Chapter Eight

43 1 0
                                    

AGAD tumalikod si Beatrice pagkasaksi pa lamang niya sa pakikipaghalikan ni Rudny sa ibang babae.

At hindi lang basta ibang babae ito, dahil si Elisse lang naman iyon ang ex fiance nito.

Patuloy lamang sa mabilis na paglalakad si Beatrice hindi sinasadiya ay may mabangga siyang tao.

Muntik na siyang mapaupo pero isang matigas na braso ang pumalibot sa beywang niya. Nang i-angat niya ang mukha ay napatitig lang siya rito. Ganito rin naman ito.

Unti-unti siyang ina-angat ng lalaki, isang matipid na ngiti ang itinugon niya sa matamis na ngiting ipinagkaloob naman nito sa kanya.

"Do we meet before?"tanong nito kay Beatrice na ikinataas naman ng kilay niya.

"Parang lumang tugtugin na iyon huh, tapos ano ang kasunod kukunin mo ang pangalan at number ko,"nakakaloka niyang sabi.

Dinig ni Beatrice ang napaka-sexy na tawa ng lalaking ngayon lang naman niya nakilala. Kahit paano ay maganda sa pandinig niya ang tawa nito.

"Do you mind if ever I'll get your name?"tanong nito.

"Dependi,"iyon ang sinabi niya. Pero nang mahagip niya ang papalapit ni Rudny sa kinaroroonan niya ay walang sabi niyang hinila ito palayo sa karamihan ng tao ang kasama niya.

"Saan ba tayo pupunta?"tanong nito.

"Basta bilisan mo lang maglakad"mariin anas niya. Mabilis silang nagtago sa isang  madilim na sulok ng bahagi nang makita niya ang bulto ni Rudny.

Gusto niyang magtawa sa reaksiyon ng lalaki, dahil halatang inis na inis ito sa ginagawa niyang pagtatago.

"Maghirap at mahilo ka sa kakahanap sa akin, bagay lang sa iyo 'yan. For letting Elisse to kiss you in public hindi ka na nahiya na makikita ko iyon tsk!"bubulong-bulong na sabi ni Beatrice.

"Are you hiding him,"bigla naman pagsasalita ng lalaking hinila-hila niya para magtago.

"Nariyan ka pa pala, sige na pwedi mo na akong iwan,"sagot niya.

"Dito lang ako kasama mo,"matamis na saad ng lalaki.

Alam na alam na ni Beatrice ang mga ganoon move ng lalaki. Kaya bago pa mag-assume ito ay aawatin na niya.

"Hey! Mr...."

"Zebastian Madrid,"pakilala ng lalaki sa sarili.

Agad ang panlalaki ng mata ng babae sa gulat.

"Teka, ikaw ang anak ni Xtian Madrid right?"gulat niyang sabi. Paanong hindi niya makikilala ito, ang company lang naman nito ang new prospect finance buyer nila para sa coming project nila this year at siyang nag-organize ng event ngayong gabi.

"Yes and your Beatrice De Guzman, matagal ko ng gustong makilala kita. Nice to meet you, anyway nagkita na tayo dati sa States same ng University kung saan tayo nag-aral,"dagdag pa ng binata.

Hindi naman nagpakipot pa si Beatrice naglahad na siya ng kamay kay Zebastian akmang aabutin niya iyon para formal na silang makapag-hand shake ng may isang kamay ang humablot sa palad niya.

"What do you think your doing,"malamig na sabi ni Rudny na titig na titig sa kanya.

"Pakialam mo ba, I'm here, having conversation to my prospect client. Habang ikaw nakikipaglandian sa ex mo!"supla niya.

"Teka sandali mali ka ng iniisip Bea, let me hear out first,"wika ni Rudny pero inirapan lamang siya ng babae.

"Sorry for interrupting but I have to  leave you here now. Till next time Ms. De Guzman,"paalam ni Zebastian na ngumiti na naman sa kanya ng ubod tamis. Litaw na litaw tuloy ang mapuputi at pantay na ngipin nito.

Mafia Boss Trapped (Season II) COMPLETEDWhere stories live. Discover now