Kabanata 5

28 7 0
                                    

Hapong hapo si Rafaelita ng makarating siya sa Hacienda Villahermosa. Hawak hawak niya ang kaniyang talaarawan habang nakabagsak ang kaniyang mga balikat. Wala naman talaga siyang ginawa na nakakapagod ngunit may kakaiba siyang nararamdaman. Tila ba mayroong kulang sa kaniya.

Agad siyang nilapitan ni Juli ng masilayan siya nito sa entrada. Binati siya ng dalaga at inalok ng meryende. "Mamaya nalang siguro, sabay nalang kami ni Don Joaquin." Saad ni Rafaelita.

"Nasaan nga pala siya?" Tanong niya.

"Nasa itaas po si Don Joaquin sa loob ng kaniyang opisina. Mayroon siyang bisita." Tugon ni Juli.

"Nauna na pong mag meryende si Don Joaquin kanina, kasabay niya si Mikhail." Dagdag pa ni Juli.

Nanlaki ang mga mata ni Rafaelita ng marinig niya ang pangalan ng binata. "Napadaan dito si Mikhail?"

Nakita naman niya ang inis sa pagmumukha ni Juli. "Ang lalaking iyon, napaka kapal ng pagmumukha. Mukhang dito pa yata gustong manuluyan." Saad ni Juli.

Mas lalong nagitla si Rafaelita. Ibig sabihin nandito pa rin si Mikhail hanggang ngayon. "Saan ang kaniyang silid?" Atat na atat na tanong ni Rafaelita.

"Sa kanang bahagi po, pinakahulihang silid." Tugon naman ng dalaga.

Tinitigan niya ang nakangiting si Rafaelita. Namumula ang pisnge nito at tila ba nawala na ang lahat ng pagod sa kaniya. "Binabalak niyo po bang pasukin ang silid ng Ginoo?" Pabulong na tanong ni Juli.

Nanlaki naman ang mga mata ni Rafaelita sabay napailing. "H-hindi, bakit ko naman gagawin iyon." Wika niya. Kahit na ang totoo ay pinagpapantasyahan na niya ang pagpasok sa silid ng binata. Napatingin siya kay Juli ng ilang segundo. "Nababasa ba niya ang aking isipan?" Tanong niya sa sarili. Bigla na lamang siyang nahiya.

"Aakyat muna ako sa aking silid." Paalam ng dalaga at nagmamadaling tumakbo sa ikalawang palapag ng Hacienda Villahermosa.

Saktong sakto sa pag alis ni Rafaelita ang pagbaba naman ng lalaking nagpakilala bilang 'Amil'. Bahagyang napayuko si Juli upang magbigay galang at saka napatabi upang hindi niya maharangan ang dadaanan ng dalawa.

"Juli, maaari mo bang ihatid sa labas si Ginoong Amil?" Hindi iyon tanong kundi isang utos mula kay Don Joaquin.

Napatango naman si Juli habang may ngiti sa kaniyang mga labi upang hindi isipin ng Don na labag sa kaniyang kalooban ang sumunod sa kaniyang utos.

"Hindi na kailangan, mukhang marami pang kailangang asikasuhin ang dalaga." Magalang na wika ni Amil habang nakatitig sa kamay ni Juli na may hawak hawak na walis.

"Naku, ayos lamang po Ginoo. Kakatapos ko lang pong magwalis sa kusina." Giit naman ni Juli.

Napangiti si Amil. Bigla namang napatitig si Juli sa mukha ng lalaki. Sa kaniyang tantya nasa edad dalawampu't apat na ito. Nagpabalik balik ang kaniyang tingin kay Amil at kay Don Joaquin. Doon lamang niya napagtanto ang dahilan kung bakit pamilyar sa kaniya ang lalaki, akala niya ay nakita na niya ito noon ngunit hindi naman pamilyar sa kaniya ang pangalan nito. Kamukhang kamukha siya ni Don Joaquin noong kabataan nito.

Napahawak sa kaniyang bibig si Juli. Napatitig naman sa kaniya ang dalawa habang nakakunot ang noo.

"May problema ba, Juli?" Pagtataka ni Don Joaquin.

Unti unting inalis ni Juli ang kamay na nakatakip sa kaniyang bibig at dahan dahang itinuro si Ginoong Amil. "A-anak n-niyo po b-ba?" Hindi na natapos ni Juli ang kaniyang katanungan sapagkat napahalakhak si Amil.

Bahagya namang napangiti si Don Joaquin. Hindi alam ni Juli ang kaniyang gagawin kung kaya't pinilit nalang rin niya ang kaniyang sarili na sumabay sa kanilang pagtawa.

The Red Moonflower  (Estrella Muerta Trilogy #3)Where stories live. Discover now