Kabanata 14

30 7 1
                                    

Isang linggo ang nakalipas

Sa hardin ng Hacienda Villahermosa

Napapalibutan ng mga bulaklak sina Juli at Amaia habang nagtatawanan. Mabilis na nakuha ni Amaia ang tiwala ng dalaga. Isa pa, magaan din naman ang kalooban niya dito. Bukod sa nakakabagot ang Hacienda Villahermosa, wala rin siyang ibang ka edad doon na maaari niyang makausap maliban kay Juli. Maingat na isinalaysay ni Amaia ang kaniyang mga pinagdaanan sa Europa. Simula ng mamatay ang kaniyang ina, ang kaniyang Tiya Victorina na ang umampon sa kaniya. Mahigpit ito pagdating sa mga kasuotang pambabae. Nais niyang magmukhang disente si Amaia, madalas niya itong pinapasuot ng balot na balot na mga bestida upang matakpan ang bawat balat ng dalaga. Ilang taon ang nakalipas, nang magkaroon ng pagkakataon si Amaia na makatakas sa kaniyang malupit at mahigpit na tiya agad siyang naghanap ng trabaho upang masustentuhan ang kaniyang mga pangangailangan. Nagagawa narin niyang magsuot ng iba't ibang uri ng mga bestida. Nagkaroon siya ng kalayaan na pumili para sa kaniyang sarili. Nagawa rin niyang magpadala ng liham sa kaniyang ama sa Barrio Kapanatagan sa bayan ng San Diego. Simula noon nagkaroon na sila ng malalim na ugnayan hanggang sa nakapagpasya si Don Pablo Villahermosa na kupkupin ang kaniyang bunsong anak kahit na bunga ito ng kaniyang kasalanan. Hindi naman naging mahirap ang buhay ni Amaia sa Barrio Kapanatagan. Buong puso siyang tinanggap ng kaniyang mga nakatatandang kapatid sa kabila ng katotohanan na ang ina ni Amaia ang sumira sa kanilang pamilya. Maagang sumakabilang buhay ang ina nina Emma at Catalina ng dahil sa konsumisyon simula ng malaman nitong buntis ang kerida ni Don Pablo.

Nakapagpasya si Don Pablo na itigil ang ugnayan nila ng ina ni Amaia upang isalba ang kaniyang legal na pamilya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi lumaki sa kaniyang puder ang dalaga. Sa kabila ng pagbabalik loob niya sa kaniyang naunang pamilya, napagpasyahan parin ng tadhana na gawing miserable ang kaniyang buhay. Unang pumanaw ang ina nina Catalina at Emma, sumunod naman ang pagpanaw ng ina ni Amaia habang sila'y nasa Europa. Ang dalawang babaeng inibig niya ng sabay ay parehong binawi sa kaniya.

"Maaari ko bang malaman kung saan nagkakilala ang iyong mga magulang?" Tanong ni Amaia nang matapos siya sa kaniyang pagkukwento.

Napangiti ang dalaga bago inalala ang naikuwento sa kaniya ng kaniyang ina. "Tagapagsilbi noon si ina sa isang Hacienda at si ama naman ay magsasaka. Ang sabi ni ina, sa tuwing napapadaan daw siya sa palayan lagi niyang napapansin si ama kahit na napakaraming magsasaka doon. Si ama lamang daw ang makisig." Napahinto si Juli upang tumawa.

"Akala ni ina na anak ng may ari ng hacienda si ama, hindi raw ito mukhang indio." Saad pa ng dalaga.

Tinitigan ng mabuti ni Amaia si Juli. Kung hindi niya alam na isa itong kasambahay sa Hacienda Villahermosa, mapagkakamalan rin niyang anak ito ng isang Español.

"Juli, ang iyo bang ama ay may lahing Español?" Tanong ni Amaia.

Napailing naman ang dalaga. "Madalas rin po iyang itanong ng mga kapitbahay namin doon. Lagi naman itong itinatanggi ni ama. Sabi niya, ganito ang aming balat sapagkat mayroon kaming lahing intsik." Tugon ng dalaga.

Napangiti si Amaia. Alam niyang nagsasabi ng totoo si Juli ngunit hindi naman siya sigurado sa rason ng ama nito. Alam ni Amaia ang pinagkaiba ng balat ng isang Español sa balat ng isang intsik, at habang kinikilatis ang kulay ng balat ni Juli masasabi niyang wala itong lahing intsik.

Ang mga mata ni Juli ay bilugan at hindi singkit, ang kaniyang mga buhok ay hindi kulay itim kagaya ng mga tsino, sa halip ay mayroon itong bahid ng tsokolate lalo na kapag nasisinagan ng araw.

Halatang nagsisinungaling ang ama ng dalaga, hindi tuloy mapigilan ni Amaia ang kaniyang sarili na alamin kung bakit kailangang magsinungaling ng ama ni Juli tungkol sa kanilang tunay na lahi. Alam niyang wala siyang makukuha kay Juli sapagkat mukhang wala rin itong alam at buong pusong pinaniniwalaan ang mga sinabi ng kaniyang ama.

The Red Moonflower  (Estrella Muerta Trilogy #3)Where stories live. Discover now