Epilogue

123 3 5
                                    


   SABI nga nila nagbabago ang lahat. Katulad ng mga taong nasa paligid mo. Katulad ng inaasahan ni Beatrice at ng lahat, ikinasal ang Kuya Novice niya at Ate Shaina niya. Ngunit, iyon din ang araw na nawala ang anak ng mga ito.

Ang saya ay kadalasan napapalitan ng lungkot. Kasama na iyon sa buhay ng isang tao, kaya madalas iba't ibang klase ang karanasan ng isang tao sa mundo.

Magmula noon, natutunan ni Beatrice na i-appreciate ang mga taong nasa paligid niya. Madami pa ang nangyari pagkatapos noon na hindi inaasahan.

"Hello! Nasaan ka, nakita mo na ba si Kuya Novice. Ano! magsalita ka!" Pasigaw na turan ni Beatrice mula sa kabilang linya.

Saglit na inilayo naman ni Rudny ang aparato mula sa kanyang teynga. Walang sandali na nabibingi siya sa kasisigaw nito sa kanya. Ngunit pinagtitiisan na lang niya, tutal malapit ng matapos ang lahat.

"Pwedi ba, papunta pa lang ako sa bahay bakasyunan ng Kuya mo. Kaso, ang lakas na bigla ng ulan, kaya bukas na lang ako tutuloy," sagot naman ni Rudny.

"Sinabi mo iyan ah, naku! kung may masamang mangyari kay Ate Shaina dahil sa mga kalokohan niyo malilintikan talaga kayo!" pangagalaiting sigaw muli nito.

"Relax Bek-Bek! Malay mo inaayos na nilang mag-asawa ang relasyon nila. Saka magagawa bang ipahamak ng Kuya mo ang asawa niya, gayong mahal na mahal naman niya ito."

"Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Kuya, Rudny. Kaya please, puntahan mo sila agad doon. Tatlong araw ng hindi ma-contact si Ate Shaina, sobrang nag-aalala na ang family niya sa America," patuloy na pakikiusap ng babae.

"Sure, ibaba ko na ito. Bukas na bukas balitaan kita," sagot naman ni Rudny. Tuluyan na niyang ibinababa ang tawag, ayaw niyang ma-low bat ang battery ng phone niya. Dahil nawalan na ng kuryenti sa hotel kung saan siya naroon dahil sa lakas ng bagyo.

Kinabukasan ang hindi inaasahan madadatnan ni Rudny at Beatrice mula sa bahay-bakasyunan ni Novice. Halos tumba ang lahat ng puno at ang malala, nawawala ang mag-asawa.

"Nasaan na sila Rudny! Nasaan ang kapatid ko! My God! may nangyari ba sa kanilang masama!" hysterical na saad ni Beatrice na nagtatakbo pa papunta sa may bangin kung saan nagkaroon ng search operation doon.

"Bea! Huwag!" Mabilis na hinabol ito ni Rudny. Kung hindi tiyak hindi na niya mapipigilan ito sa anuman gagawin nito.

"No! let me go. Kailangan kong malaman kung n-naroon ba sina Kuya Novice at Ate Shaina... Ano ba! bitiwan mo ako!" Pagwawala ni Beatrice. Panay hampas, sampal sa mukha ang nakukuha ni Rudny. Ngunit hindi niya binitiwan ito.

Hanggang sa mapagod na rin si Beatrice. Umiyak ng umiyak na lang ito sa bisig niya. Panay na lang ang paghaplos ng lalaki sa likuran niya dahil sa kawalan ng magagawa.

Masakit sa kanyang nakikitang nagkakaganito ito.

"Tahan na Bek-Bek! Maging positibo lang tayo na okay ang Kuya mo, kaya tahan na..." Pagpapakalma niya rito.

Umiyak lang ng umiyak si Beatrice, ngunit hindi aakalain ni Rudny na ang pag-iyak nito'y magtatagal pa.

