuason hindi niya mapigilan ang sarili na mapatitig sa kanilang kaanyuan. Nalaman niya na hindi sanay sa mga taga labas ang tribo sapagkat kung gaano kalagkit ang mga tingin ng hukbong sandatahan sa tribo, ganoon din sila makatitig sa mga naka unipormeng sundalo.

Sa tuktok ng nayon nakaposisyon ang mga tulisan. Doon nila dinala si Juli at naroroon din si Don Tiburcio. Nahirapan ang hukbo na tugisin at salakayin ang kampo ng mga kalaban sapagkat ang kanilang posisyon ay di hamak na mas mainam pagdating sa pagdedepensa. Kailangan pang lagpasan ng hukbo ni Heneral Tuason ang malawak na kapatagan bago sila makakaakyat sa naturang tuktok. Ang dahilan kung bakit hindi nila kaagad marating ang sentro ng kampo ng mga kalaban ay dahil sa ibaba kung saan nakaposisyon ang hukbo ni Heneral Tuason, doon din naninirahan ang mga katutubong tribo. Sa kabilang panig naman nakaabang sa kanila ang mga nakahilerang tulisan na nag aantay lamang ng hudyat mula sa kanilang pinuno. Napapagitnaan ng dalawang magkalabang puwersa ang mga walang kamalay-malay na mamamayan ng nayon na iyon.

Hindi inabanduna ni Heneral Tuason ang kanilang posisyon ngunit pansamantala muna siyang bumalik sa Kapital upang konsultahin ang Gobernadorcillo. Hindi sila maaaring sumalakay sa ganoong posisyon. Napakaraming madadamay kapag nagkataon. Maiging ipinaliwanag ni Heneral Tuason kay Ginoong Amil ang kanilang sitwasyon. Iginuhit niya ang mapa ng buong nayon at nilapag ito sa mesa upang makita ng lahat. Nasa pagpupulong na iyon sina Ginoong Mikhail, Binibining Rafaelita, Lucas, Elias, at ang Alperes.

The Red Moonflower  (Estrella Muerta Trilogy #3)Where stories live. Discover now