01011

5 2 0
                                    

Elena's POV

Tahimik akong sumakay sa sasakyan. I didn't wait Aki to open a door for me. I get there on my own, with lots of thoughts going in my head.

Sa buong byahe ay hindi siya umimik. Which is the exact thing I wanted to do. I'm getting lost on my own thoughts right now.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang bigla siyang magsalita, “That was Christina Olivar, isn't it?” aniya ang mga mata ay nakatutok sa daan.

Gulat akong napatingin rito, “How did you know?”

“We once met at my clinic, her child has a colorectal cancer. Stage 1.” he simply said.

I was taken aback by what he said. Pareho pala kami. “Ilang taon na ba ang anak niya?” I asked.

“10 years old.” he casually answered.

My eyes widened. At such a young age?! How can a child have a colon cancer? This is impossible.

Napabuga ako ng hangin sa sobrang frustrated. I guess there's no way maconvince ko si Christina. I just wanted to ask her about my Lolo. Sana nga ay mag iba ang isip niya. Sana ay matulungan niya ako, she's my starting point in this battle.

Couple of minutes had passed. I found myself gasping the air of a beach. The wind embraces my skin. Ang buhok ko ay sadyang tinatangay nito. And the sound of wave fills my ear. What a mesmerizing sight.

“Ba't dito mo ako dinala?” tanong ko kay Aki na naupo sa hood ng sasakyan.

“Because I feel like you'll need this.” he answered. He offered his hand to help me get on the hood.

“Thanks.”

The sun's setting, the orange-ish color of the sky meets our eyes. It directly reflects on the water of the sea.

I stayed silent for almost half an hour. Too lost. Too messed up to talk. Ni isa sa amin ay walang nagsalita. Masyadong ukopado ang aming mga utak.

Hindi pa rin pala ako nakapagbook ng hotel. Napapagod na ako, wala din si Philip to do things for me.

“Uwi na tayo.” yaya ko sa kanya.

Inalalayan niya ako pababa sa sasakyan at pinagbuksan ng pintuan, “Let's go home.”

Pauwi na kami nang mapagdesisyunan kong sabihin na hindi pa ako nakapag pabook. “Edi do'n ka muna sa bahay ko.”

“What! No way!” I hissed. “May bahay ka?”

He chuckled, “As if may gagawin naman ako sa'yo.”

“Talaga lang ha,” pagbabanta ko sa kanya. “How about our dinner?”

“Sa bahay na.”

Nakarating kami sa bahay niya. Hindi ko akalain na malaki pala ang bahay ng lalaking 'to. Aba't successful na ang puta. Dalawang palapag ang bahay niya, simpleng kulay krema ang pintura sa harapan. May mga halaman ding nakalagay sa harapan.

Nauna akong pumasok, I was expecting a helper to come and welcome us but there's none. Sumunod naman siya sa likod dala-dala ang mga bagahe ko.

“Halika, ituturo ko sa'yo ang kwarto mo.”

I followed him, sa taas ay may limang magkakasunod na pintuan at mini living room. He opened the door for me.

“Stay here for the mean time.”

Nilibot ko ang aking paningin sa loob. Malaki ang kwarto, ganon din ang kama. Mayroon ding sariling banyo ang kwarto at malalaki din ang bintana.

“Okay.” maikling sagot ko.

The Things I Never Did Before Where stories live. Discover now