Dalawang katawan ang inihaon ng mga rescuerer. Hndi maipagkakamaling si Novice at Shaina iyon. Dali-daling sumunod ang dalawa papunta sa pinakamalapit na hospital kung saan dinala ang mga ito.

Halos pigil-pigil ni Rudny ang nararamdaman habang pinapanuod mula sa kahating salamin ang pagsasalba sa buhay ng bestfriend niya at sa asawa nito.

"Rudny! s-sina Kuya at Ate! m-mabubuhay ba sila?" Panay hagulhol si Beatrice. Lalo ng manginig ang buong katawan nito at tumunog ng pagkalakas-lakas ang makinang nakakabit dito.

Naalala ni Rudny ang dating sinabi ng kaibigan noon sa kanya.

"Gusto ko, kapag mawawala ako sa mundo. Kasama ko ang taong mahal ko..."

Dama niya ang pagtaasan ng buhok niya sa braso habang naalala iyon.

Nabaling lang ang pansin niya ng marinig niyang nagsisigaw si Beatrice at pumasok sa loob ng pagamutan. Dali-dali na rin siyang sumunod dito.

At ang tagpong hindi niya inaasahan mangyari ang mararatnan niya.

Tuluyan binawian ng buhay si Novice at Shaina...



Maraming pinagdaan ang pamilya ni Beatrice pagkatapos na mawala ang Kuya niya. Unti-unting bumagsak ang kumpaniya nila, dahil halos napabayaan iyon ng kanyang ama na si Don Vicenti.

Ngunit, hindi nagpatalo sa hamon ng buhay si Beatrice. Muli niyang itinaguyod ang papalugi nilang negosyo sa abot ng kanyang makakaya.

Halos hindi na siya natutulog at pati ang pagiging ina sa anak niyang si Jaxx Rube ay napabayaan niya.

Likas na maunawain ito, dahil kahit na kailan hindi siya binigyan nito ng alalahanin sa buhay.

Ngunit...

Ang kaisa-isang taong naiisip niyang dadamay at magiging sandigan niya sa mga panahon na iyon ay biglang iniwan siya.

Si Rudny na piniling umalis papuntang Texas kasama ng babaeng ipinagpalit lang naman sa kanilang dalawa ng anak niya.

ONE YEAR AGO

"Goodmorning bii, kumusta ka?" Biglang bungad ng dalawa niyang kaibigan na sina Penelope at Farah.

"Heto pagod pero dapat fresh pa rin!" masigla niyang sagot sa dalawa na inumpisahan ng ayusin ang mga nakakalat na gamit sa ibabaw ng lamesa niya.

"So tara na!" Pag-aya ni Farah na binitbit na ang kanyang bag.

May plano kasi silang magkakaibigan na lumabas ngayon. Dahil na rin sa nalalapit na kasal ni Farah at dahil sa aalis na rin papuntang ibang bansa si Penelope.

Parang pa-despidada na rin iyon ng dalawa niyang kaibigan.

Halos walang pagsidlan ng katuwaan ang tatlo sa paglabas nila ng biglang habulin sila ng secretary niya.

"Excuse me ma'am, I have receive a call from an important client today. May pinasasabi ho sa inyo," mabilis na sabi nito.

"Sabihin mo na lang bukas okay, maaga akong papasok. Tell that client na maaga ang out ko dahil sa may date ako," pagkasabi niya iyon ay lumabas na sila.

Naiwan naman na kumakamot sa sariling ulo ang secretary.

Halos gabi na rin ng umuwi si Beatrice mula sa mansyon. Kaagad siyang sinalubong ni Jaxx Rube.

"Hello Mom, kanina pa po kita hinihintay dahil may bisita po," sabi ng bata sa kanya.

"Sino?" tipsy niyang tanong. Nang balingan niya ang sala ay kitang-kita lang naman niya ang taong hindi niya aakalain makikita pa.

Napakaguwapo pa rin naman nito, bagay dito ang may balbas. Pansin niya ang may pagka-tan na kulay ng balat nito kumpara noon.

