Chapter Ten

41 3 2
                                    


     PABABA na si Beatrice sa kotse, inis na inis siya dahil naabutan lang naman siya ng mabigat na traffic sa highway.

Tuluyan niyang isinara ang pinto ng kotse niya ng mapansin niya ang naka-park na motorbike sa tabi ng kotse ng kapatid niyang si Novice. Nag-isang linya ang labi niya, alam niya kung kanino nagmama'y ari iyon.

Hindi naman siya nagkamali dahil nakita niya rin mula sa entrada ng pintuan ng mansyon ang nakatayong si Rudny.

"Bakit ka narito?"Gustong isanghal ni Beatrice sa lalaki ngunit nagpigil siya ng makita niya ang mabilis na paglapit ni Jaxx Rube.

"Hai mommy narito ulit si Tito Rudny, kasama ko siyang naghintay sa'yo. Heto nga ipinasalubungan pa niya ako ng donut. Akala ko joke lang niya na maaga kang uuwi tonight,"sabi pa ni Jaxx Rube.

Ngumiti lang naman si Beatrice at sinabayan na sa pagpasok ang anak. Hindi niya pinansin ang lalaking sinusundan lang sila ng tingin. Habang naglalakad sila ay hindi maiwasan na mailang sa titig na ipinupukol sa kanya ng binata.

"Sige na darling at magpapalit lang si Mommy huh, saka na ako baba para sabay na tayong makapag-dinner,"utos niya sa anak.

Tumango naman ito at dali-dali ng nagtatakbo.

Dumiretso na sa connecting room si Beatrice kung saan naroon ang dressing area niya. Maya-Maya ay nakarinig siya ng magkasunod na katok mula sa pinto at dahil inaakala niyang si Jaxx Rube lang iyon ay naglakad na siya palapit para buksan ang pinto.

"B-bakit ka narito?"tarantang saad ni Beatrice na nakatitig sa nagulat din na mukha ni Rudny na tinitigan siya mula ulo hanggang paa.

Agad na itinakip ni Beatrice ang palad sa katawan niya, paano ba naman ay manipis na blouse ang suot niya at kadangkal lang ang pagitan ng laylayan niyon sa undies niya.

"S-sorry..."Akmang tatalikod ito nang muling ibinalik nito ang pansin. Maging ito man ay namumula ang buong mukha.

"Siya nga pala pinapatawag ka na ng Dad mo sa dining area,"sabi ni Rudny.

"Sige baba na ako,"usal ni Beatrice pagkatapos niyon ang malakas na pagsara ng pinto.

Sa sandaling iyon ay tuluyan nakahinga ng maluwag si Rudny hindi niya mapigilan malibugan sa ayos ni Beatrice. Pinigilan niya lang sarili kanina na pasukin ito. She miss her so much na parang kamatayan na rin ang pagtitikis niya sa nararamdaman.

Muli pa niyang tinapunan ang pansin sa nakasaradong pinto bago siya tuluyan bumaba.

MARAHAS naman napabuga ng hangin sa bibig si Beatrice, dinig pa niya ang papalayong yabag mula sa labas ng isinaradong pinto.

Tuluyan siyang napasandig sa likuran niyon.

"Calmn down Bea, relax...inhale, exhale. Wala naman gagawin sa'yo si Rudny your safe narito ka sa mansyon,"pagpapakalma ng babae sa sarili.

"Iyan ba ang totoo o naapektuhan ka na sa kung paano ka niya titigan,"kontra ng isang tinig sa isip niya.

"T-that's not true!"matigas niyang usal. Tuluyan na siyang naglakad kahit nangangatog pa rin ang mga binti niya.

Matapos niyang makapagbihis ay tuluyan na siyang bumaba, napakalma na rin niya ang sarili sa ilang segundong pakikipag-usap niya sa harapan ng salamin.

Ipinlaster niya sa labi ang ngiti, gusto niyang palakpakan ang sarili niya sa galing niyang umarte na kalmado siya.

"Halika na ija at umpisahan na natin kumain,"sabi sa kanya ni Don Vicenti.

Mafia Boss Trapped (Season II) COMPLETEDWhere stories live. Discover now