Chapter 31 - Unexpected Reunion

Start from the beginning
                                    

He faked a smile which only made things hard on my part. "Oo. Sa Enikka's Garden, the day after the Night of Knights. Kung gano'n, hindi pala totoo ang lahat."

"Teka, teka . . . ano'ng ipinagtapat ng clone ko?"

"I love you . . ." deretsong sabi ni Yuan. Nanigas naman ako sa aking kinatatayuan.

"Iyon ang sinabi sa akin ng clone mo. Akala ko totoo. Pero wala, eh. Pinaglaruan lang tayo ng mga clone." He sighed.

Kaya pala sobrang weird talaga ng mga nangyari kahapon! Ang tunay na Yuan na nakasalamuha ko ay iyong sumunod din sa amin ni Val at sumuntok sa kaniya.

Through Yuan's statements, I finally tried to arrange the sequence of events in my mind. Night of Knights, nagtapat si Val sa akin. Kinabukasan naman ay na-encounter ni Val ang clone ko at nagsabi ng kung ano-anong masasakit na salita at kasinungalingan kaya siya nag-inom sa bar. The next night after that at the same bar, nakita ni Val ang clones namin ni Yuan na naghalikan at doon nga ay nasuntok ni Val ang fake na Yuan. Sa sumunod na araw, sinundo kami ni Ellie ng fake Yuan papuntang Grimencia beach. Hapon ng araw na 'yon ay nakita ko ang fake Val na may kahalikan at kalandiang iba. Pagsapit naman ng gabi, sa bonfire circle, totoong si Val na ang nandoon habang kasama ko pa rin ang fake Yuan. Nang mag-walk out ako dala ng galit, sinundan ako ni Val at doon na rin pumasok sa eksena ang tunay na Yuan habang ang fake Yuan ay naiwan sa bonfire. Sinuntok ni Yuan si Val dahil sa pag-aalalang sasaktan ako ni Val at dahil na rin sa naunang pagtatapat ng clone ko sa kaniya sa ibang pagkakataon.

Napatulala ako saglit sa malulungkot na mga mata ni Yuan. "Akala ko ay gusto mo rin ako, honeybar."
Rin? Ibig sabihin, gusto niya rin ako? No, this can't be happening! "Yuan, ano'ng sinasabi mo? You mean . . ."

"Panghuli. Tine, mahal mo ba si Val?" He looked intently into my eyes, pained and teary. 

"Yuan..." I kneaded his shoulder dahil natatakot ako sa mangyayari ngayon. The fact na paiyak na si Yuan ay hindi ko na rin mapigilang mag-igib ng luha.

"Just answer it, please."

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Bumagsak naman ang ekspresyon niya kasabay ng pagpatak ng paunang luha mula sa kaniyang mga mata. Seeing him crying was an agonizing flinch in my heart! 

"Ako rin, Tine eh. Ako rin. Gusto kita." Tumungo na siya at tinakpan ang mukha. Walang pag-aatubili ko siyang hinapit at niyakap, dinadamayan sa kalungkutan.

"Yuan, I'm sorry." Pilit ko siyang pinakalma kahit mahirap. Ang pinaka- malapit at una kong kaibigan ay umiiyak sa pagkakataong ito nang dahil sa akin. Nag-iyakan kami pareho sa mahabang katahimikan habang yakap ang isa't isa. 

"Mas gwapo naman ako 'di ba? Mas cute? Mas mabait at nakakatawa? Mas yummy?" parang bata niyang daing kaya ako na ang pumahid sa mga luha niya at niyakap siyang muli nang mahigpit.

"Yuan naman, eh. Ayaw kitang nagkakaganito. Hindi kita bibitiwan hangga't hindi ka pa okay. Nandito lang ako. I won't leave."

Ito ang ayaw ko sa lahat, 'yong may nasasaktan ako at napapaiyak. Kaya naman ginawa ko ang lahat para i-comfort siya kahit batid kong hindi naman talaga iyon magiging sapat.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now