Huminga muna ng napakalalim si Beatrice bago tuluyan inalis ang pansin kay Rudny.

"Sige na anak, mauna ka na sa room. Mag-uusap lang kami," kalmado niyang sabi sa anak.

"Sure mom, kunin ko na rin itong mga pasalubong ni Tito," tugon naman nito.

Tuluyan pumanhik si Jaxx Rube at ng mawala ito ay muli niyang tinapunan ng pansin si Rudny.

"Anong ginagawa mo rito?"

"I'm back Bea, ilang beses akong tumawag sa opisina niyo pero parati kang busy. Tonight, nag-request ako sa secretary mo na bigyan ako ng appointment sa'yo dahil sa tingin ko iyon lamang ang oras na libre mo. Pero ang hirap mong hagilapin." Napatikom ang bibig niya. Dahil wala siyang maisagot, matagal niya itong iniwasan. Kaya ngayon para siyang nasukol.

"Hanggang kailan mo ba ako iiwasan, alam ko naman na. Kahit kailan ay walang makakapalit diyan." Sabay turo ng lalaki sa puso niya habang lumalapit ito sa kanya.

"Pwedi ba huwag mo na lang ako guluhin, masaya naman na ako sa buhay ko!" matatag na wika ni Beatrice.

"Masaya? kaya pati ang ipaalam kay Jaxx Rube kung sino ba ako sa buhay niya ay hindi mo sinabi. Dahil ano, dahil sa galit mo sa akin ganoon ba. Napakababaw mo Beatrice," mapait na ani ni Rudny na tumigil isang dipa buhat sa kanya.

Ngayon ay titig na titig na sila sa mukha ng bawat isa.

"Ang kapal mong sabihin iyan sa akin, gayong ikaw itong umalis. Pinili mong iwan kami ng anak mo dahil sa babae mo! imbes na samahan ako rito dahil nagluluksa pa ako sa pagkawala ng kapatid ko at itinuring mong bestfriend. Nawala ka! kinalimutan mo kami!" Pigil-pigil ni Beatrice ang luha niya ngunit hindi iyon umobra.

Napaiyak pa rin siya ng wala sa oras.

"I'm sorry kung nagawa ko iyon, but I did that para maging maayos ang lahat sa atin. Tama ka umalis ako papuntang Texas, pero wala akong kasamang ibang babae." Nasa tinig nito ang katutuhan at labis na sakit.

"Liar! narinig ko kayo ni Chloe. Nakita mismo ng dalawa kong mata ang lahat. Matagal na kayong may relasyon at niloloko niyo lang ako. Alam mo ang masakit Rudny, hindi lang ako ang nagawa mong lokohin at saktan pati ang anak ko! Kaya ngayon pa lang umalis ka na dahil ayaw na kitang makita pa ulit!" sunod-sunod niyang sabi. Dahil sa bugso ng damdamin ay dali-dali siyang nagtatakbo at pumasok sa unang silid na nakita niya at mabilis na nag-locked mula sa loob.

Dinig niya pagkatapos ang pagkalampag ng pinto at ang pagpipilit na makapasok nito.

Maya-maya ay kusang tumigil ito, akala niya ay tuluyan umalis na ito ngunit nagkamali siya. Dahil nag-umpisa ng magsalita ito.

"Mali ka, dahil hanggang sa huli ay hindi ko nagawa ang lahat ng mga sinasabi mo. Noon nagpunta ka ng America at iniwan mo ako at nagkaroon nga kami ng relasyon ni Chloe, pero hanggang doon lang. Dahil kahit ibang babae ang kasama ay ikaw pa rin naiisip ko palagi. Hindi ko alam bakit itong puso ko baliw pa rin sa'yo. Pero nang malaman ko na binusted mo si Zebastian, I set a plan to came back here and to be with you again. Sa maniwala ka o hindi, bago pa ako pumunta ng Texas nag-usap na kami ni Chloe and she finally understand me na kahit anong gawin niya ikaw pa rin laman ng puso ko," mahabang paliwanag ni Rudny mula sa pintong nakasarado.

