01001

9 3 2
                                    

Elena's POV

“Look, madaming nagshare ng post mo! Everyone is eager to find this person. My goodness Elena, this is crazy!” bulalas ni Philip nang makapasok siya sa kwarto ko.

“Did you eat?” I ask him. He just shook his head, his eyes are still in his ipad. “Let's go.”

Sa pagbaba ng hagdan ay tinignan ko ang post. It's true na madaming nagshare sa iba't ibang sites pa. Mabilis ang pagkalat ng pictures pero wala pa din kaming natatanggap na mensahe kung may nakakakilala ba sa taong ito.

Agad kaming pinagsilbihan ng katulong. Philip and I are talking about the recording ompany. Mr. Lim contacted him last night, he said that I should record a song within next month.

Nagulat ako nang makita si Tito sa bahay. Ang sabi kasi niya aalagaan niya si Tita Jasmine dahil hindi pa ito magaling. As for my mom, my younger brother is there to take care of her.

“Let's talk.” Madilim ang kaniyang mga mata nung sabihin niya iyon samin.

Sinundan namin siya sa taas. Seryoso akong naglalakad sa likod niya habang si Philip ay naghahabol sa amin. Tito looks serious and I don't want this feeling from him.

Dumeretso siya sa mini living room ng kwarto ko at naupo. Puno ng galit ang mukha niya. Nanatiling akong nakatayo, sinenyasan ko si Philip na kuhanan muna ng tubig si Tito. He doesn't look okay.

“What is it, To? What happened? Is something wrong?” sunod-sunod kong tanong. Bumuntong hininga siya at may kinuha sa bulsa ng coat niya.

Inabot niya sa akin 'yon, “Here. Someone sent this to me this morning.” Napasapo siya sa kaniyang noo, he looks stressed.

Akmang bubuksan ko ang envelope nang dumating si Philip na may hawak na tubig sa isang kamay at isang liham sa isa pang kamay.

What's that?

“Ele, someone sent this to you.” Kinuha ko iyon mula kanya.

My brows furrowed. The two envelopes look the same. I mean it's fucking same. Inuna kong buksan ang binigay kay tito.

Bigla yatang nanlamig ang katawan ko. Nagsitayuan ang balahibo ko nang makita ang laman no'n.

“Got you a present, hope you like it!”

Iyon ang nakalagay sa sulat, ngunit hindi lang iyon. Maliban doon ay ang dalawang bala. I turned my gaze to my Tito. It's probably connected to Tita Jasmine's accident. Recently ay nabaril din siya.

“Don't ask me. 'Yung bala na tumama sa tita mo ay nagma-match sa bala na 'yan. Pareho lang ito.” May kung ano sa loob ko na nagagalit ako.

How dare this person send this to my Tito?! It's more like a threat to me!

Without thinking twice I opened the envelope sent for me. Naikuyom ko ang kamao nang mabasa ang nasa loob nito. Mine is much bigger. Compared to Tito's envelope ay mas malaki ang akin. Pero pareho ang packaging.

Bullshit!

“You are looking for this, right? Brace yourselves, I'm just taking back what's mine.”

This freak really knows how to make me angry. Nasa loob ay ang kutsilyong ginamit sa pagsaksak kay mama. I'm sure of it. May dugo pang tila natuyo rito. I'll get it tested if they're match.

Mabilis ang kalabog ng dibdib ko. Para yatang umakyat lahat ang dugo ko sa ulo ko. There's something inside me na biglang nagising. The urge to get back to these people. They are the worse.

Inutusan ko si Philip na patignan kung nagmamatch ba ang dugo sa kutsilyo sa dugo ni Mama. And once I found out na iisa nga, I'll start my revenge.

Naiwan kami ni Tito sa loob ng kwarto. “Ayoko na 'To parang inaabuso naman nila tayo. This is too much!” I hissed.

The Things I Never Did Before Where stories live. Discover now