Kabanata 18

17 7 1
                                    

RAFAELITA

Nang makarating ang pamilya Ortega sa kanilang Hacienda, agad na nagtungo si Rafaelita sa kanilang silid-aklatan. Napakaayos ng mga bagay. Maging ang mga silla at lamesa ay nakahilera ng maayos. Ilang buwan ring walang pumapasok doon.

Dahan dahang humakbang ang dalaga papasok sa silid. Tahimik ito at maaliwalas. Madalas siyang magkulong doon sapagkat mas nakakapag isip siya ng maayos kapag siya'y mag isa.

Naaamoy ni Rafaelita ang mga lumang aklat at ang mga alikabok na nakabalot dito. Noong bata pa siya paborito niyang lugar ang silid aklatan ngunit may kakaiba siyang nararamdaman ngayon. Ilang saglit lang at napagtanto niyang hindi na niya kayang manatili doon. Kailangan niya ng lugar, ng malalabasan. Para bang tubig na pilit humahanap ng madadaluyan. Hindi siya dapat nagkukulong. Noong mga oras na iyon napagpasyahan ni Rafaelita na sumama sa kaniyang kuya Juan Nikolas patungo sa Las Nieves.

Nagtungo siya sa opisina ng kaniyang ama at hiningi ang permiso nito. Pumayag naman si Carpio, maaaring manatili si Rafaelita kahit saan niya gustuhin huwag lang sa San Diego. Huwag kung saan malapit siya kay Amil.

Pinagmasdan ni Rafaelita ang makulay na bayan ng Las Nieves mula sa kalesang sinasakyan nila. Totoo ngang ito ang sentro ng kaunlaran. Maliban sa malalaking gusali at mga modernong transportasyon, sandamakmak din roon ang mga dayuhan mula sa iba't ibang bansa.

"Sigurado akong magugustuhan mo dito." Wika ni Juan Nikolas.

Hindi tumugon si Rafaelita. Napangiti lamang ang dalaga at sabik na sabik ng umpisahan ang kaniyang bagong storya.

Huminto ang kalesa sa isang dormitorio kung saan sila pansamantalang maninirahan. Magkatabi lamang ang kanilang mga silid upang madali nilang mababantayan ang isa't isa. Ang dormitoriong iyon ay para lamang sana sa mga lalaki ngunit nagpumilit si Juan Nikolas sa tagapangasiwa. Hindi sila maaaring malayo sa isa't isa, iyon ang bilin ni Carpio.

Isa isang ipinasok ni Rafaelita ang kaniyang mga bagahe. Isang maleta na lamang ang nasa labas kung kaya't hindi na niya hinintay pa ang tulong ng kaniyang kapatid.

Napahinto ang dalaga ng biglang bumukas ang pinto sa kaniyang bandang kaliwa. Nakunot ang noo ng binata ng magtagpo ang kanilang mga paningin.

"Binibining Rafaelita?"

"Ginoong Mikhail?"

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ng binata. Alam niya na ang dormitoriong iyon ay para lamang sa mga lalaki. Karamihan sa mga naninirahan doon ay mga mag-aaral sa Universidad de San Rafael Arcangel.

"Inupahan ko ang silid na ito, katabi ng silid ng aking kuya." Wika niya.

"Alam ko." Wika naman ni Mikhail. Kabisado na niya ang kaniyang mga kasama sa palapag na iyon ng dormitorio. Magkalapit ang mga silid nina Mikhail at Juan Nikolas. Inuupahan ng isang estudyanteng tsino ang silid sa pagitan ng kanilang mga silid. Ngunit bigla na lamang tumigil sa pag aaral ang nasabing estudyante ng dahil sa pangungutya. Ang mga may lahing intsik ay itinuturing na mas mababang nilalang.

Ang bakanteng silid na iyon ang siyang inuupahan ni Rafaelita sa kasalukuyan.

"Ang ibig kong sabihin, bakit ka nasa Las Nieves." Saad niya.

Napangiti si Rafaelita. "Naghahanap ng bagong inspirasyon." Tugon niya.

"Nawa'y mahanap mo ang tamang inspirasyon sa bayang ito." Wika naman ni Mikhail.

"Siya nga pala, naririto na ba sina Ginoong Flabio at Sergio?" Tanong ni Rafaelita.

Napailing ang binata. "Hindi pa sila dumarating. Mamayang hapon ang aking tantiya o di kaya ay bukas ng madaling araw."

The Red Moonflower  (Estrella Muerta Trilogy #3)Where stories live. Discover now