Lahat ng iyon pinakinggan lang niya. Unti-unti ay namamalayan na lang niyang nangingiti siya, ngunit kaagad niyang sinita ang sarili.

"Baliw ka na rin ba Bea, maniniwala ka sa mga sinabi niya," bulong niyang sabi.

Hanggang sa magulat siya sa sumunod na nangyari.

"Pwedi ba Beatrice let me get inside. I'm warning you kapag hindi mo talaga binuksan ito gigibain ko 'tu!" Punong-puno iyon ng pagbabanta.

Ngunit imbes na sundin ang lalaki ay nanatili siyang nakayukyok sa lapag at nagbingi-bingihan.

Hanggang sa marining niya ang tinig ni Don Vicenti mula sa labas ng pinto.

"Sige na ija, labasin mo na si Rudny. Mag-usap kayo, hindi ba't iyon naman ang gusto mo. Ang makapag-usap kayo dati pa, naalala ko nga na hinahatid ka pa ng mga kaibigan mo dahil sa kalasingan at panay ang tawag mo sa pangalan ni Rudny---"

"Dad! ano ba!" Pagputol na ni Beatrice sa mga sasabihin pa ng ama niya. Nakakahiya!

Nagulat naman siya dahil hindi lang ang ama ang naroon kung 'di pati ang mga kaibigan at pamilya nila ni Rudny.

Napaamang siya dahil unti-unti napaluhod ito at sa pagkagulat niya may inilabas lang naman itong maliit na kahon.

"Beatrice De Guzman, will you marry me?" puno ng pagkaasam na naisatinig ni Rudny.

Napalingon-lingon naman siya sa mga kasama nila sa bahay. Nasa mukha ng mga ito ang pang-uudyok.

"Say I do Mommy to my Daddy!" Pag-cheer up naman ni Jaxx Rube na na nasa mukha ang kasiyahan.

Naiiling naman si Beatrice. Saka niya inilahad ang kamay.

"Why I have to do that, I already say yes to you way back a year a go."

Sa pagraan ng mata ni Rudny sa palasing-singan niya ay nakita niya roon ang sing-sing na kailanman hindi inalis ni Beatrice.

Napatunayan niya na kahit kailan ay hindi siya nito kinalimutan.

Tuluyan silang nagyakap, kasabay ng hiyawan din ng mga malalapit nilang kaibigan at pamilya na saksi sa kanilang pag-iibigan.

"I love you sweetheart, my soon to be wife Beatrice De Guzman-Aragon. Mag-umpisa tayo uli, sana hindi ka mapagod na mahalin ako," Kasabay ng mahigpit na yakap niya rito na tinugon naman din nito.

"I love you more, mapagod man ako, pahinga lang ang katumbas. Dahil ang pagmamahal ko sa iyo walang pinipiling oras."


Mag-uumpisa man sila ng paulit-ulit ay mananatili silang kakapit sa isa't isa baguhin man iyon ng panahon. Ang pagmamahalan nila mananaig hanggang WAKAS.

 Ang pagmamahalan nila mananaig hanggang WAKAS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Babz Note:

Una sa lahat nagpapasalamat ako sa nakapagbasa ng akda kong ito. Naging madami ang dahilan kaya na delay ang pagtapos ko nito. Pero heto, umabot na tayo sa wakas ng lovestory ng dalawa kong bida. At sa tuwing nakakatapos ako, naroon ang halo halong emosyon. Masaya ako na nagkaroon ng magandang ending silang dalawa. malungkot dahil tiyak ko na ma mi miss ko sila. Sa lahat ng mambabasa ko na sumuporta sa akin mula umpisa thank you. Sana magkita kita pa ayo ulit sa mga susunod ko pang libro <3

Mafia Boss Trapped (Season II) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon