Chapter Four

61 1 1
                                    

LUMIPAS ang ilang araw, magmula ng gabing aksidenti silang magkita ni Rudny at Beatrice sa party ay hindi na muling nakita pa ng babae ang binata.

Pabor kay Beatrice iyon dahil mas okay na hindi na ito magpakita sa kanya. Wala rin naman pupuntahan ang ginagawa nitong pagsunod-sunod sa kanya.

Natatawa na lang si Beatrice kapag nakikita niya kung saan-saan si Rudny magmula ng umuwi siya galing States. Sa mall isang beses na ipinasiyal niya si Jaxx Rube, sa labas ng mansiyon nila at kahit sa D.G Empire kung saan nag-umpisa na rin siyang magtrabaho ay naroroon ito.

Naging instant stalker ito.

"Hindi ko talaga maisip na magiging ganito kapursige si Rudny sa'yo beh,"sabi ni Farah ng minsan magpunta ito sa sariling office niya para maghatid ng isang dokumento na kailangan ng pirma niya.

"Bakit mo naman nasabi iyan?"tanong ni Beatrice na nasa binabasang papeles ang atensyon. Ni hindi nito makuhang tapunan ng tingin si Farah dahil bukod sa kailangan pa niyang basahin ng maigi iyon ay marami pang nakatambak na mga documents sa ibabaw ng lamesa niya.

Hindi na siya magkandaugaga sa pag-aasikaso niyon, pati ang oras para sa nag-iisa niyang anak na si Jaxx Rube ay nakukunsumo na ng trabaho niya sa kumpaniya.

Bago kasi siya makauwi ay isang Buwan mahigit na rin ang ama niyang nasa ospital. Kaya natambak na roon ang mga papeles na kailangan nitong aprubahan.

Pati ang schedule niya outside the company sa iba't ibang investor at prospect ay kailangan niyang daluhan. Kaya para mas mapadali iyon ay dumadalo siya sa iba't ibang uri ng pagtitipon kung saan naroon ang mga taong kakapayamanin niya.

Kaya kahit panay party siya ay puro trabaho naman ang usapan nila. Halos hindi na niya maalala kung kailan siya huling nagpunta sa beauty salon. Sa sobrang pagod niya sa maghapon ay tanging pagtulog na lang din ang ginagawa niya kapag umuuwi. Sometimes she skip dinner dahil wala na siyang ganang kumain kapag gabi.

"Kasi naman bii! nakasalubong ko siya sa may elevator ng magpunta ako rito sa'yo. Don't you say na hindi siya rito sa'yo pumunta, eh, ito lang naman ang tanging pupuntahan ng private elevator mo!"natatawang ani ni Farah.

"Aba malay ko, kita mong busy ako rito. Baka naman ang secretary kong si Dennice ang pinuntahan niya,"sarcastic niyang sabi habang inaayos niya ang suot na salamin sa mata.

"Si Dennice imposible naman iyon, may asawa na iyong tao bakit naman pupuntahan ni Rudny,"patuloy ng kaibigan niya.

"Hindi ko nga alam bakit ang kulit mo, ganiyan na ba kapag nagbubuntis kasi as a matter of fact hindi naman ako ganiyan kakulit noong pinagbubuntis ko si Jaxx Rube."

Sumilay ang isang magandang ngiti sa labi ni Beatrice pagkaalala sa nakaraan kung saan nasa tiyan niya pa ang anak. Para sa kanya ay iyon ang pinaka-da-best na nangyari sa buong buhay niya ang magkaroon ng anak at maging ina kay Jaxx Rube. Wala na siyang mahihiling pa sa buhay niya. Nasa kanya na ang lahat-lahat.

"Ayee! umamin ka na kasi, mahal mo pa rin si Rudny. Kitang-kita naman diyan sa ngiti mo ngayon bii!"tukso pa ni Farah na tuluyan kinuha ang katatapos lang na pirmahan ni Beatrice na mga documents.

"Nagkakamali ka, naiisip ko ang anak ko that's it! naku! kung hindi ka lang buntis itutulak kita palabas eh!"nakasimangot niyang pakli na iniikot pa ang mata.

"Hay naku! hindi mo ako maloloko, kilala kita bii ako pa ba pagsisinungalingan mo,"saad nito na tatawa-tawa.

Hindi na niya ito sinagot itinuon na lang niyang muli ang pansin sa ginagawa.

Mafia Boss Trapped (Season II) COMPLETEDWhere stories live. Discover now