Kabanata 9

15 6 0
                                    

Nang mamukhaan ng mga tauhan sa Hacienda Hermano kung sino ang paparating agad nilang tinawag si Don Danilo upang salubungin sa entrada ang Gobernadorcillo.

Dali dali namang nagtungo sa entrada si Don Danilo. Hindi niya inaasahang darating si Don Joaquin. Pinaunlakan nila ito ngunit inakala nilang hindi ito makakadalo sa dami ng kaniyang dapat asikasuhin bilang Ama ng bayan.

Nagngitian ang dalawang Don nang magtagpo sila.

"Magandang gabi, Don Joaquin." Bati ni Don Danilo.

"Magandang gabi rin." Tugon naman ng Gobernadorcillo.

"Magandang gabi din sa iyo, Binibining Juli." Bati niya sabay ngiti.

"Magandang gabi rin po sa inyo."

"Hindi ko inaasahan ang inyong pagdating Don Joaquin, pasok po tayo." Magiliw na wika ni Don Danilo at pinaunlakan sila sa loob ng kasiyahan.

Sa loob ng Hacienda punong puno ng iba ibang ingay. Mga tawanan, palakpakan at iba pa. Hindi mapigilan ni Juli ang mamangha sa kaniyang mga nakikita. Mayroon pa palang mas marangya kaysa sa Hacienda Villahermosa na itinuturing niyang isang palasyo. Madilim na kung kaya't hindi nasilayan ni Juli ang kabuuang estraktura ng Hacienda sa labas. Siguradong mas hahanga siya bukas ng umaga kapag nakita niya ang arkitektura nito.

Napakaraming tao sa loob at karamihan sa kanila ay nakatitig sa Gobernadorcillo at kay Juli. Nakaramdam ng hiya ang dalaga, buti na lamang at hindi niya nakalimutang dalhin ang kaniyang bupanda (scarf). Noong una ay nagdadalawang isip si Juli na dalhin ang bupanda. Walang manggas ang kaniyang bestida at bukas na bukas rin ang harapan nito. Iniisip ng dalaga na ayos lang ang kaniyang kasuotan, na uso ito sa europa at walang manghuhusga sa kaniya. Isang malaking pagkakamali sapagkat wala siya sa Europa, siya ay nasa Filipinas kung saan ang kasuotan ay sapat na upang husgahan ang buong pagkatao ng isang tulad niyang dalaga.

Hinawakan niya ng mahigpit at bupanda na nakapulupot sa kaniyang leeg at balikat. Natatakot na baka mayroong loko lokong hihila nito upang ipahiya siya. Hanggang malapit siya kay Don Joaquin walang sino man ang magtatangkang hamakin siya, maliban na lamang kung kaya nilang kalabanin ang Gobernadorcillo.

"Juli?"

Nilingon ni Juli ang pinanggalingan ng boses na iyon. Sumilay ang mga ngiti sa kaniyang labi ng mamataan niya si Binibining Rafaelita. Ilang segundo lang at naglaho rin ito sapagkat mukhang hindi sila pareho ng nararamdaman ng Binibini. Kung si Juli ay masaya sapagkat natagpuan niya ang kaniyang itinuring na kaibigan si Rafaelita naman ay nagugulumihan, bakas sa kaniyang mukha na hindi niya inaasahan at mas lalong hindi niya nais na nandoon si Juli.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ni Binibining Rafaelita.

Itinuro ni Juli si Don Joaquin na abalang nakikipag usap sa ibang mga kalalakihan na hindi pamilyar sa kaniya. "Isinama ako ni Don Joaquin." Wika niya at bahagyang napangiti kahit na nawalan na siya ng ganang ngumiti kani kanina lamang.

Hindi sumagot si Rafaelita. Ni hindi niya tinitigan si Don Joaquin noong itinuro ito ni Juli.

Biglang nagbago ang mga reaksyon ng dalaga. Nakangiti na ito ngunit ramdam ni Juli na napipilitan lang rin siya.

"Mabuti naman, kanina pa ako paikot ikot dito. Maaari ka bang magtungo sa kusina upang ikuha ako ng inumin?" Utos ni Binibining Rafaelita.

Nginitian lamang siya ni Juli ng ilang segundo. "Pasensya na Binibining Rafaelita ngunit hindi ako naparito upang pagsilbihan ka. Mula sa aking nakikita maraming kasambahay at utusan sa salo salong ito, bakit hindi na lamang sila ang iyong utusan?" Saad niya.

The Red Moonflower  (Estrella Muerta Trilogy #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant