"K-kamusta pala yung kay Ma'am Levine?" Biglang nagbago ang expression niya dahil sa tanong nito patungkol sa propesorang natapunan niya kanina. Bakas ang pagkabahala nito.

"Huwag mo na alalahanin iyon. Okay na, mukhang kaya naman na ni Ma'am Adler yung prof nating anak ni Elsa eh." Sagot ko dito na ikinatawa niya ng bahagya.

Medyo nacu-curious lang ako kung ano meron sa dalawang iyon. Pero hindi ko na inusisa pa kasi wala naman akong paki.


I gave her a smile and patted her hand above her table which she reciprocated with a grin and sighed in relief.

"Hulog talaga ng langit yun si Ma'am Adler. Kaya mahal na mahal ko yun eh!" Komento pa nito na ikinaismid ko.



Mahal na mahal yarn???


Hindi ko na lamang pinansin pa ang huli niyang sinabi dahil pumasok na ang prof namin para sa last subject.

"Okay, every one, please group yourselves into 5 as you will be having a project for my subject. I will discuss it once you're done with your group. I'll give you 20 minutes from now. Go." Sir Dexter said. He is one of our major subjects. Pogi siya, and he has a clean cut hair. Amoy pulbo kung titignan kasi baby face. He has blonde hair and a pair of dark blue eyes. Maputi siya kaya nangingibabaw ang kulay ng mata niya kapag tumingin ka. Basta ang pogi!

Ngumiti ito sakin dahil pansin ata niyang kanina pa ako nakatingin sa kanya kaya ngumiti din ako ng maiksi.

"Aray! Putang—" nilingon ko ang babaeng bumatok sakin. Ang sakit!



"Tang ina. Huwag mo sabihing type mo si Sir?" Bulaslas ni Bridge pagtapos ko siyang tignan ng masama.


"Paki mo ba?" Pag irap ko dito.

"Puro kalandian inaatupag mo wala pa tayong kagrupo!" Reklamo niya at tumayo na sa kinauupuan niya para maglibot.

"Sabi mo maghanap ako ng lalandiin tapos ngayon magrereklamo ka?" Biro ko dito. Dahil wala talaga akong balak sa kung sino man. No dates nor no courtships.

Sumunod ako sa likod niya para samahan siya kung saan man siya kukuha ng kagrupo.


"Tanga ka ba? Professor natin iyan." Sagot nito at dali dali kinausap ang dalawang kasama niya kanina sa cafeteria. Yung magkakabanda pero wala yung isa baka iba ang subject non ngayon.

"Hi, may kagroup na kayo?" Bungad niya sa dalawa. Si Sabrina at si Brandon.

Tumingin ang dalawa sa kanya at sumunod ay sa akin na nakapwesto pa rin sa likod niya. I just nod at them.


"Classmates rin pala tayo. What a small world." Sabi ni Sabrina sa akin.


"Yeah, sure. We can be a group." Dagdag pa ni Sab. Si Brandon naman ay matamang nakatitig lang sakin.


Siniko naman siya ni Sabrina at dali daling nagsalita. "Ah, yeah. Let's group. We just need another one."


"Ako na ang hahanap. Xyianne upo ka na muna dyan sa kanila." Bridgette said at wala na rin akong nagawa kundi sumunod sa utos niya. She's really a leader ever since. Kaya hindi na ako nagrereklamo kapag siya na ang nagiinitiate ng groupings dahil nga hindi ako ganoon ka out going katulad niya.


I sit beside Sabrina na ngumiti lang sa akin.


"So, Xyianne. Kamusta ang offer namin sayo? Don't worry for sure mag eenjoy ka sa band namin dahil sabi ni Bridgette you know how to play instruments. Let us see that side of you. Sayang naman." Sambit ni Sabrina sa akin habang naghihintay kami.



This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now